EMMAN
"Bilisan mo! Bilisan mo!" Sigaw ni jacob sakin habang nagmamadaling pumunta sa covered court pano ba namang di babagal eh saktong break time kami pumunta dun at siksikan mga estudyante. Pinapatawag kasi kami ng mahal ko este crush ko si Jaycee para sa mga nakapasa sa audition sa GASH isa na dun sila Jacob at Mickey syempre dahil din naman sakin kung bat sila sumali kung ano trip ko sa buhay ay trip din nila. What are friends for? Actually lahat naman kami magaling sumayaw sadyang tamad lang kami ilabas talento namin pero ang rason kung bakit ako sumali sa GASH ay para mapalapit at makasama ko lagi si crush syempre huling taon na to gagraduate na kami sa senior high at may mission ako sa sarili ko na bago matapos ang taon na to masabi ko ang nararamdaman sa kanya sheeet!
Iniimagine ko palang na aamin ako sa kanya para akong pinapatay ng isang milyong tao pero handa ko naman gawin yun but this is not the right time to tell him what i feel for him. Pero sapat na hanggang tingin na lamang muna ako sa kanya sa ngayon tuwing nakikita ko kasi sya sumisigla ang natutulog kong kaluluwa nabubuhayan ang katawang lupa ko at sya ang bumubuo ng araw ko.
Nakarating din kami sa court kahit papano hiningal din ako ang layo kasi pag kalawak lawak ba naman din ng school na to. Pagpasok namin ay agad bumungad ang taong bumubuo ng puso ko. Joke! Oh jaycee why so hot?! Naka black sando sya at black pants na mas lalong lumabas ang pagkagwapo nya. Nagsimula na syang magsalita. "Okay guys! Thank you for coming. Antayin nalang natin yung iba nyo pang makakasama bago ko iannounce yung mga task na gagawin natin this month. Umupo muna kami nila mickey at jacob sa gilid habang inaantay ang iba pa. Masaya lang ako nakatitig kay jaycee habang pinaparactice yung step na sasayawin ata namin. Bawat galaw nya tinitignan ko na halos makabisado ko na nga yung step eh haha. "Uyyyy! Baka matunaw si jaycee ah! Sambit ni jacob. Agad ko syang hinampas at baka marinig pa ito kahit na malayo kami medyo malakas din yun, panira moment din kasi. "Tara bumili muna tayo ng makakain sa canteen medyo nagugutom na ako eh" saktong sakto di pa rin ako nagbbfasy nakalimutan ko na kasi kumain kanina sa bahay dahil ang aga aga akong sinundo ng dalawang to para isabay papunta school. "magpaalam ka muna sa cruuuuus....." hindi naman natuloy ni jacob ang nais nya sabihin dahil tinakpan ko agad ang bibig nya naku talaga makakatikim na to sakin namumuro na. Kung di ko lang to kaibigan eh.
Lumapit ako kay jaycee para magpaalam. Habang papalapit ako ng papalapit sa kanya sinasampal ako ng hiya. "ahmmm... jay... jay... jaycee! Ahm magpapaalam sana muna kami para lumabas saglit bibili kami makakain eh" shit di ako makatingin sa kanya ng direkta para akong matutunaw. "Oh sure no problem, wala pa naman yung iba. Ah sya nga pala baka pwede na rin sumabay lumabas saglit para bumili na rin makakain nakalimutan ko kasi magdala ng baon." Putekkk! Totoo ba to? Si jaycee sasabay samin? Makakasama ko? Pakisampal nga ko mamamatay na ko sa kilig baka panaginip lang to. Natatameme ako. "Ahhh si... sigurado ka ba? Ahm wala naman problema. Tara!.
