11:00 am na. Malapit na mag first subject. Baka malate pa ako. 12:00 nn pa naman yung pasok ko. Umalis na ako papuntang school. Sasakay na sana ako ng tricycle kaso may nararamdaman akong may sumusunod sa akin. ._. Lumingon ako kaso parang wala namang sumusunod sa akin. Kaya sumakay nalang ako baka magkaroon pa ako ng late sa record ko.
Nasa school na ako. Grade 8 ako at Sampaguita ang section namin. Papunta na ako sa classroom ko. Teka parang may sumusunod talaga sa akin eh. Binilisan ko ang paglakad ko. Hanggang sa.........
TOINK!!
Nauntog ako sa pader. Pero hindi naman malakas untog ko dun. Natumba ako. Aray. XC Hanggang sa..........
"You need help? "
Inabot nya ang kamay nya saken. Magpapakipot pa ako. Ang sakit nga ng ulo ko. Inabot ko na ang kamay sa kanya at itinayo ako."Thanks :)"
"Walang anuman, btw, I'm Kurt Jopson. " Inabot nya sakin ang kamay nya.
"Ahm. I'm Erika Garcia. Nice to meet you. " Inabot ko rin yung kamay ko sa kanya.
"Nice to meet you too. " Nag shake hands kami."Ang laki ng bukol mo sa noo. Tara dalhin na kita sa clinic. "
"Wag na baka malate pa ako. Baka mapagalitan pa ako ni Ma'am" Pero sa totoo lang gusto ko na talaga na pumunta sa clinic.
"Wag ka ng maarte, saglit lang to. Tara na. " Hindi na ako umimik kaya sumama nalang ako.
Habang pumupunta kami sa clinic, walang umiimik sa amin, siguro hindi pa kami magkakilala . Ako na ang unang nagsalita.
"Ahm. Anong year mo ba? " Ang gwapo nya ¤.¤ Para bang merong anghel sa harap ko. Sa tingin ko NGSB pa to. XD Ay! Study first muna! Tigil muna lovelife. Pero parang siya ang inspirasyon ko sa pag-aaral. Pwede namang crush muna eh. Kapag tumititig ako sa brown eyes nya, matangos nyang ilong, at ang mga labi nya parang ......
"Grade 8 ako, ikaw? " Nawala ako sa sarili ko kanina, tinanong ko nga pala sya kung anong year nya. Ay.
"G8 din, teka anong section mo ?" Teka kung grade 8 sya, anong section sya? Malabo namang nasa lower section sya, sa gwapo nyang to.
"G8-Sampaguita " Laking gulat ko sa kanya. So ibig sabihin sya yung......
"Ikaw yung transferee sa section namin? "
"Oo. Ako nga . Sampaguita ka rin? " Ahhh! So boy ang transferee namin. At gwapo pa. XD Saan kaya sya makakaupo? Meron pang vacant seat sa katabi ko. Yes ! Sana dun nalang sya Ay oo nga pala nagtatanong pala sya.
" Oo. Ahm . Can we be friends ? " Inabot ko ang kamay nya.
" Yes. " Nagshakehands kami.
" Ouch! " Oo mga pala may bukol pa ako sa noo .
" Oo nga pala, tara na, baka malate pa tayo. " Binilisan na namin ang kilos namin.
Papunta na kami ng classroom matapos gamutin ang bukol ko sa noo. 11:40 pm na. Buti hindi kami lagpas sa oras. Sabay kami ng pagpasok namin sa classroom namin. Lahat ng mata sa room ay nakatutok samin na para bang nagtataka kung sino kasama ko?
"Oy Erika, sino kasama mo? Boyfriend mo ?" Si Leila Lemsic yung nagsalita. Adik sa Korean Language, Korean Movies, Korean Series, lahat na. Nagulat kami pareho ni Kurt sa tanong ni Leila.
"Ano ka ba Leila ! Sya yung transferee natin. " Lahat ng kaklase ko nakatingin kay Kurt. Hala ! Kinikilig naman yung mga girls. -,-
"Sya ba yun? Sa gwapo nyang to. Dito mag-aaral yan?" Halata namang kinikilig din si Leila. Hey meron kanang ......
"Sya pa . " Hindi ko na tinuloy ang pag-iisip ko. Baka sabihin ko buong pangalan ng crush nya. Marami ng nagtatanong about kay Kurt. Hanggang sa dumating na ang aming adviser.
"Oh. Ano ang kaguluhan dyan? Oh, Kurt Jopson, nandito ka na pala. Class please go back to your own seat. " Bumalik na kami sa upuan namin.
"Kurt Jopson, please introduce yourself to your class. And find your seat to seat on. "
"Hi classmates, i'm Kurt Jopson, I'm 13 years old. I am studied last time from Gingergrace Academy."
What? Pati yung mga classmate ko nagulat din . Nandoon sya nag-aral dati?! . Mahal doon ah, puro famous nandoon ah. Lahat ng nag-aaral dun. Puro magaganda't gwapo. Wala kang makikitang pangit dun. Pero ano ginagawa nya dito? Bakit sya nag-transfer dito?

BINABASA MO ANG
Study First
Teen FictionStudy First, kapag narinig mo to, gagawin mo talaga to. Pero Easy to hear and easier to say but hard to explain and harder to do. Pero merong isang babae ang nagfofocus sa pag-aaral. Siya ay si Erika Garcia. Siya yung ayaw bumagsak sa test, ayaw mag...