Chapter 2 - First Encounter?

14 0 0
                                    

Shocks. Anong ginagawa neto dito? Sinundan niya ba ko? Grabe naman hanggang dito ba naman? Walang kwenta tong paemote emote ko kung may makakakita din pala.. eh kung sapatusin ko kaya to madeds kaya?  o kahit himatayin lang pede na tas iiwan ko dito para kainin ng ibang hayop haha grabe ang morbid ko naman...

"Hoy! Anong ginagawa mo dito ha? di mo ba alam teritoryo ko to kaya naman shoo alis balik ka kung san ka man nanggaling"

Wala siyang ginawa at sa halip tiningnan niya lang ako ay mali tinitigan pala.

"Hey creep anong problema mo ha maalam ka magsalita ah bat di ka nagsasalita? Bat nakatunganga ka lang diyan?"

Wala pa rin. Ayaw niya pa din umalis o magsalita man lang. Grabe nakakapikon na ah!

"Hoy Bruno! Baka gusto mong hambalusin kita diyan sa tabi ha! naku pag di ka pa talaga nagsalita uupakan na talaga kita. Grabe tol pinagmumukha mo na kong baliw dito ha"

"Hahaha!", tawa naman ni Bruno.

"Grabe ha sige tawa pa more makikita mo ipapakain talaga kita ng buhay sa buwaya. Lam mo yun may alaga kame kaya kung gusto mo pang mabuhay sumunod ka na lang sa gusto ko."

"What was that?"

"Aba't teka nga kelan ka pa naging englishero ha sa pagkakatanda ko yung nanay-nanayan mo tagalog ang lengguwahe ah? ano nagtrip to america ang peg mo ganun?"

"Crazy lady"

"Ha! Ano yun panget? Ako baliw baka ikaw hindi ko nga alam kung baket ka nandito in the first place eh hindi ka naman belong dito. Di ka special dude kaya get lost would ya!"

"Ugly"

"Aba hoy sinong tinatawag mong panget ha! Makapagsalita to kala mo di panget ha! utot mo! paenglish english kala mo amerikano ayos lang sana kung sa kape eh kaso sayo tsk no way! At para sabihin ko sayo nagmula ako sa magandang lahi kaya naman masasabi kong maganda ako magandang maganda ako!"

"What was that?"

"Ay ayoko na ayoko na sayangin laway ko sayo baka ikamatay ko pa pagkadehydrated ko dahil sayo. Bahala ka sa buhay mo! Alis na ko! Bwiset!"

Naglalakad na ko paalis sa ex-secret hideout ko ayoko na dito polluted na.. nakalabas na ko sa hideout ng maramdaman kong may sumusunod saken.

At paniguradong kilala ko na kung sino to hay grabe ang kulit talaga nito kahit kelan. ayoko na talaga sasapatusin ko na talaga to so sorry na lang kay Mother.

Yumuko ako para hubadin ang isang sapatos ko at nang pakiramdam ko ay nasa bandang likuran ko na siya saka ako lumingon ng mabilis upang hampasin siya.

"Hiyah! Ano ka ngay----?????!!!!"

Shet. Pakshet.

"Do you mind?", he gave me an intense stare.

Dito na ata papasok ung kasabihang 'if looks could kill then I'd probably be dead' kaso masyado ata akong masama kase hanggang ngayon buhay pa rin ako.

"Bingi ka ba? Sinabe ng tanggalin mo nga to eh! Masyadong madumi ang sapatos mo para ipanghampas sa isang tao", sabi niya.

"Ay sorry ha napagkamalan lang sa totoo nga niyan hindi naman talaga para sayo ang hampas ng sapatos ko no feeling neto! Tsaka hoy walang malinis na sapatos lalo na kung tapakan lang din ang pinaguusapan no? baket nakakita ka na ba ng malinis na lupa ha kung meron sabihin mo saken at gagamitin ko tuwing magkakaharap tayo."

"You're wasting my time", he said before giving me one final look then finally left.

Grabe ha napapaenglish ako pag andyan sya ano foreigner lang ang peg! Baklang yun!

Then the prime suspect finally appears..

"What was that?"

"Ano favorite line mo na yan ha? Ano hanggang kelan mo yan gagamitin? Sa tuwing kausap mo ko ganon? Isa pa tong englishero eh hoy nasa Pilipinas tayo kaya makiangkop ka naman jusko"

"Hahaha!"

"Sige tawa tawa na lang tayo...*machoke ka sana*"

"What was that?"

"Wala sabi ko panget ka"

Matapos nun dumeretso na ko sa faculty room ng eskwelahan at hinanap si Miss El at ng makita ko siya nilapitan ko agad siya.

"Miss El?", kabado kong pagtawag.

"Ano yun?", tanong niya ng hindi lumilingon sa gawi ko hindi ko alam kung sinasadya niya o sadyang may ginagawa lang talaga siya sa laptop niya.

"Miss El, gusto ko lang pong malaman niyo na lubos po akong humihingi ng tawad sa inasal ko kanina. Sorry po talaga Miss El promise po hinding hindi na po mauulit yun. Pasensya na po talaga miss nadala lang po talaga ako ng emosyon ko. Kaya naman handa po akong tanggapin ang parusang ibibigay niyo saken mapatawad niyo lang po ako Miss El. Please po Miss El wag niyo po tong sasabihin kay mama kase po--" "Miss Panganiban"

"Yes po!"

"Gusto ko rin sanang malaman mo na maging ako rin ay nagkamali sa aking nagawa. Hindi tama na iungkat ko pa ang nakaraan para lamang pangaralan ka sa dapat mong gawin. Alam kong matalino kang bata at kung ano mang gawin mo ay nasasaiyo na iyon ang gusto ko lang namang malaman mo ay nandito ako para gabayan ka sa mga ginagawa mo kung nararapat ba o hindi at hindi ito tungkol lamang sa nangyari kanina kundi maging na rin sa nangyari nung nakaraan. Sana ay magsilbing aral sayo ang nakaraan mo at sa pagdaan ng oras mahanap at malaman mo ang nararapat mong pahalagahan."

"Sige po salamat Miss El"

Di ko alam kung baket pero parang gusto ko ng umuwi sana pala di ko na lang siya pinuntahan.

"Miss Panganiban"

"Ano po yun?"

"Tungkol to sa nabanggit mong parusang handa kang tanggapin" 

"Ho?! Meron talaga?"

"Aba'y oo tutal gusto mong palagpasin ko to at huwag ipaalam sa mama mo di ba?"

"O--opo"

"Well, there's one thing I need from you gusto ko sanang itour mo ang newbie student naten sa eskwelahan kase for sure naman na di niya pa masyadong alam ang bawat sulok ng gusaling ito lalo na't may kalakihan din ito"

"P--pero Miss El di ba trabaho yun ng isang student officer eh hindi naman ako officer ng klase eh"

"Eh pano yun ikaw ang gusto ko tsaka di ba gusto mong patawarin kita that's the easiest way o baka naman gusto mo hard way pa and sure naman akong hindi mo hihilingin pang malaman yun di ba?"

Napalunok ako sa takot at kaba.

Pakiramdam ko may back-up plan talaga siya in case na tanggihan ko yung unang offer niya. Once again, pinahamak na naman ako ng walang filter kong bunganga...

....

"Sige po ako na po bahala sa newbie student"

Hay.. pano ba yan mukhang magtatagpo na naman ata tayo ng landas. Shookt ayoko nun! Bruno! Help!



Do You Have Faith In Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon