Cedric's POV:
Natapos ang araw na hindi kami nag papansinan ni Carl. Natapos din ito na hindi sya sumabay samin nila Frank. Sumabay sya kay Kenzie at ganon parin sila, ang sweet parin nila. Naiinis na ako dahil buti pa si Carl gumagawa na ng paraan para mag kalapit na sila ni Kenzie, pero ako hanggang ngayon, kaibigan lang si Nics.
At dahil sa wala akong magawa, kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Athena. Nahihiya akong tawagan si Nics eh. Mamaya mapahiya pa ako mahirap na. Dinayal ko ito at ng matapos ang ikatlong ring, sinagot na nya ito.
["Problema mo?"] pambungad nya sakin. Tsss -_- kahit kailan napaka sungit netong babaeng to. Paano kaya sya nagustuhan ni Frank -_-
"Wala naman. Kasama mo ba si Nics?" tanong ko sa kanya. Narinig ko naman ang mahinang halakhaka nya. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Hindi eh, kasama ko si Frank ngayon at may date kami. Tawagan mo nalang sina Kenzie baka kasama nila." sabi nya sakin at binaba na nya ang tawag. Tsss wala naman akong napala dito sa babaeng to. Hay -_- paano ko kaya makakausap si Nics? Ang hirap naman palang maging torpe kaya pala ang hina ni Carl. Binaba ko ang phone ko hindi ko din naman kasi alam ang sasabihin ko kung sya agad ang tatawagan ko.
Pinikit ko ang mga mata ko nang bigla namang may nag ring sa phone ko. Kinuha ko ito at sinagot ko na agad.
"Hello?" pag sagot ko sa tawag nya.
"Hi Cedric!" bati nya sakin. Napabangon ako sa boses nya palang. Nako naman! Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, wala akong masabi sa kanya.
"He-hello. Bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya. Shit! Wala na talaga akong ibang masbai dito. Ang hirap ng ganto. Pinikit ko ng mabuti ang mga mata ko at huminga ng malalim.
"Ano, papasama lang sana ako sayo sa Amusement park! Wala akong kasama eh. Hang out tayo please!" pakiusap nya sakin at hula ko nag papuppy eyes to. So cute. Ay bading lang -_-
"Sige. What time ba?" tanong ko at sinabi nya na sakin kung what time at kung saan mag kikita. Nagbihis na ako at pumunta na ako sa location na yun.
-----------------------
"Kakapagod!" sabi ni Nics. Nakaupo kami dito sa may bench na katapat ng roller coaster. Pagod na pagod na kami pero masaya naman kami sa mga pinuntahan namin. Konti lang yung tao dito sa may Amusement Park mag gagabi na rin naman kasi.
"Gutom kana ba?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya ng nakakaloko. Hala anong nangyari?
"Waaaa akala ko di kana mag tatanong eh. Haha libre mo ah! Tara kain tayo ng FOODS doon daliii!" hinatak nya na ako at dumerecho na kami sa kainan. Hay ang creepy pala magutom neto ni Nics, bigla bigla na lamang nanghihila. Takbo lang kami ng takbo akala mo may humahabol samin. Tumigil kami sa may Bonchon. "Tara kain na tayo wahaha." sabi nya. Umorder na kami at pumwesto na kami sa upuan.
BINABASA MO ANG
Group Love
Teen FictionMeet Kenzie, Athena, Tricia and Nics. Sila ang mga super magagandang babae at parang angel ang ugali. Wag mo lang talagang gagalitin. Lumipat sila sa Winston Academy dahil gusto nila doon pumasok ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, may nakatapat...