Kinabukasan
Gising na 'ko pero ayoko pang kumilos. Nanatili akong nakapikit at naka higa sa kama ko. Ayoko na, gusto ko munang mapag isa. Sabi ko sa sarili ko, huling iyak na yung kagabi, pero wala, ito, habang nakapikit ay tumulo na naman ang mga luha ko. Hindi na muna ako papasok ngayong araw.
Hinayaan ko na lang ang sariling umiyak, yes I am a strong woman, but not all the time. May weaknesses din naman ako, umiiyak din ako. Mag sisinungaling pa ba ako pati sa sarili ko?
Hindi ko alam kung gaano karaming araw ang igigising ko ng umiiyak, hindi ko alam kung gaano katagal mananatili ang sakit, dulot ng maling pag ibig.
Sabi sakin ni mommy nung nabubuhay pa sya "Don't rush yourself. Love, always takes time, it comes in God's perfect timing. Just be patience."
Tama si mommy, pero hindi kase ako nag tyagang mag hintay. I am afraid to be alone again. Ayoko nung feeling na lagi ka na lang mag isa at walang kakampi sa buhay.
Sorry mommy, alam kong ayaw mong makita akong ganito, sorry kung hinanap ko sa ibang tao yung nawalang pag mamahal sa akin mula nung iwan mo ako. Pa'no ba naman kase, ikaw na lang yung meron ako, iniwan mo pa ako. Masyado pa akong bata nung iwan mo mommy, 1st year high school palang ako non, kaya namalimos ako ng atensyon mula sa ibat ibang Tao, sa mga lalaking, lahat, iniwan din ako. Katulad nang ginawa sakin ni Daddy.
Pigil ang hikbing saad ko sa utak ko.
Pera at yaman lang ang meron ako, oo lahat ng yon ay galing kay Daddy, puro pera ang tinatapal nya sa akin, imbis na atensyon at aruga nya.
Nung nabubuhay pa si Mommy, nalaman namin na she's suffering because of her disease, She has cancer. Late na namin nalaman, dahil ayaw ni mommy na sabihin samin, ayaw nya na mag alala pa kami.
Nag pa gamot si mommy, Unti unti nang nag bago ang pisikal nyang itsura, namayat, nanlagas ang buhok, but she's still the prettiest lady I've ever seen, pag tiningnan mo yung mga mata nya, nandon pa rin yung gandang meron sya, pero kay Daddy hindi ganon. Nag sawa sya mag alaga, pangit na ang tingin nya kay mommy dahilan para iwan nya kami, iwan nya ako. Sumama sya sa babae nya, ganon naman talaga e, pag sawa na ang mga lalaki, hahanap na ng pamalit. Hinayaan na lang namin sya ni Mommy kahit masakit, tss. Ganon na Lang ba lagi ang gagawin ko? Kapag nasasaktan, hahayaan na Lang? Itatawa at ingingiti na lang? Tss.
Nawalan ng hininga si mommy nang pangalan ni Daddy ang sinasabi. Mahal na Mahal ni mommy si Daddy, pero nagawa pa rin syang iwan ng lalaking bumuo ng buhay nya, kung Sino ba talaga ang bumuo, sya rin ang dapat na sisira? This thing is so fvcking bullshit!
Sa libing ni mommy, dun ko huling nakita si daddy, kasama pa yung bago nyang pamilya, may dalawa silang anak, samantalang ako, walang kapatid.
Ansakit makita na pumunta pa sya, tangina! Sana hindi nalang sya nag abala.Kinausap nya ako tungkol sa mang yayari sa buhay ko. Ang sabi nya hindi na raw sya makaka uwi sakin dahil sa US na sila titira nung kabit nya. Habang sinasabi nya yon, iyak lang ako nang iyak, Hindi ako makatingin sa mga mata nya, Hindi ko na sya kilala.
Binigay na nya sa akin ang mansion nya dito sa pilipinas, binigyan nya ako ng kotse at napaka raming pera sa bank account, every month nya raw lalagyan yung account na yon, para sa pag aaral ko. Kumuha rin sya ng katulong na makakasama ko sa buhay.
Ang nice diba?
Yun nga si Yaya Hally. Kaya ganon na lang ang pag mamahal ko don, kase sya lang yung kaisa isang taong nag stay sakin. Nandyan sya sa tuwing may problema ako.
Napaka tagal na panahon ang lumipas, pero, yung sakit, walang pinag bago.
Inayos ko pa rin ang buhay ko dahil alam kong Yun ang gusto ni mommy para sakin, ngunit Hindi ko napigilang mag hanap ng pag mamahal.Ayoko munang harapin si Yaya, alam kong nasasaktan din sya sa tuwing nakikita akong malungkot. Hindi pa alam ni Yaya ang nang yari samin ni Harvey, nako! Tiyak na mag hahamon na naman iyon ng suntukan. Hays. Yaya.
Ang daddy, hindi na sya talaga bumalik, tumatawag sya pero Hindi ko sinasagot, ayoko rin namang putulin ang ugnayan ko sa kanya dahil kaylangan ko rin sya. Or may I say, kaylangan ko lang ang pera nya.
Katulad ng madalas na pang yayari, iniwan kami ni daddy dahil sa walang ka kwenta kwentang dahilan. Nag pa alam pa sya? Sana hindi na lang.
Mag mula non, sinanay ko ang sariling maging matatag, ngiti, kakulitan, mga tawa ang makikita mo sakin, pero sa loob ko, sobrang pagod na pagod na ako. Halos hilingin ko na lang na sana isang araw hindi na lang ako magising.
How to break someone's heart, if you found it already broke? How can you ruined someone's life, if it's already messed up? Ang galing naman, sinisira nila, yung matagal nang sira.
Muli na naman akong humikbi , pinigilang umingay ang iyak sa bawat pasilyo at kanto ng mansion na ito. Lalaban ako mommy. Just give me some times.
---
"Maru?"
Dinig kong tawag sakin ni Yaya habang kumakatok, Lalo akong naiyak, sumikip ang dibdib ko, gusto kong yakapin ng mahigpit si Yaya."Maru, anak? Tanghali na, may pasok ka pa ngayon, labas na at nakahanda na ang pag kain. Nag luto ako ng paborito mong sinangag at bacon, halika na Ija."
Malambing at marahang sabi pa ni Yaya. Huminga ako ng malalim, pinigilang manginig ang boses, para makasagot kay Yaya nang hindi nahahalatang umiiyak, iminulat ko ang mga Mata ko at bumuga ng hangin.
"Amm, Y-Yaya? Hindi po muna ako papasok hehe. M-Mamaya na rin po ako babangon hehe. H-hindi pa po ako nakakaramdam ng gutom e, hehe. M-masyado po akong n-napagod k-kagabi, a-ang s-saya po kase n-nung p-party ko e, tsaka..."
Hindi ko na naituloy pa ang sinabi ko, kumawala na naman ang mga pigil na hikbi. Ipinikit kong muli ang mga Mata ko.
Sana hindi mahalata ni Yaya.
"Ganon ba Ija? Sigi at mag pahinga ka na lang muna. Bumaba ka kapag nagugutom ka. Bababa na muna ako."
Batid kong ramdam na ni Yaya ang pigil na emosyon ko.
Yaya Hally's POV
"Ganon ba Ija? Sigi at mag pahinga ka na lang muna. Bumaba ka kapag nagugutom ka. Bababa na muna ako."
Ang bata talagang ito oo. Sa akin pa nakuhang mag sinungaling, kilalang kilala ko na sya. Mukhang mabigat ang pinag daraanan na naman. Ala eh, Hindi ko na muna sasabihing ramdam ko, hahayaan ko na muna sya, hihintayin na ang aking alaga mismo ang mag sabi, siguradong sasabihin din naman nya iyon sa akin.
Ako ay bilib sa mga taong kaya pang saktan ang katulad ng batang iyan na pag kabait. Ala ey wala akong masabi. Hindi nya dapat dinaranas ang mga ito.
Narinig ko ang doorbell. May dumating na bisita, Ngayon lang nag ka roon ng bisita Ang alaga ko. Hindi nya ugaling mag patuloy ng kung sino sino dito sa mansion. Ni isang kaibigan ay walang nakaka alam ng address nya, kahit iyung batang si Jessy na barkada nya.
Kaya taka akong madaling nag tungo sa baba at binuksan ang pinto. Nagulat ako ng makita kung Sino at kung anong klaseng bisita ang dumating. Paanong nakapasok sya? Bakit pinapasok sya ng mga guard? Hindi maaari.
"Magandang umaga manang, nasaan ho si Maru?"
Dumating sya? Alam ba ito ni Maru?
BINABASA MO ANG
Better Left Unsaid (On going)
General FictionThis is a work of fictions. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictious manner. Gets mo na yan honey HEHEHE. PLAGIARISM is a crime. Salamat sa mga bashers ng a...