Habang naglalakad kitang kita ko sa mukha ng dalawa ang palihim na pang aasar sakin buti nalang di napapansin ni jaycee tahimik lang ako at di makapagsalita. Hanggang sa makarating kami sa canteen saktong di na gaano marami ang estudyante. tapos na kasi ang break time. Samantala kami excempted naman kami ngayon sa klase dahil enexcuse na kami bilang myembro ng GASH malaking tulong rin pala sakin to haha. Habang nakapila nasa unahan yung dalawa nauna na silang umorder ng makakain. Pinauna ko naman si jaycee at tinignan ko kung ano oorderin nya. Burger and fries with matching ice cream. Nang ako na yung mag oorder napansin kong di pa naalis si jaycee sa tabi ko. "Oh bat di ka pa naupo dun para makakain na?" Tinanong ko sya. "Aantayin na kita para sabay na tayo wala rin ako kasabay kumain eh nauna na yung dalawa mong kasama" oo nga pala ang tatakaw nung dalawa di manlang kami inintay pero shett! Yung pamumula ko sa kilig di ko na maitago isang jaycee ang matagal ko ng crush makakasabay kong kumain. Agad akong nag order ginaya ko narin order nya dahil wala na ko maisip na oorderin. Umupo na kami sa dalawang kumag kong bespren at kumain nang tahimik. Matapos kumain agad kaming bumalik sa court at saktong sakto andun na ang lahat ng member ng GASH.
"Hello good morning everyone! Welcome to the GASH DANCE GROUP and congratulations guys at isa kayo sa mga nakapasok sa grupo. Malaking tulong ang ang GASH sa school at lalong lalo na sa inyo. Para mailabas ang mga talento nyo sa pagsasayaw kung saan pwede kayong sumikat at magamit yun in the future."
Tinignan ko isa isa kung sino ang makakasama namin sa sayaw at mga nakapasa sa audition. Isa rin pala sa mga nakapasok sina Raphael at Chan Chan classmate namin nila Jacob at Mickey bale lima kami sa section namin ang nakapasa. Nice one. Hindi maipagkakaila na karamihan sa mga nakapasok ay Bisexual. Yeah nakalimutan ko sabihin Bisexual kaming lahat even my crush Jaycee. At alam naman namin yun sa isat isa. Welcome na welcome ang mga tulad naming ganito sa school kung saan di kami nabubully, iniinsulto, kinukutya o ano pa man panu ba naman kasi itsura palang walang wala na mga straight samin. Haha. "Okay guys ang importante kong anunsyong ibibigay ay ang magiging unang project natin as a GASH dancers kung saan maghahanda tayo sa nalalapit na Acquaintance Party magkakaron tayo ng ibat ibang dance number kaya we need to do our best na maging succesful ang event." Bigla akong na excite kasi sa wakas makakasama ko na araw araw crush ko haha. "Meron pa tayong one week preparation at kayang kaya natin yun dahil alam ko namang mga fast learner kayo at hindi ako magsisising pinasa ko kayo sa audition. Tomorrow magsstart na agad tayo nang practice 3:00pm until 8:00pm kaya mag dala nalang kayo ng kanya kanyang baon maliwanag ba?"
Mukang aabutin kami ng gabi at first time ko syang makakasama nang gabi. Pwede bang hanggang madaling araw. Joke. Haha. "Another especial announcement. Bukas hindi muna ako ang magtuturo sa inyo sumayaw. Meron akong assist. Leader para mag guide sa inyo at magturo ng mga step. Andyan na pala sya. Meet Lian Vasquez!" shocks! Hutaena! Anong ginagawa ng kumag na yan dito. Tama ba narinig ko? Sya magtuturo ng sayaw samin paktay na! Naalala ko yung ginawa ko sa kanya hindi pa pala nya ko nagagantihan. Habang palapit ng palapit sya bigla sya napatingin sakin na parang pangbabanta na tingin na may halong ngiting pangmamayabang. Lagot na! Yumuko nalang ako na parang walang alam sa nangyare.
"Ayun lamang guys pwede na kayo umuwi at ituturo ko pa kay Lian ang mga ituturo nya sa inyo bukas. See you tomorrow." Dali dali kong hinatak sina jacob at mickey madali naman sila mahatak panu ba naman kasi maliliit na parang mga bata. "Panu ba yan si lian magtuturo satin bukas handa ka na ba?" Tanong sakin ni Mickey. "Wala naman siguro sya gagawin sakin masama isa pa para sa school to at baka nakalimutan na nya ginawa ko sa kanya." Ayun nalang ang nasa isip ko di naman nya ko ginalaw kani so baka nakalimutan na nga nya yun. Pauwi na kami at hinatid ako nung dalawa sa bahay. Pag uwi ko agad agad akong umakyat sa kwarto para magbihis pag baba ko ng bahay saktong pagkagulat ko ng may nakaupo sa sala namin isang batang lalaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/184752179-288-k78339.jpg)