AUTHORS NOTE Bago ko umpisahan ang episode 7. Ipapakita ko muna sa inyo ang isa sa pinaka importanteng character sa story. Ang taong bumubuwisit sa araw lagi ni emman at laging tumatawag sa kanyang PAKNER.
LIAN VASQUEZ
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
------
EMMAN'S POINT OF VIEW
Nagising ako sa sobrang lamig. Bat ganun? Wala namang aircon kwarto ko ha. Haha. Napahaba ata tulog ko at gutom na gutom ako. Teeeeeka lang! Nasan ako. Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at tinignan ang paligid. Nasa isang kwarto ako. Hindi naman kulay blue ang kulay ng kwarto ko. May malaking Tv, Malawak ang kama at napakabango pa. pero nasan ako? Kaninong bahay to? Paano ako napunta dito? Shit! Kinidnap ata ako. Ang ganda naman ng venue kung kinidnap ako haha. Nagulat ako ng may biglang pumasok sa kwarto ko bagong ligo at nakatapis ng tuwalya medyo matangkad at maputi syempre ang cute narin. Shit! My virgin eyes!. Napayuko na lang ako.
"Ohhh gising kana pala, pasensya na kung dinala kita dito nakita kasi kita sa daan lasing na lasing at napahiga ka pa doon eh saktong nagmamadali ako kaya dito na kita sa bahay agad dinala"
Sht! Bigla ko naalala oo nga pala kasama ko si lian nung nag inuman kami bigla ako lumabas ng masabi ko sa kanya ang matagal kong tinatago na gusto ko si Jaycee. Nakakahiya ! Ayoko nang malasing at napahiga pa ako sa daan, inalalayan pa ko ng ibang tao buti nalang mabait to dahil kung iba pa baka nabenta na kidney ko sa ibang bansa.
"Ahh salamat ha. Nakakahiya naman sayo di mo ko kilala pero nag abala ka pa alalayan ako. By the way im Emmanuel Crisostomo. Ikaw? Tanong ko sa kanya
"Oh its nice to meet you, My name is Michael Daylokakauwi ko lang dito sa pinas nun nung nakasalubong kita at nakatulog ka sa daan kaya nagmamadali ako umuwi nun." pagpapakilala nya sakin. Galing pala sya sa ibang bansa nakakahiya talaga sobrang laking abala ng ginawa ko sa kanya. Nagtingin tingin ako sa paligid at nakita ko yung malaking orasan. Nang bigla ko marealiza Sht! 6pm na pala, ngayong araw yung last practice namin sa sayaw. Kainis. Napasarap tulog ko. Pero gutom na gutom na ko bigla kasi sumakit tyan ko at napansin naman agad ni michael.
"Ahh mukang kelangan na natin magdinner. Ramdam ko na yung tyan mo kahit di mo sabihin." Patawa nyang sabi bigla tuloy ako nahiya pero gutom talaga ako grabi dami ko ba namang beer na nainom. Pero pano yung last practice namin di na ako nakaattend for sure hinahanap na nila ako. Hindi rin pala ako nagpaalam kina mama at bunso. Chineck ko yung phone para magpaalam kina mama kaya okay na safe na.