Chapter 4: Moving On

40 2 0
                                    

Margaux's POV

"Magandang Umaga Margaux!" yan ang unang una kong narinig pag-gising ko. Mukha ni ate ang unang unang bumungad sa akin, paano ba naman nakapatong siya sa akin tapos yung mukha niya sobrang lapit sa mukha ko kulang na lang halikan niya ako, parang ang saya saya niya, ano kaya meron?

"Ano naman maganda sa umaga?" Nakasimangot na sabi ko.

"Ay oo nga pala, yung kahapon. Ang kapal naman ng mukha ng Marcus na yun, porket alam niyang wala ka, ipagpapalit ka na niya" Hala? Paano nalaman ni ate yung tungkol dun?

"Paano mo nalaman ate? Sino nagsabi sa'yo?" nagtatakang sabi ko

"Nagpunta siya dito, di ko na pinakausap sa'yo kasi alam ko naman na ayaw mo na siya makita, kasi masaya na siya, at ayaw mo siyang makitang malungkot" Kilalang kilala talaga ako ni ate

"Oh eh bakit parang ang saya saya mo?" 

"Kasi naman, kanina, pagkatapos ko kausapin si Marcus, may nakita ako sa baba ng pinto natin, may Mcdo, tapos may pangalan mo, tapos may letter, syempre di ko na binasa yung letter kasi para sa'yo yun, masaya ako kasi di na ako magluluto ng almusal mo! Kumain na kasi ako." Ha?!?!?!?! May mcdo? Sino naman kaya yung naglagay nun dun? Baka bumili lang si ate? 
O kaya dala ni Marcus? Pero baka yung nagbibigay sa akin ng rose? yung X?

Dali dali akong bumaba, tinignan ko agad sa lamesa, hinanap ko yung letter, ayun!

---------

Margaux! :)

Good Morning! Sana magustohan mo yung almusal mo! :) -x

---------

Hala! Siya nanaman? Sino kaya 'tong 'X' na 'to? Creepy ah?

May stalker ako grabee.

Pagbukas ko ng plastic, uy favorite ko, Pancaaakkesss :3 tapos ang daming butter pati syrup. Paano niya kaya nalaman na yun yung gusto ko? Sino kaya siya?

Hmmm, paano ko siya makikilala? Hindi ko naman siya masesearch sa facebook, kasi 'X' lang nilalagay niya sa mga letter niya. 

Mag-iwan kaya ako ng note sa doorstep namin? Oo! Tama! Yun na lang gagawin ko para malaman ko kung sino siya :D

*Kring* *kring*

Anak ng tipaklong, ano ba yan? Umagang umaga eh.

*Kring* *kring

Sino ba 'tong tumatawag? 

*tiningnan ang phone* 

Ay si Kate lang pala

Sasagutin ko ba? 

Sagutin ko na nga

"Hello?" Medyo galit na sabi ko

"Margaauuux! Totoo ba?" Ang sakit sa tenga ah?

"Totoo ang alin?" Kunyari di ko alam hahaha

"Yung may ibang girlalu si Marcus?" 

"Ah oo, alam mo na pala." 

"Sayang naman kayo, ang perfect perfect niyo, bes, akala ko siya na para sa'yo, yun pala katulad lang siya ng ibang mga lalake dyan sa tabi tabi" Malungkot na sabi ni Kate

"Akala ko din bes" bigla akong nalungkot

Naalala ko nung unang mga araw namin na magkasama, yung unang mga linggo, unang mga buwan na naging kami. Iba yung saya na naramdaman ko. Lagi siyang pumupunta sa bahay, lagi niya kaming tinutulungan ni ate. Lagi siyang nandyan, kapag may sakit ako, kapag may mga thesis ako tinutulungan niya ako, sa mga assignments, kapag naglalaro ako ng volleyball, basta sa lahat ng ginagawa ko, sinusoportahan niya ko, kaya minahal ko siya ng todo, kaso sinayang niya lang yung pagmamahal ko sa walang kwentang babaeng yun, kahit di ko kilala yung babae, alam kong di niya mamahalin si Marcus gaya ng pagmamahal ko. Ayoko ng alamin kung bakit niya nagawa yun sa akin. Ayokong malaman kasi masasaktan lang ako

"Bes?"

