Chapter 3: Ang Paligsahan👑

2 0 0
                                    

THIRD PERSON POV

Hindi pa rin makahuma ang mag-asawa sa tinuran ng kanilang bunsong anak...nagkatitgan sila at parang sinasabing 'hindi ito maaari'.

"Ano ama ayos po ba ang naisip ko?"-prinsesa Sabrielle

" K-kung yun ang iyong nais ay pumapayag ako, ngunit ipakikilala ka na isang anak ng heneral upang itago ang iyong katauhan at magsusuot ka ng maskara at damit na panlalaki upang hindi ka makilala, at ang paligsahan ay palalabasing nagahahanap ng isang taong magbabantay sa hari." -ang hari na medyo nautal pa.

*********
Ang lahat ay abala na sa gaganaping paligsahan sa napakalawak na bulwagang natatakpan ng berdeng damuhan.

Habang sa gitna nito ang naroon ang isang bilog na kahoy na may mga markang pabilog na paliit ng paliit habang papunta sa gitna ng kahoy....

Nagsimulang ipakilala ang sampung kalahok, kasali na ang prinsesang nakamaskara.

At ang panghuling tumira ay ang prinsesa...mayroon ng dalawang naunang pasok sa bilog na nasa pinakagitna...kung kaya't kailangan niya itong matapatan upang makalaban niyang muli ito sa huling antas ng paligsahan..

"Sigurado naman akong tatamaan ng anak ko ang pinakagitna niyan," nakatitiyak na bulong ng hari sa reyna. Na noo'y nakaupo sa pinakagitna sa likod ng bulwagan kasama ang reyna at prinsesa Dianah.

"Kaya ko ito," -bulong sa sarili ni prinsesa Sabrielle.

At ang bulong na iyon ay tila isang orasyon sapagkat ang palaso ng prinsesa ang kumumpleto sa tatlong maglalaban laban sa susunod na antas ng paligsahan.

"Sa huling antas ng paligsahan ay tatlo na lamang ang maglalaban, ang anak ni Heneral Leo, Heneral Mateo, at Heneral Lucas." saad ng tagapagsalita.

Ipinakilala si Prinsesa Sabrielle bilang anak ni Heneral Lucas sapagkat ito lamang ang nakakakilala sa kaniya.

"Ginoong Kian, na anak ni Heneral Leo ang mauuna"-tagapagsalita.

Mula sa kinatatayuan niyang may layo ng labinlimang metro mula sa kahoy na patatamaan ng palaso.

Nagsimula na si Kian ngunit daplis lamang ang natamaan ng pinaka-gitnang

I'm the Substitute Crown PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon