AUTHORS NOTE ito na nga! ang taong crush na crush ni emman na halos na sya ring nagpaiyak sa puso nyang kay lambot.
Ang SSG PRESIDENT AT LEADER NG GASH.
JAYCEE ONG
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
-------
JACOB'S POINT OF VIEW
Napakaboringgg na weekend Walang gala walang invite nakakainis naman. Hindi ko maaya si mickey kasi busy kay jaycee, Hindi ko rin maaya si emman kasi inlababo rin ata yung taong yun at mas lalong hindi ko maaya si mike kasi daig pa nun Maria Clara dahil di pala labas ng bahay. Ano ba yan? Iniwan na nila ako. San ako pupunta? Nakahiga lang ako sa kama habang nakaharap sa kisame konti nalang mababaliw na ako sa boring kulang nalang magbilang ako nang langgam, makipag titigan sa isda, tumalon una ulo. Taenang yan. ano ba tong naiisip ko at laman ng utak ko puro nonsense.
Mabuti pa makapag lakad lakad na nga lang pero san ako pupunta? Nakakatamad din magdrive tas walang destinasyon parang buhay ko ganun na nga haha. Alam ko na? Punta kaya ako sa may tabing dagat? Ay wag na lang mainit at baka mangitim. Sa mall kaya? Ay wag nalang din boring ng walang kasama. Sa bar kaya? Tama sa bar nalang hindi naman sa problemado ako pero nakakamiss palang magwalwal. Kunwari problemado kasi busy nga mga tropa ko ganun na lang haha.
After 30 mins tapos na ko mag ayos at dumiretso na ko sa isang malaking bar saktong 7pm na kaya masaya to party party! . Pagpasok ko sa bar wala ako kilala kahit isa haha at ang daming tao. Kayang kaya ko naman uminom mag isa sanay na ko. Nag order ako ng beer at dun ako umupo sa sulok para di masyadong exposed. Nagstart na ko uminom, shiiit ! ang sarap at nakakauhaw yung beer para sakin manamis namis. Woooh!!!
Habang umiinom masaya kong pinapanood yung mga nag sasayawan sa gitna at mga taong nagkakantahan sa gilid. Ang sarap ng ganitong feelings puro tugtugin at hiyawan lang ng tao maririnig ko nakakawala ng pagkaboring at stress sa kung ano ano hahaha. Nang marami rami na kong nainom medyo kumakapal na yung mukha ko kaya pumunta na rin ako sa gitna para maisayaw.
"Wooooh! Party! Party!" Sigaw ko ng malakas habang sumasayaw at tumatalon talon kasabay ng mga taong ganun din ang ginagawa. Maraming nakikisayaw sa akin at kung sino sino na lang kahit di ko kilala. After ko makisayaw napagod ako at nilaklak yung natirang beer and then nagbayad narin ako, napagdesisyonan ko nang umuwi. Hindi naman ako lasing masyado! ako pa ba hindi naman sa pagmamayabang pero malakas sa inuman to saming magtotropa ako pinakamalakas at matagal malasing eh haha.
10:00pm Habang nagdadrive napahinto ako ng makita ko yung taong parang familiar yung muka sakin hindi ko masyado makita yung muka pero alam kong kilalang kilala ko sya. Nilapit ko konti yung kotse para makita ko sya. Si jaycee? Nakaupo sa tabi at may kasama nakatalikod yun kasama nya baka sa mickey pero hindi ehhh. Bago lang yung muka medyo matangkad konti to kay mickey. Hahayaan ko nalang sana at aalis ng bigla syang hinalikan ng kasama nya. Shocks! My virgin eyes.... joke. Pero mali to kelangan makita ni mickey ito kinuha ko yung phone ko para picturan ang mga kababalaghang nangyayare pero bigla itong nag off taenang phone to walang kwenta napaka wrong timing kung kelan kailangan ehhhh. Mas nag init yung paningin ko ng bigla rin lumaban ng halik si jaycee. Ang gagong to napakalandi at sa dami dami ng pwedeng lokohin kaibigan ko pa.