"Uy bes? Nandyan ka pa ba?" 

Tumutulo na pala yung luha ko, pati yung sipon ko. Kadiirrs. 

"Bakit bes? Nandito pa ako" Sabay punas ng luha at sipon

"Kilala mo yung girl?" 

"Di eh. Ayoko ng kilalanin. Ayaw kong mang gulo sa relasyon nila. Ayaw kong maramdaman ng babaeng yun yung nararamdaman ko ngayon. Gusto ko lang na mahalin niya si Marcus. Yun lang ang gusto kong gawin niya, ayaw kong saktan niya si Marcus. Yun lang bes, yun lang ang gusto kong mangyari. Okay lang, kahit ako yung masaktan, wag lang si Marcus"  Habang sinasabi ko yun tumutulo pa rin yung luha ko, di siya tumitigil. 

"Bes, pupunta ako dyan, now na!" 

"Sige, salamat bes" Napangiti ako sa sinabi ni Kate. Pero di pa rin matanggal sa isipan ko  yung nakita ko kahapon pati na rin yung mga masasayang alaala namin ni Marcus.

Akala ko kaya kong maging matapang, akala ko kaya kong kalimutan si Marcus ng ganun ganun lang, akala ko kapag natulog ako, makakalimutan ko na siya, hindi pala ganun kadali yun, mahirap din pala. 

Akala ko siya na yung makakasama ko habang buhay, di pa pala.

Di pa pala siya yung tinakda ni God para sa akin

Di pala siya. 

Mali pala ako.

Maling-mali pala ako.

Nagpakatanga lang ako sa kanya. 

Grabe pala noh? Ganun ganun na lang iniiwan yung mga babae ngayon

Sinira niya yung tiwala ko para sa kanya

Sinira niya yung relasyon namin

Sinira niya yung pagkatao ko

Sinira niya AKO. 

Grabe siya. 

MANLOLOKO siya.

May nagbukas ng pinto, tapos niyakap ako, alam kong si bes 'to. 

"Bes, bakit ganun? Napaka unfair, binigay ko naman lahat ah? Tapos ang tagal na namin, di naman kami nagaaway. Bakit niya nagawa yun bes?" Di ko mapigilang umiyak

"Bes, ang sakit! Akala ko di niya kayang wala ako, di niya kayang mawala ako, akala ko di niya ako iiwan, akala ko di niya ako lolokohin,  nagpromise siya eh, kaso bakit niya ginawa yun? Paano niya nagawa yun?" Cinomfort lang ako ni Kate.

"Bes, di ko kaya yung sakit" 

"Ang hirap eh" 

"Bes, makinig ka sa akin, gaya nga ng sinasabi mo sa akin, dapat kang maging STRONG! Kahit anong mangyari! Marami pang bibang lalake ang magpapatibok sa puso mo! Marami pang magpapasaya sa'yo! Di lang si Marcus, maraming iba dyan. Tanggapin mo na lang na hindi talaga si Marcus ang para sa'yo at hindi ikaw ang para sa kanya. May iba pang plano si God para sa inyong dalawa, kaya wag ka na malungkot dyan, maging malakas ka bes. Kalimutan mo na siya. Alam kong kaya mo yun, ikaw pa! Bestfriend ata kita!" May naaalala pala si Kate sa mga sinasabi ko hahaha. Napangiti ako sa sinabi niya, medyo gumaan yung pakiramdam ko. 

Niyakap ko si Kate at nagpasalamat. Di ko alam gagawin ko kapag nawala 'tong babaeng 'to sa buhay ko.

Tama si Kate kaya kong kalimutan si Marcus. Tiwala lang :D. 

.

.

.

.

.

.

.

.

End of chapter 4

Nakakainis naman kasi si Marcus eh. HAHAHAHA. Sinaktan mo si Margaux!

HAHAHA. Ano masasabi niyo? Okay ba? So far so good?

Sana nagugustuhan niyo :D. HAHA. 

Wag niyo kalimutan magvote :))). Love you guys! xx

Ingat kayo palagi :))

Smart, Short and SophisticatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon