Bumili pa ako sa mall ng pangregalo kay Kurt. Reregaluhan ko sya ng Teddy Bear na may nakasulat na: I'M YOURS NOW tsaka 2 hersheys na malaki. Nagtanong muna kasi ako sa isa sa barkada nya eh kung ano yung gusto niya. Huhuhu sana magustuhan nya T.T
Hanggang sa pumasok na ako. Wow! May bago nanamang transferee student. Isang girl tsaka isang boy. Umupo na ako sa upuan ko. Then wala pa siya, excited na ako ibigay to sa kanya. XD
Hanggang dumating si crush XD. Nagbatian kaming lahat kay Kurt. Nagbigayan na kay Kurt ng regalo para sa kanya. Isa-isa na silang nagbigay. Siyempre huli ako para special. Baka dito ko na madadagdagan ang feelings ko sa kanya. Every na nagbigay kay Kurt ay bubuksan nya na. Marami na nagbigay sa kanya hanggang sa... Lumapit ang transferee girl kay Kurt at niregaluhan. Laking gulat ko na..
parehas kami ng regalo para kay Kurt.!
Isang Teddy Bear na merong nakasulat sa tiyan na IM YOURS NOW at 2 hersheys na malaki. Mangingiyak ako dahil parehas kami ng ireregalo para kay Kurt. At parang binagsakan ako ng bato ng halikan ni Kurt sa lips ng transferee girl. Tumakbo ako palayo sa school. Ansakit, lahat ng effort ko, binanewala lang. Ganun pala ang feeling pag inlove ka. T.T Hindi na ako mag-fofocus sa love. Pero wag muna ngayon, ansakit . Pinaghirapan ko, parang wala lang. Wala akong pakealam kung makatawid man ako sa kalsada, sagasaan man ako, wala akong pakealam, basta lumayo lang ako sa lugar na yon .
Tumigil ako sa waiting shed ng tapat ng gate ng school. At dun humagulgul ng iyak. Ang sakit ng dinanas ko ngayon. Pati puso ko nasasaktan na eh. Sasabihin ko na ang totoo. Nagselos ako kasi mahal ko na sya. Oo. Mahal ko siya. Akala ko totoo yung sinasabi nya na "Soon To Be Girlfriend Ko", yun pala para lokohin ako. Naniwala naman ako dun. Btw, babalik na ako dun. Wala akong pakealam kung tanungin ako kung saan ako napadpad.
Bumalik na ko dun At lahat ng mata dito ay nakatingin sakin. Meron pa namang vacant seat dun sa dulo kaya dulo kaya dun nalang ako. Kinuha ko muna yung regalo kay Kurt, at ibinato sa kanya at kinuha ko na yung bag ko at lumipat sa dulo. Sa dulo, nandoon yung transferee boy. Tatlo kasi yung vacant seat dun, nasa gitna yung transferee boy. Umupo nalang ako dun sa left at tumungo. Pinatunayan ko nga na STUDY FIRST muna.
Leila's POV
Tnx Eiron na Dyosang Author for giving me this point of view.
(Author : You're welcome Leila Kim )
(Me: *^_^* )
Btw, nagtataka ako kung bakit lumipat ng seat si Erika? Aalamin ko mamaya Biglang dumating si Ma'am Samson...
"Good Morning Class. Happy Birthday nga pala kay Kurt Jopson. Btw, yung mga transferee, magintroduce na kayo in front ." Yawn!! Amboring naman kahit birthday ni Kurt.
"Hi everyone, ako si Sunshine Añana Sebial no. Call me Sunshine. I hope we can be friends. " Maganda naman pero mas maganda ako dyan.
"Hi, I'm Azer Mendoza. Azer at your service. " Gwapo nya pero hindi ko type.
Umupo na yung mga transferee. Tumingin ako sa dulo at.... Eh tulog siya. Ano ba si yung problema? May nangyari bang hindi ko alam?
"Mikee, may tanong ako sayo. "
"Ano yun? "
"Alam mo ba kung anong nangyari kay Erika? "
"Ah. Parehas kasi sila nung transferee girl ng regalo para kay Kurt . So nauna yung transferee girl. Tapos hinalikan ni Kurt yung girl. Nagtampo si Erika kaya ibinato nya yung regalo nya kay Kurt at lumipat dun. Nagtaka si Kurt kaya balak nyang lapitan si Erika kaso biglang dumating si Ma'am. " Wow ha? Yan ang best friend ko.

BINABASA MO ANG
Study First
Novela JuvenilStudy First, kapag narinig mo to, gagawin mo talaga to. Pero Easy to hear and easier to say but hard to explain and harder to do. Pero merong isang babae ang nagfofocus sa pag-aaral. Siya ay si Erika Garcia. Siya yung ayaw bumagsak sa test, ayaw mag...