Nic's POV:
*Beep Beep*
Nagmulat ako ng mata ko. Aga aga naman may nag text sakin sino naman kaya to? Kinuha ko ang phone ko at binuksan ko ito.
["Good morning Courtney Nicole Reyes my babes."] nakalagay doon sa text nya. Ayieee kinikilig naman ako :"> 1 linggo na ang nakakalipas simula ng niligawan ako ni Cedric. Tutal naman sembreak na, nagkayayaan ang tropa na pumunta sa Rest House nila Jeckel sa may Baguio. Imba rin sila eh, doon yung Rest House nila pero ayos lang atleast meron dba? Maganda kasi doon eh, may swimming pool sila pero warm ang tubig. Overlooking pa ang pwesto ng resthouse nila doon.
Bumangon na ako at bumaba na para kumain ng Breakfast. Nakita ko doon si mommy na nagluluto. Wala yata yung mga maids namin mukhang pinag day off ni Mommy. Namiss ang ganitong side nya. Lately kasi lagi syang stress ang trabaho nya. Minsan nawawalan pa sya ng time sakin. Buti nalang ngayon ay naging mejj less stress sya.
"Good morning Ma." bati ko sa kanya. Kiniss ko sya sa cheeks at pumwesto sa may kitchen counter.
"Good morning Anak. Musta tulog mo?" tanong nya naman sakin. Ngumiti ako sa kanya.
"Ok lang naman po Ma. Ah ma may sasabihin ako sayo." sabi ko sa kanya. Napatigil sya sa pag luluto at humarap sakin.
"A-ano yun anak?" kinakabahang tanong nya. Natawa naman ako sa naging reaction nya.
"Mommy naman haha. Ma, pupunta kaming Baguio sa rest house nila Jeckel. Mga 1 week kaming nandoon tutal naman eh sembreak na namin. Ok lang po ba?" tanong ko sa kanya ng nakangiti. Ngumiti lang sya sakin at niyakap ako. Maya maya kumalas na sya sa pagkakayakap sakin.
"Oo naman anak. You should go besides kasama mo naman sina Kenzie iha kaya ok lang. Magiingat kayo doon ah." sabi nya sakin
"Nako! Makapag hain na nga mamaya magutom pa baby ko eh haha." sabi nya at naghain na sya ng pinagkainan. Syempre tinulungan ko rin sya.
Kumakain na kami ng breakfast ni mommy. Grabe ang sarap nyang magluto. Bacon, eggs, fried rice, hotdog and juice for breakfast waaa kaya tumataba ako eh hahaha. Tuwang tuwa ako sa pagkain.
Kain lang ako ng kain ng biglang may nag text sakin. Binasa ko ito. Kinilig naman ako kasi galing sa kanya yung text hahahaha XD hay ang landi ko na talaga.
["Nics, mamayang 10 am susunduin na tayo ni Jeckel. Isang sasakyan nalang daw tayo papunta doon sa baguio. See yah later princess."] oha ang sweet lang. Weee 10 am, 7:30 palang ngayon meron pang time. Nang matapos nakong kumain umakyat nako sa kwarto ko at nag ayos na ng gamit ko. Excited nakong makita sila.
-----------------------------
"Ma, alis na kami Bye! See yah next week." sigaw ko sa kanya at nagsimula nang umandar ang kotse ni Jeckel.
BINABASA MO ANG
Group Love
Teen FictionMeet Kenzie, Athena, Tricia and Nics. Sila ang mga super magagandang babae at parang angel ang ugali. Wag mo lang talagang gagalitin. Lumipat sila sa Winston Academy dahil gusto nila doon pumasok ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, may nakatapat...