2

28 8 2
                                    

Pink Rose
- it is used to convey gentle emotions such as admiration, joy and gratitude.

******
September 2011
Present Day

ISABELLE

"Isa! Bangon na, late ka na!"

Ugh. Sino ba yon at napaka-ingay naman?! Aga aga eh.

"Isa! Huy!"

"D-dad?"

"Jusko naman. Mabuti't gising ka na. Bumangon ka na dyan at late ka na!" Pagkarinig ko non, kusa akong napabalikwas sa kama at napatingin sa orasan.

5:17 AM. Oh hell. Oh freaking hell.

"Bakit ngayon mo lang ako ginising dad?!!!" Sigaw ko't saka kumaripas ng takbo papuntang banyo.

Halos saktong 6 AM ako nakaalis sa bahay at kasulukuyan akong nakasakay sa bus habang masinsinang nagdadasal na sana hindi pumasok si Sir ngayon kundi lagot ako. May PT kami sa kanya! Ugh. Bakit ba kasi siya ang first subject namin ngayon?

At bakit ba kasi hindi ako nakatulog ng maayos? Late tuloy ako. Gosh! Sa ilang taon kong pag-aaral, ngayon pa lang ako na-late! This is unacceptable.

Nang makababa ng bus, dali dali akong tumakbo. I'm doomed.

"Belle? Aba, totoo ba 'to? Late ka?" Tanong ni Manong Guard sa akin.

"Manong! Huhu!" Iyak ko sa kanya. "This will be the first and the last!" Pahabol ko pa at tumakbo na ulit.

Kahit na nasa 4th floor ang room ko at naka-pencil skirt ako, nagmadali pa din akong umakyat ng hagdanan.

At nang makarating ako, saktong papasok pa lamang si Sir kaya inunahan ko siya.

"Oh, Isabelle. You're late."

"Hala Sir hindi. Kayo po ang late." Sabi ko naman.

Nakita ko siyang sumimangot. Oops.. "Char! Joke lang po Sir! Na-late ako ng gising Sir.. hehe." Sabi ko na lang at napakamot ng ulo.

"Hmm. Eto ang pinaka-una mong late ah. Mukhang hindi ka natulog kagabi para maghanda sa PT natin ngayong araw. Am I right?"

"Y-yes po, Sir.." Sagot ko na lang kahit hindi naman talaga ako nakapag-aral kahit isa. Ni libro ko nga hindi ko nabuklat eh.

"Good. At dahil dyan, Isabelle, to the front." Shoot.

I am so doomed.

*****

"Hayy sa wakas, natapos din!" Sigaw ng katabi ko after lumabas ni Sir ng room namin.

"Nakasurvive din! Shit, kahit isa wala akong naaral!" Dagdag pa nito.

I can relate. Mema na lang ang naisagot ko kanina kay Sir pero sana naman ay pasado pa din ako.

"Belle! Sa tingin mo, ikaw ulit highest?" Nagulat naman ako ng bigla niya akong kinausap. I don't even know him.. What's his name again? Nevermind. Isang subject lang naman kami magkaklase.

"Nah." Tipid kong sagot. Wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi matulog. Mabuti na lang at may vacant akong 1 hour. Pero saan ako matutulog? Hindi ko naman kasi gawain 'to. Ngayon lang talaga kasi kung hindi ako matutulog, feeling ko sabog ako sa lahat ng papasukan kong subject.

"Tara." Rinig kong sabi nanaman ng katabi ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Haha! Diba gusto mong matulog?"

Thy FlowerWhere stories live. Discover now