Buong klase wala akong ginawa kundi isipin ang gagawin namin ni Newbie Boy mamayang hapon. Sa totoo lang ayoko talagang gawin to ayoko siyang makasama ni makita o maamoy ayaw ko. Si Miss El kasi eh bat ba pinagpilitan niyang ako ang magtour dun sa kulapong na yun.
Abala. Isa siyang malaking abala sa buhay ko. I couldn't wait to get rid off you! pwe english words!
"Faith!"
"Ha?"
"Kanina pa kita tinatawag di mo ko sinasagot. May problema ka ba?"
"Wala naman, Layla"
"Nga pala, narinig ko ikaw daw magtutour kay Liam sa school"
"Ayun naalala ko na may problema talaga ako"
"Ha? ano?"
"Siya"
"Siya?"
"Siya"
"Siya ang alen?"
"Siya ang problema ko"
"O ano namang masama kung itutour mo ang new student/ new classmate naten sa school?"
"Fyi Layla, di ako tourist guide para gawin to no choice lang ako"
"Ah yan ba yung parusang binigay ni Miss El matapos ang pagsagot mo sa kanya last time?"
"Yung totoo di ko na kelangan magkwento tutal alam niyo na rin namang lahat"
"Rumors fly ika nga nila"
"So does vultures...mga hayop na nagaabang ng mananamnam ng napagiwanang pagkain"
"Di mo kame masisisi Faith likas sa tao ang pagiging tsimoso at tsimosa lalo na sa mga taong walang ibang ginawa kundi pakielaman ang buhay ng may buhay kase walang nangyayaring interesante sa buhay nila"
"Ah so bored sila at dahil bored sila isisiksik nila ang sarili nila sa buhay ng iba para naman kahit papano maging interesante/hindi maging boring buhay nila ganon?"
"Mismo!"
"So kasama ka dun? so bored ka? so walang nangyayaring interesante sa buhay mo?"
"Aray friend saket ha! curious lang naman ako sa pinaguusapan nila eh tsaka it so happens na narinig ko pangalan ng kaibigan ko kaya naman you know"
"Oo na gets ko na pero hinde eh ang gusto kong malaman kung sino ang nagkalat. Imposibleng si Miss El yun di man halata kung minsan pero mabait talaga yun"
"Siguro isa sa mga teachers sa loob ng faculty room tsaka feeling ko talaga may nakarinig nun habang naguusap kayo ni Miss El"
"Nakarinig o sinadyang makinig? Hays di bale na nga lang naiistress lang ako sa kanila ng wala sa oras"
"So speaking of Liam"
"Sino?"
"Liam"
"Liam who?"
"Liam Otniel Von Ensley Santiago"
"Kanosebleed naman"
"Oo nga eh haha o well sosyalin newbie classmate naten eh"
"Yun pangalan niya? ni Newbie Boy?"
"Yup, and balita ko mula siya sa mayamang pamilya kaya siguro may personal driver pa siya"
"Ah ganun ba"
Wala kong pake basta pag lalaki pinaguusapan I don't give a f*ck
Nagpatuloy lang si Layla kakakwento sa mga naririnig niyang tsimis mula sa the life story of Liam. Kesyo ala mansyon ang bahay,nagmamay-ari ang pamilya ni Liam ng mga naglalakihang korporasyon dito sa Pilipinas hanggang sa mapunta kami sa mga alaga ni Liam sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
Do You Have Faith In Me?
Novela Juvenil"Have faith in me please I promise I'll come back", he said. But he never did. I should have seen that coming. I knew giving my heart away means giving your everything even if you were to hurt at the end. I put my whole trust and faith in him but in...