Hmm. Ano kaya pwedeng ibigay kay Margaux? Nagbigay na ako ng roses. Ng paborito niyang pagkain. Ano pa ba?
AHA!
Alam ko na ibigay ko kaya sa kanya lahat ng litrato niya na kuha ko? Sounds creepy? Yeah pero yun na lang!
Oy, nandyan ka pala! Ay hindi wala hahaha. Sino ba ako? O bakit ko tinanong sarili ko? HAHAHAHA. Ako nga pala si Francis Alexander Lim, tawag sa akin ng mga tropa ko ay Xander, pwede niyo rin tawagin yun sa akin. HAHAHAHA. 17 and a half yrs old. Kaklase ko si Margaux. Pero parang di niya ako kilala, lungkot noh? Pero okay lang may ibang time pa naman para makilala niya ako. May gusto ako kay Margaux DATI, kasi ngayon parang MAHAL ko na siya. At gusto ko na mapasaya siya simpleng mga bagay lang di yung katulad ng mga binibigay ng mga ex niya sa kanya.
Sabi nila mahirap daw magmahal kasi di mo alam kung sasaktan ka niya or what, para sa akin TRUST lang naman yung kailangan eh. Hugot pa Xander!
Anw, start ko na yung paggawa ng bibigay ko kay Margaux.
Nasaan na yung laptop ko? Putek naman
"Ma! Nasaan yung laptop ko?"
"Nasa kwarto ng kapatid mo"
Dali dali akong pumunta sa kwarto ni Miguel, grabe ang kalat.
"Ah!" Ano ba yan, sa sobrang kalat nasaktan tuloy ako.
"Ang kalat kalat mo talaga Miguel!"
"Di naman kuya eh, Nagmamadali ka lang kaya ka nasaktan"
"Hay nako, nasaan na ba yung laptop ko?"
"Ayun sa may, kama"
Parang may naalala ako sa sinabi ni Miguel.
Parang love, kapag nagmamadali ka, nasasaktan ka. Pero nung nakilala ko si Margaux, parang wala lang sa kanya kahit masaktan siya. Ang tapang niya. Kaya ako, kinalimutan ko na yun. Kasi sinabi yun ni Mama nung unang break ko sa girlfriend ko. Ayun nasaktan nga ako kasi nagmamadali ako masyado.
Hay drama XD. HAHAHA Matapos na nga 'to.
After 2 hourss tapos na din!
"Ma! Punta lang ako kila Margaux!"
"Sige nak! Ingat ka!"
Lakad. Lakad. Lakad. Lakad. Lakad. Lakad.
Ito naa.
*knock knock*
"Sana magustohan mo 'to!"
Xander! 1... 2... 3... Takbooooo!
Sana Magustohan ni Margaux.
Gabi na. May iniwan kaya si Margaux sa Doorstep nila? Sana meron. Macheck nga
Uy! Meron!
Ano kaya 'to?
--------
Hi X! HAHAHA
Kung sino ka man, I appreciate everything, kahit ilang araw ka pa lang na kumakatok sa pintuan namin at nagiiwan ng kung ano ano sa doorstep. Yung bigay mong shoebox, astig. HAHAHA. Kahit medyo creepy, astig. Yung mga kuha mo, W O W, just wow. Wala akong masabi. HAHAHAHA. Thank you sa effort :))
Just wondering, wanna meet somewhere? Free ako hanggang sa friday. Ikaw na magset kung saan, and kailan basta from Wednesday to Friday lang ah? Okay ba yun? HAHAHA. xx
-Margaux :3
----------
Tama ba yung nabasa ko? Gusto niya makipag kita? Pre! Ang saya nun!
Dali dali akong umuwi, baka marinig pa ako ni Margaux.
Party na 'to! hahahahaha Joke!
Ito na 'to mga 'tol!
Kakalimutan ko na, na torpe ako. Ito na yung moment eh. Di ko na sasayangin.
.
.
.
.
.
.
.
.
End of Chapter 7
Grabe pala maging masaya si X este si Xander.
O ayan! Kilala na natin si X! Magustohan kaya siya ni Margaux?
Vote and comment kayo ah? HAHAHA. Love you guys xx
BINABASA MO ANG
Smart, Short and Sophisticated
Teen FictionLove is not something you look for... Love is something you become!