Chapter 12

20 5 3
                                    

-Note for Maja the lasingera-

   Sa mga oras na to, malamang, naka uwi na ako, I just want you to know na hindi ako si Harvey. Sinulat ko tong note bago ako umalis, naka tulog kana ng tuluyan e, pero don't worry, wala akong ginawang masama sayo, ikaw! Ikaw ang may ginawang masama sakin hahaha.
   Don't worry, I didn't take it too serious, alam ko naman na it's all about Harvey, your great EX kaya mo ginawa sakin yon. Hahaha! I'm not sure kung maaalala mo lahat, siguro may maaalala ka pero yung iba lang HAHAHA hala! Ganyan ka palang babae? Ganyan ka ka naughty sa boyfriend mo dati? HAHAHA
   Welcome to my life Maja, hindi ako papayag na hindi tayo muling mag kita, may ginawa ka sakin, na dapat pag bayaran mo ng malaki laki. Seeyah around!

-Neil the great

"Shiiiit!!!"

Napa pikit at napa singhal ako.
Anong ginawa ko? Taragis na tao to!

Pero teka! Wala naman to dito kanina a? Shit! Baka nag linis si yaya dito. Siguradong binasa na nya to. THIS CAN'T BEEEE!

What to doooo? Puntahan ko ba sya agad sa Gig Outs? Anong ginawa ko sa kanya na dapat kong pag bayaran? Tss! Parang wala naman e.

Imbis na ma stress ay naligo na lang ako ulit.

Napatulala ako sa sariling reflection sa salamin, tiningnan ko ang sarili ko, I need to change myself for better. Kaylangan kong pilitin na kalimutan si Harvey, hindi na muna siguro ako papasok sa panibagong relationship, self love muna.

---

"Love is not always about the romantic affection, it is also about the love you always willing to give to your parents, friends and relatives, it is the care for yourself and the love for yourself."

Natapos ang misa na tanging yun lang ang naintindihan ko.

Wala naman akong ibang choice kundi yung last e, iisa lang naman ang tinuturing kong pamilya at kaibigan, at si Jessy lang yon, self love lang daw ang kaylangan to be a happy person, self love? Panong self love? Parang hindi ako magiging masaya hanggat hindi nakukumpleto ang pamilya ko, at never na yon makukumpleto, dahil wala na si Mommy.

Napag isipan kong subukan na i focus muna ang buong buhay ko para sa sarili, kaya agad na nag tungo ako sa mall at nag pa salon.
Exciting!!!

"Good afternoon! Welcome to pretty us salon! I'm Celine! What can I do for you madam?"

Tanong sakin ng isang bakla pag kapasok na pag pasok ko pa lang sa loob.

"Pagandahin mo ako" I said and smiled to her.

"Madam! Maganda ka na naman, ano pang gusto mong gawin? Haha" she said then offered a sit for me.

"Tell me madam, let's start with your hair, anong looks ang gusto mo?" Sabi pa nya at sinilip ako sa salamin na nasa harap ko ngayon.

I stared at my face for a second.

"Cut my hair out."

Nagulat si Celine sa biglang pag sagot ko.

"Are you sure? Ang ganda ng hair mo, sayang naman kung puputulan natin."
Sabi pa nya habang himas himas pa ang buhok ko.

"Just do it. Part of moving on." I said and smiled at him.

Sayang nga naman ang long hair ko na may pa wave lang sa dulo, pero gusto ko kase mag bago, Gusto ko ulit mag start.

Nag start na sya sa pag aayos ng buhok ko, a lot of treatments na nakaka bagot kaya naman kinuha ko ang isang magazine na naka patong sa lamesa at binasa iyon.

Better Left Unsaid (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon