Purple Hyacinth
— it means sorrow, or asking for forgiveness.******
September 2011
Present DayISABELLE
"Uh, hi.. Daniel?" I said and flashed an awkward smile.
Shoot. I'm busted! Bakit nandito siya? Don't tell me, dito rin siya nag-aaral? Tsk. Small world.
He smiled at me. "You lied."
"I did. So what?" There's no point of hiding it.
I heard him chuckle. "What?" Masungit kong tanong.
"Nothing. Mataray ka pala? Hindi ka naman ganyan nung nagkita tayo kahapon."
"Oy, oy! Magkakilala na kayo?" Biglang singit nung kaklase ko. Ugh, ano ba kasing pangalan nito? Saka, magkaibigan sila ni Daniel?
"Haha, oo pare. Kahapon lang."
"Woah- does that mean siya yung-" Hindi na niya natuloy yung sasabihin niya nung biglang tinakpan ni Daniel ang kanyang bibig.
"Anong meron?" I asked them.
Nagulat naman ako nung biglang binatukan ni Daniel yung kaibigan niya.
"Ah haha. Wala. Abnormal lang talaga 'to si Linard." Sabi naman niya. Oh, so Linard pala ang pangalan niya. Weird. Just like them.
"Weirdos." Bulong ko sa sarili ko't nagsimula na ulit maglakad.
"Bela, wait! Sabay na kami sayo." Rinig kong sabi ni Daniel.
"Huh? Pre bakit? Ah.. right! Sige sabay na kami sayo Belle!"
Ugh, why?
Hinayaan ko lang silang sumunod sa akin pero hindi ko sila pinapansin. Bahala sila dyan.
Natuwa naman ako dahil hindi nila ako sinabayan sa paglalakad. Nandon lang sila sa likod ko. Para tuloy akong may dalawang body guard. Pffft.
"Oy Dan, bakit pala Bela ang tawag mo kay Belle?" Rinig kong tanong ni Linard.
"Ah. Wala lang, trip ko lang." Daniel said. Oh. Akala ko sasabihin niya yung totoong dahilan. Though hindi naman big deal sa'kin kung sasabihin niya.
"Baliw ka talaga pre! Haha! Pero alam mo ba?" At nagsimula siyang magkwento ng kung anu-ano kay Daniel.
Sa sobrang daldal at daming kwento nung Linard tungkol sa buhay niya, hindi ko namalayan na nasa gate na pala kami ng school.
"Belle, gusto mo bang sumama sa'min?" Pagaaya sa'kin ni Linard kaya naman napalingon ako sa kanila.
"Nah." Why would I? Di naman tayo close.
"Oh look what we have here."
"Pre, yan ba yung umamin sayo?"
"Belle?" Oh hell. Tama ba ang narinig ko?
Dahan dahan naman akong humarap sa taong nagsalita sa likuran ko and there he is..
I looked at him straight in the eyes. What's this?What's wrong with his eyes? Bakit ganun yung mga mata niya? It's sad.. and it's like, he's feeling sorry for something.
"I-Ivan." Damn. Did my voice just cracked? Ang tapang tapang ko sa ibang bagay pero kapag kaharap ko siya, nagiging mahina ako.
Napansin ko namang inakbayan siya nung babaeng katabi niya.
