Margaux's POV
Hahayaan ko munang bumawi sa akin si Marcus. Mahal ko naman talaga siya eh. Mahal na mahal na mahal. Kaso ayaw ko ng masaktan pa. Ayaw kong magpakatanga habang nagpapakasaya siya sa iba. Kaya nagawa kong makipagbreak at ganunin na lang siya.
Pero kinakabahan ako. Di ko alam kung bakit. Siguro dahil di ko pa alam yung sasabihin ni Marcus. Di ko pa alam kung gaano kaimportante yun at kailang niya pang makipag meet.
"Ah Margaux"
Eto na ata yun sasabihin niya na. Sinara ko yung kamao ko na parang manunutok.
"Handa na akong sabihin sa'yo, so tara na?"
"Ah. Oh.. Okay. Sige"
Hinayaan ko na lang siya na mahatak ako.
Di ko alam nangyayari ngayon. Di ko alam gagawin ko kapag nalaman ko. Kinakabahan ako
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ngayon ko lang naramdaman ko.
Sinundan ko na lang si Marcus hanggang sa makarating kami sa tambayan namin.
Walang pinagbago. Ganun pa rin mula nung huli namin punta dito. Nandito pa rin yung mga larawan namin. Nakapaskil pa rin yung mga notes na iniiwan namin bawat punta namin dun. Ganung ganun pa rin wala talagang pinagbago. Bumalik yung dating pakiramdam kapag nagpupunta kami dito.
"Ah Margaux. Tara upo tayo!"
Umupo ako sa tabi niya at tinanong
"So, ano yung sasabihin mo?"
Kinakabahan pa rin ako
"Margaux, I'm sorry sa nakita mo, di ko yun sinasadya, di ko yun ginusto. Nagulat din ako, nun ko lang nalaman...."
Noon niya nalaman na?
"Nalaman na?"
"Nalaman ko na, may plano na pala yung parents ko sa future ko. Sinabi nila sa mismong kaarawan ko na may mapapangasawa na ako. Pinaglaban ko yung relasyon natin nung sinabi nila yun sa akin kaso di nila ako pinakinggan pinilit pa rin nila yung gusto nila, nanlambot ako nung sinabi nila yun. Di ko alam gagawin ko. Mahal kita Margaux pero di ko nagawa yung best ko para ipaglaban ka, I'm sorry Margaux, will you forgive me?"
Habang sinasabi niya yun tumutulo yung luha ko.
Nagsisi ako sa ginawa ko
Ewan. Mas lalong naguluhan yung isip ko.
Pinunasan ni Marcus yung luha sa pisngi ko gamit yung panyo niya sabay sa akin.
Di na siya nagsalita pagkatapos nun. Niyakap lang niya ako hanggang sa tumahan ako.
"Okay lang yun. Ganun naman talaga eh. Kailangan natin tanggapin ang katotohanan. Mukha namang di na nati yun mababago diba? Okay lang yun Marcus! Kailangan mo sundin yung mga magulang mo. Wag ka na magsorry ha? Okaaayy? Wag mo na ako alalahanin. Magiging okay din ako!"
Ngumiti na lang ako.
"Pero promise mo sa akin na maguusap pa rin tayo ha?"
"Sige!"
"Gusto ko may communication pa rin!"
"And promise mo na hindi mo ako babalewalain. Pansinin mo naman ako kapag magtetext ako. Okay lang ba?" Dagdag niya
Tumango lang ako
"Ang promise ko naman sa'yo, walang magbabago sa pagmamahal ko sa'yo! Ikaw lang yung nandito" sabay turo sa puso niya
"Pero kailangan mo akong alisin dyan, may mapapangasawa ka na eh. Kailangan siya lang"
"Ano naman kung mapapangasawa ko siya? Di ko naman talaga siya mahal. Ano yun, ipipilit ko yung ayaw ko? Di naman talaga siya yung nandito eh, ikaw lang dapat!"
"Sige na, di na ako makikipagtalo sa'yo."
"So, kailan mo ako ipapakila sa wife-to-be mo?" Biro ko"Kailan mo ba gusto?"
"Ikaw bahala! Baka naman busy yon! O kaya naman gerahin ako nun?"
"Di no! Wala siya karapatan para saktan yung mahal ko!"
"Ay nga pala, gusto ko ito pa rin yung tambayan natin ah? Sa ating dalawa lang 'to ah? Wag na wag mong hahayaan na makapasok yung wife-to-be mo dito! Baka kung anong mangyai sa tambayan natin. Makakaasa ba ako dun?"
"Oo naman! Di ko yun hahayaang makapasok dito!"
"Nice! O siya tara na?"
END OF CHAPTER 12
------------------------------
after a long long timeee nakapagupdate na din hahahaha.
So yeahhh, sorryy hahaha. Pero sana magustohan niyo yung chapter ngayon :D
Comment your suggestions or what so everr chuvarlu
Tas vote din salamaaatt :))
Stay Amazing :D
I love you guyss xx
BINABASA MO ANG
Smart, Short and Sophisticated
Teen FictionLove is not something you look for... Love is something you become!