Chapter 1: Ang Pilyang Prinsesa👑

4 0 0
                                    

"Kamahalan sandali!" sigaw ng aking mga tagapagsilbi habang hinabol nila ako.

Tinakasan ko lang naman kasi sila mula sa aking silid dahil gusto ni Ina na dumalo ako sa aralin namin ng aking ate tungkol sa kasaysayan ng aming kaharian. Nabasa't napag-aralan ko na iyon nakakatamad ulit ulitin...

Habang tumatakbo'y nakarating na ako sa aking lihim na daanan palabas ng palasyo...

Oo, tama kayo ng basa palabas ako ngayon ng palasyo.

Gawain ko ito simula ng ako'y tumuntong ng labin-anim na gulang...

Mas gusto kong magpalipas ng maghapon sa labas ng palasyo sapagkat dito ko lamang nararamdaman na hindi ako iba sa mga taong nasasakupan ni Ama. Masaya ako sa tuwing pinagmamasdan ang mga taong nagbebenta ng mga kalakal mula pa sa ibang kaharian at bayan, mga batang naghahabulan at naglalaro habang masayang nagtatawanan, at mga kababaihan at kalalakihan na pawang nag-uusap sa pamamagitan ng kanilang mga mata.

Hay buhay nga naman oh...kung ipinanganak lang sana akong ordinaryong mamamayan, siguro'y mas masaya sana ako...

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko hanggang sa namalayan kong magtatakipsilim na..

"Oras na para umuwi" mahinang usal ko sa sarili.

Tinahak ko na ang daanan pabalik sa lihim na daanan papasok ng palasyo.

Kahit na papaano ay nabawasan ang kalungkutan na nadarama ko sa loob ng palasyo.

Pagkarating ko sa harap pintuan ng palasyo ay nakita ako ang aking mga tagapagsilbi na mukhang pagod na pagod sa paghahanap sa akin maghapon, at nang makita nila ako'y parang nabuhayan ulit sila at dali dali akong dinaluhan.

"Mahal na prinsesa, saan naman po ba kayo nanggaling?" alalang tanong ng isa sa kanila.

"Diyan lang naman ako sa malapit" sabay ngiti ko sa kanila.

"Halina po kayo at ng kayo'y makapagpalit na ng kasuotan" sabi ng isa at ako'y inakay na nila patungo sa silid ko.

********
Habang kami'y naghahapunan ay biglang nagsalita si Ina.

"Saan ka galing at hindi ka nakadalo sa aralin niyo ng kapatid mo, prinsesa Sabrielle?" Tanong ni Ina. "Siguro'y lumabas ka na naman ng palasyo ano? Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na mapanganib sa labas ng palasyo lalo na at walang mga kawal at tagapagsilbi na aalalay sa'yo!" dagdag ni Ina na mukhang galit na sapagkat bahagyang tumaas ang kaniyang boses.

"Patawad Ina, ngunit wala naman pong masama na lumabas ng palasyo ng mag-isa dahil kaya ko na naman po ang sarili ko maglalabing-walo na po ako sa susunod na buwan, naturuan na naman po ako ni Heneral Lucas ng mga hakbang sa pakikipaglaban, kung sakali na may magtangkang saktan ako. At isa pa ay wala naman pong nakakakilala sa aking maliban sa inyo at sa mga taong narito sa palasyo. At-"

"Saan nanggaling ang lahat ng pinagsasabi mo prinsesa? Prinsesa ka at ang tungkulin ng prinsesa ay nasa loob lamang ng palasyo at hindi nasa labas! Pinagsisisihan kong pinayagan ko ang gusto ng Ama mong payagan kang humawak ng sandata at sumakay ng kabayo!" galit na turan ni Ina na nakahawak pa sa kaniyang dibdib.

Nanahimik na lamang ako at nararamdaman kong hinawakan ni ate Dianah ang aking kamay na may hawak na kutsara at tiningnan ko siya sa mata niya na parang nagsasabi na 'ayos lang yan nag-aalala lamang si Ina sa'yo'.

Kung narito lamang si Ama ay ipagtatanggol niya ako kay Ina. Wala si Ama sapagkat siya'y dumalo sa pagpupulong ng mga hari ng lahat ng kaharian.

"Patawad po Ina kung sumuway na naman po ako sa inyo, ngunit unawain niyo naman po na ito po ang gusto ko, kung maaari po ay magtalaga po kayo ng isang taong maaaring magbantay sa akin kapag nasa labas ako ng palasyo."- nakangiting saad ko.

" Hay naku ka talagang bata ka,"

"Sige na Ina payagan niyo na ang kahilingan ni prinsesa Sabrielle." Sabi ni ate Dianah.

"Papayagan kita sa hiling mo ngunit may kapalit ito. Dadalo ka sa lahat ng aralin mo at pagkatapos nito'y magagawa mo na ang iyong nais." Mahinahibg saad ni Ina ngunit may siin ang bawat salita.

"Maraming salamat Ina, mahal mo talaga ako," saad ko at tumayo at niyakap ko siya mula likod kaya't di niya nakita ang pagkindat ko kay ate Dianah.

*********

Kinagabihan ay hindi ako agad nakatulog sapagkat sabik ako sa kung anuman ang mga mangyayari kinabukasan. Bumangon ako sa aking kama at lumabas sa aking silid. Tinahak ko ang daan patungo sa kusina ng palasyo upang kumuha ng maiinom, kahit naman na prinsesa ako ay hindi ko ugaling mag-utos sa tagasilbi ng kaya ko namang gawin.

Habang papalapit ako ng papalapit ay may naririnig akong humahagulgol...mukhang si Ina yun ah?...

Tuluyan na akong nakalapit sa pinto patungong kusina ng marinig ko si Ina na nagsalita...

"Malapit nang kunin ni Bathala ang ating panganay, anong gagawin natin mahal ko?" Umiiyak na saad ni Ina.

Anong mangyayari Kay ate? Bakit siya kukunin ni Bathala? Bakit ganun na lamang ang pagiyak ni Ina?

A/N: Happy reading😊💕

Ano ang lihim ang matutulungan ng ating pilyang prinsesa patungkol sa kaniyang mahal na kapatid?

Abangan😊

-ate Ayah💕-

I'm the Substitute Crown PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon