Chapter 1

32 2 3
                                    

Eunbi's Pov

Natutulog ako ng mahimbing ng may bigla na lang sumigaw mula sa baba.Hays.Panigurado yung kabit na naman ni papa yun.Sanay naman na ako eh.

"LEE EUNBI!!!DI BA SINABI KO NAMAN SAYO NA DAPAT KAPAG KAGISING KO MAY MAKAKAIN NA AKO!!!HA?!!!EH BAKIT HANGGANG NGAYON EH NAKAHILATA KA PA RIN JAN SA HIGAAN MO?!!HALIKA NGA DITONG BATA KA AT MAGLUTO KA NA!KUMILOS KA NA JAN AT BAKA MATAMAAN KA PA!!!"- sigaw nito mula sa ibaba.

Hays.Pilitan ko man na bumangon ay di ko magawa dahil nga inaantok pa ako.Tinapos ko pa kasi yung project ko,tapos namalantsa pa ako ng damit nila ng anak niya.Pinagawa rin kasi ako ng anak niya ng report kaya anong oras na rin ako nakatulog.Hays.Sanay naman na ako na ganito ang trato nila,pati nga si papa eh ang trato na lang din sa akin ay katulong.

"EUNBI!!!HINDI KA BA TINATAWAG HA?!!BUMABA KA NA DITO AT IPAGLUTO MO NA AKO NG UMAGAHAN!!!DI BA SINABI KO NAMAN SAYO NA AYAW KO NG TATAMAD-TAMAD!!!"-sigaw na naman niya mula sa ibaba.

Alam ko sa sarili ko na inaantok na ako pero pinilit ko ang sarili ko na wag pumikit at bumangon na para di dumami ang pasa sa katawan ko.Alam ko na rin naman na kakawawain na naman ako niyan eh.Hays.

Pagkayari ko magligpit ng pinaghigaan at maghilamos ay agad din akong bumaba para magluto.Ayoko na rin kasi na sumigaw na naman siya kasi sigurado ako na kapag sumigaw siya ulit ay hindi na talaga ako makakapasok dahil sa mga latay niya sa akin.

Pagkababa ko nakita ko siya na nakapameywang at ang sama-sama ng tingin sa akin,yung akala mong kakain na ng tao.

"Diba sinabi ko naman na gumising ka ng maaga!Anong oras na oh?!Aalis pa ako eh!Bilisan mo magluto!"-galit na sigaw niya sa akin.

"Pero k-kaya lang n-naman po ako ti-tinanghali k-kasi po namalantsa pa po ako tapos gumawa ng report ni Ate Jieun tapos gu-gumawa pa po ako ng proje-"-di ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla na lang niya akong sampalin.Ramdam ko yung hapdi ng pagkakasampal niya sa kaliwang pisngi ko.

"Di ko kailangan ng paliwanag mo!Sa tingin mo ba makakain ko yan?!Yung dinakdak mo jan eh sana ginamit mo nang oras para magluto!!!Umalis ka na nga sa harapan ko baka madagdagan ko pa yang sampal sa mukha mo!Lumayas ka na!Alis!Alis!Kaaga-aga buwisit ka sa buhay ko!"-galit na sigaw na naman niya matapos niya akong sampalin.

Pinipilit ko na di maiyak pero nang makatalikod siya ay bigla na lang bumuhos yung mga luha kong kanina pa nagbabadyang bumagsak.

Naglakad ako sa kusina para magluto ng agahan NILA.Oo agahan nila lang kasi ayaw nila akong kasabay na kumain kaya kapag pasok ko sa eskwela ay gutom ako.Nagluto lang ako ng itlog at bacon.Ipagtitimpla ko na lang sila ng kape.Habang nagluluto ako eh hindi ko mapigilang maisip kung bakit ba naging ganito ang buhay ko!Ang hirap na sarili mong ama ay nagawa kang pagbuhatan ng kamay!Eh yung nanay ko nga eh kahit kagat ng lamok ayaw niya na dumadapo na lang basta sa akin eh yung pang kamay ng kabit ng papa ko!

Araw-araw di lilipas yun ng wala akong nakukuhang pasa sa katawan.Masasakit na salita na pilit kong pinagtitiisan!Kelan ba matatpos lahat ng ito?!Puro na lang hirap yung dinadanas ko!Kelan ba ako makakaranas ng minsang maayos at masayang pamilya!Yung tanggap niyo yung isa't-isa tapos sama-sama kayo sa mesa para kumain ng sabay-sabay.

Pero kung iisipin ko yun ay sobrang labo ng mangyari!Simula kasi ng umalis si mama ay pinauwi na dito ni papa yung kabit niya kasama ng anak niyang walang kasing bait!Wala silang ginawa kundi utus-utusan ako na oarang binabayaran.Nagmistulang punching bag na rin nila ako kapag meron silang di pagkakaintindihan.

Ako kasi lahat ang sumasalo ng masasakit na bagay na kaya nilang gawin.Minsan nga naisip ko kung bakit pa ako nabuhay kung yung sariling ama ko eh hindi ako kayang mahalin at tanggapin!

Written On The Stars|| 전정국 FF.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon