EMMAN
Nakaready na lahat ng gamit ko sa school nakabihis na rin ako. Its already 7:00 am at akoy papasok na wala pa naman kaming exact sched kaya okay lang kung malate haha. malapit lang din yung bahay ko sa school kaya walking distance lang ako. habang naglalakad isang malakas ng busina ng sasakyan ang bumusina sa likod ko sabay bukas ng bintana at sa boses palang ay alam na alam ko na kung sino.
"Emman! Emman! Tara sakay sumabay kna samin!"
At tama nga ako sila nga. Ang mga bestfriend ko sa school since grade 10 until now na sina Mickey Mikaelson at Jacob Perez. Actually kaming tatlo ang magbebestfriend at lagi magkakasama na para ng magkakapatid ang turingan at isa pa classmate ko rin sila. Sumakay na ko sa kotse choosy pa ba ako ayoko maarawan haha.
"Tara coffee muna tayo tutal first day naman ngayon ayos lang malate kahit 30 mins." Pag aaya ni jacob
Kahit kelan talaga tong dalawang to binabad influence ako first day na first day eh pero wala na ko magagawa kundi sumama hirap tanggihan tong mga to. "Oh sige basta 30mins lng tayo ha!"
Agad kami nagtungo sa coffee shop na malapit sa school at agad namang umorder yung dalawa syempre libre nila ako haha. After 3 mins dumating yung dalawa at inalapag sa table yung tatlong coffee.
"Oh kamusta bakasyon mo emman?" Tanong sakin ni mickey habang humihigop ng kape.
"Ayun! Bahay, work, bahay, work. Kelangan mag ipon eh lalo nat graduating tayo eh kayong dalawa di nyo kelangan yun mayayaman naman kayo eh. "
"Mayaman sa kapogian." Pagbibiro ni jacob sabay tawa yung dalawa. Pero oo maitsura rin tong dalawa kong bestfriend habulin din sa campus mapababae o anupaman syempre walang panget sa magbebestfriend.
"Oh sya pumasok na tayo may 5 mins pa bago mag 30mins pero okay na yun. Tara na tara na." Pag aaya ko at hinila ko yung dalawa. Pag baba namin sa school saktong pag pasok ang daming estudyante habang naglalakad kaming tatlo ang daming nakatingin samin ito namang dalawa tuwang tuwa at kaway ng kaway na akala mo may kanya kanyang fans club. Agad kong hinanap yung magigin room namin at mabilis ko naman ito nahanap at pumasok agad kami dun dahil di ko na kakayanin yung dami ng estudyante sa labas. Saktong pagpasok namin andun na adviser namin at gaya nga ng ginagawa sa 1st day of school. Magpapakilala isa isa kahit yung iba dito classmate ko rin last year.
AFTER 30 MINS.
BREAKTIMEdali dali kaming pumunta canteen para bumili ng makakain pero biglang nag slow motion yung buong paligid ko nung makakasalubong namin ang crush na crush kong si Jaycee Ong. Shit! Walang kupas mas lalo syang gumwapo bumilis ang tibok ng dibdib ko habang papalapit sya bigla nya ko binati. "Oi Emman Good Morning!" Oh my god ayoko na kumain haha. Oo kilala nya pala ako kasi nung ng audition ako sa GASH pero di kami gaanong close pero nung binati nya ako parang feeling ko asawa na kami.
Nawala ang slow motion sa paligid ko ng may biglang may bumatok sa ulo ko. "ARAAAAAAAY ko naman!" Hayuf to so mickey panira ng moment ehhh. "Kilig na kilig ka naman sa cruus..." hindi na natuloy ni jacob ang sasabihin nya ng bigla ko takpan ang bibig nya. Oo nga pala silang dalawa lang may alam na crush ko si Jaycee kung gaano ako kabaliw sa kanya ugh. Kumpleto na araw ko.
Dumiretso kami ng canteen ng may humampas sa pwet ko ng napakalakas dahilan ng pagsigaw ko ng malakas.
"Araaaay! Putaaaang inaaaaa!" Paglingon ko ang walang hiya. Ang bumubuwisit lagi sa araw ko ang walang hiyang Lian Vasquez. Sa sobrang inis ko kumuha ako ng basong may tubig at agad na binuhos sa kanya. Laking gulat ng mga estudyante at lahat ay nakatingin samin. Kitang kita ko sa mukha ni lian yung hiya at inis namumula sya. Kaya agad agad akong tumakbo ng tumakbo at hinabol nya ko. Pero sorry sya runner ata to kaya mabilis ako nakapagtago at di na nya ako naabutan. Hingal na hingal akong nagtago sa likod ng puno. Paktay na! Sigurado akong gagantihan ako nun ng malala. May pagka sira ulo pa naman yun at hinding hindi magpapatalo hanggat di nakakaganti. Pero tama lang ginawa ko nuh ang sakit kaya ng pwet ko sa paghampas nya akala nya ha.After 10 mins lumabas na ko sa kinatataguan ko tumingin sa kanan at kaliwa baka andun si lian at wala naman sya kaya dali dali akong bumalik sa classroom at nakita ko yung dalawa at kitang kita sa muka nila ang pag aalala.
"Oh ano kamusta naabutan ka ba ni lian?" Pag aalalang tanong ni mickey na kita sa muka nya. "Hindi nuh ako pa ba mabilis sa takbuhan ata to" pagmamayabang kong sagot haha.
Class Dismissed!
Sa wakas uwian na din sinabay na ako nila jacob at mickey pauwi para ihatid nagmakaawa akong ihatid nila eh haha baka mamaya inaabangan na ko ng lian na yun masira pa muka kong cute.
Pagkauwi ko sa bahay dali dali akong humiga sa higaan ko hays sobrang nakakapagod na araw masaya at buwisit na araw. Masaya dahil nakita ko ang crush na crush ko at buwisit dahil sa hayuf na lian na yun haha. Kung gagantihan man nya ako maghahanda na ako haha. dahil walang magawa nag online muna ako sa facebook para istalk ang nag iisa kong crush. Oh my G why so hot Jaycee Ong. Mukang ramdam na ramdam ko pa ang summmer sa sobrang hot mo haha. Isave ko nga mga pic nya mula nagig crush ko sya halos mapuno na phone ko ng mga picture nya eh. Maya mayay dinatnan na ko ng antok.