Chapter 6

40 10 0
                                    

Maru's POV

"Hi miss! Pwede ba mag tanong?"

Napatalon ako sa gulat ng sa gitna ng pag titig ko sa mga ilaw na nag gagalawan at mga taong nag sasayawan sa bar ay biglang may kung sinong nag salita sa harap ko, deretso lang akong nakatingin sa kanya sa hindi ko malamang dahilan.

"Bakit ganon? Do I deserve to be hurt like this? Tell me, am I that ugly?"

"No."

"Bakit ako iniwan ni Harvey?"

Napatawa sya, at doon ko lang na realized na wala sa hulog ang mga ginagawa ko.

Great Maru! Nakakahiyaaaaaa!!!!!

Sa sobrang kahihiyan ay tumalikod ako sa kanya at humarap sa counter para umorder ng hard drinks.

"Miss?"

Tawag nya sakin, na may pag tapik pa sa balikat ko. Pinilit kong hindi lingunin sya, dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang init ng pisngi ko.

"Miss, hindi ka naman mukha lasing, pero ano yung sinasabi mo? Look, bago lang din ako dito, okay? Feel free to share some stupid happenings in your life, no judgements."

Pag karinig ko non ay bigla ko na namang naalala ang lahat.
Napatingala ako at pilit na pinigilang tumulo ang mga luha ko. Huminga ako ng malalim at umastang pinapay payan ang sarili gamit ang mga kamay ko, shiiit no! Ayoko nang umiyak.

Hinintay kong tuluyang kumalma ang emosyon ko tsaka muling humarap sa kanya.

"Promise kuya? No judgements?"

Nangingilid na ang mga luhang saad ko pa

"Yes! Promise"

Nakangiting pahayag nya habang nakataas pa ang isang kamay.

Huminga ako ng malalim, ngumiti ako sa kanya bago nag salita.

"Hindi talaga ako ganto, I-I'm not a bar girl, actually, I'm an angel type of girl na sinasabi nila, ni hindi ko pa nga alam kung anong lasa ng alak tss, pero, look at me, gusto kong baguhin yung sarili ko, gusto kong maging matapang, para next time na iiwan ako, di na ako masyadong masasaktan, aba men! Ultimo sarili kong ama, hindi nag stay sakin haha"

I shook my head and bit my lower lip to stop myself to cry. Uminom ako sa hawak kong tequila at tinitigan ko lang 'yon. Ang pait! 

"Okay continue."

Narinig kong sabi nya, sabay abot ng isang baso ng alak, it's just a beer, inilayo sa kamay ko ang hard drinks na kaninang ininom ko.

Napatawa ako. At tumingin sa kanya.

"Tss. So anong plano mo? Lasingin ako? Tapos ano? Tsk tsk mga lalaki nga naman."

Nakita kong umiling sya at nakangising tumingin sakin.

"Alam mo miss? Hindi lahat ng lalaki katulad ng iniisip mo. Look, this is just a beer, mas nakakalasing pa nga yung tequila na iniinom mo kanina. Relax!wala akong masamang balak sayo, at first time ko lang din dito, obviously, hindi ako bar guy okay? mag tatanong lang sana ako sayo, but since bigla kang nag salita ng kung ano ano, okie go! Willing to listen na, isang baso lang din naman yan, para mailabas mo lahat ng dinadala mo. sige na! Go! Drink it! Tsaka mo ituloy sinasabi mo."

Ramdam kong uminit ang pisngi ko sa sobrang kahihiyan. Agad kong iniangat ang baso tsaka ito ininom ng deretsoooo.

Napapikit ako sa sobrang pait. Shettt! Maru ano ba kaseng pumasok jan sa utak mo?

Better Left Unsaid (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon