Tricia's POV:
Oh my gosh! Izzo kinikilig. Natuwa ako sa date ko kahapon kay Karl Leonnard Brown aka Mr. Pogi. Hihi half American, half filipino. Gwapo, matangkad, sobrang caring at higit sa lahat, super sweet nya. Hihi. Nakilala ko si Karl noong minsan nag shopping kami nila Kenzie at nakita namin sya sa mall.
*Flashback*
"Kenzie, sino bang iniintay natin? Ang tagal naman nyang dumating." reklamo ko. Grabe kanina pa kami nag aatay dito sa may fountain sobrang kumukulo na tyan ko. Yep nagugutom nako.
"Wait lang. Malapit na daw sya. 5 more minutes." sabi nya at tumitingin sa mga tao sa paligid.
"Kenzie?" narinig naming may tumawag sa kanya. Lumingon sya dito at lumaki ang kanyang ngiti.
"KARL!!!!" sabi nya dito at tumakbo sya. Niyakap nya ito. Oh no! Kung andito lang si Carl paniguradong selos ang abot noon hehe.
"Hello how are you?" tanong nya kay Kenzie. Maya maya humarap sya sakin. "Hello Gorgeous. Wanna grab some coffee?" aya nya pa sakin. Dahil sa gwapo sya, napapayag nya ko at ngumiti sya ng bongga. Shet eto na ba ang pag ibig na hinihintay ko. Mag rereact pa sana si Nics pero napigilan ko na sya.
"Sure why not. Come on doon tayo sa starbucks hihi." sabi pa nya dito. Lalo lang napangiti si Karl. "Sure, my treat." at nagpaalam na kami sa kanila.
*End of flashback*
At ngayon nandito kami sa may isang 5 star hotel. Ang Guevarra's Hotel. Super sikat neto sa buong Pilipinas and finallly, nakapunta at nakapasok na ko dito.
"So Tricia, how's life?" tanong nya sakin. Kasalukuyang kumakain kami dito.
"Uhmmm, fine. Ikaw ba? Musta life mo?" tanong ko sa kanya.
"Well, ayun naghahanap ng perfect partner that suits me." sabi pa nya sakin at tinignan nya ko. Omygosh Lord, hihi kinikilig ako.
"May nahanap kana ba?" tanong ko sa kanya. Ngumiti sya ng malapad sakin.
"I think I just did." sabi pa nya sakin na lalong nagpakilig sakin. Hayahay naman talaga ang life oh. Hihihihi :"> gwapo na nga, mabait pa.
Kain at kwentuhan lang ang ginawa namin ni Karl. Mabait, at masaya syang kausap. Nasa kalagitnaan kami ng tawanan ng biglang may tumawag sa kanya. Nag excuse sya at sinagot ang tawag nya.
"Hello?" tanong nya dito. Maya maya biglang nanlaki ang mga mata nya. "Sa-Samantha?" nagulat at natarantang sabi nya dito. What? Sino si Samantha? Girlfriend nya ba? Asawa ano? "What are you doing here?" tanong nya pa dito. Kung kanina sya lang ang natataranta, ngayon pati ako nadamay. Shet nandito sya?
BINABASA MO ANG
Group Love
Dla nastolatkówMeet Kenzie, Athena, Tricia and Nics. Sila ang mga super magagandang babae at parang angel ang ugali. Wag mo lang talagang gagalitin. Lumipat sila sa Winston Academy dahil gusto nila doon pumasok ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, may nakatapat...