Sakura
- in Japanese culture, it is the symbol of new beginnings and fresh start.******
September 2011
Present dayISABELLE
Sighs.
It's 11:47 PM and yet eto ako, naglalakad sa kahabaan ng Rhenium St. papunta sa paborito kong themed park at wala akong ibang magawa kundi bumuntong hininga na lang tuwing naaalala ko yung nakakahiyang nangyari kanina.
I just got rejected.
Another day, another heartbreak, eh?
Sighs.
Siguro, ganon lang talaga ang buhay pag dating sa pag-ibig. It's either swerte ka, o malas ka.
Pero bakit naman ganun? Palagi na lang akong malas. Dalawang taon na lang at hindi na ako teen, tapos kahit isa wala pa akong nagiging jowa? Ouch. Kahit isa, wala pang nagkakagusto sa'kin? Ouch ulit.
Napatigil naman ako sa paglalakad nang marealize ko na nandito na pala ako sa entrance ng themed park na 'to. Parang biglang nabuhay yung mga dugo ko sa katawan at bumalik sa mga mata ko yung luha nung matanaw ko ang naggagandahang bulaklak na naghihintay sa akin.
Only flowers can give me this kind of feeling. That's why I love them so much. I don't know why, pero they give me comfort. Siguro dahil na din sa mom ko.
"Waah! Namiss ko kayo!" Masigla kong sabi sa mga bulaklak nang makarating ako kung saan sila nakatanim.
Gumaan ng onti ang pakiramdam ko nang makita ko sila ng malapitan. Sabi na, kailangan ko lang talaga silang masilayan at mahawakan.
"Alam niyo ba, muntik nanaman akong maiyak kanina. Buti na lang nandyan kayo. Tama ang desisyon kong magpunta dito." Sabi ko sa kanila. I always do this. Talking to them, visiting them whenever I have a chance. Araw araw ko talaga siyang ginagawa before pero nung nag-college na ako't naging busy, pa-minsan minsan na lang akong nakakapunta dito.
Wala akong ibang ginawa kundi titigan lang sila at kuhaan ng litrato. Hanggang sa dalawin ako ng antok. Napasulyap naman ako sa relo ko at nakita kong ala una na pala.
"Hala, late na pala. Maybe I should go home and have some sleep. May pasok pa nga pala ako bukas." Sabi ko sa sarili ko. Haynako naman kasi. Parang ayaw ko na pumasok at magpakita sa mga tao sa school. After what happened kahapon, ayoko na.
Ayoko na maalala lahat ng yun! Ano ba kasing nakain ko nung time na yon at bigla akong umamin sa kanya? And worst, ang daming tao nung mga oras na yun! Gosh! Sarap magpakain sa lupa, swear.
"Aish!!" Sigaw ko out of frustration at napatakip na lamang ako ng mukha. Baka maluha nanaman ako. "Bwisit." Bulong ko pa.
Ayoko na talaga. Wag na lang kaya akong pumasok bukas? Pero kung hindi ako papasok, yun yung magiging first ever absent ko! Woah. I'm so proud of myself. Tama. I should do that- shoot, may PT nga pala kami! Gosh, anong gagawi-
"Ow! Watch it!"
"Oh shoot. Sorry."
Ano nanaman bang katangahan yan, Belle? Gosh.
"Sorry ulit. Hindi kita napansi-"
"Pano mo ko mapapansin kung nakatakip yang mga kamay mo sa mukha mo?" Inis niyang sabi sa akin habang pinupulot yung mga hawak niyang papel na nahulog.
Tinulungan ko naman siya sa pagpupulot. "Sorry na nga diba-"
"But nevermind. Next time, watch where you're going."