Habang umuuwi na kami, tinanong ko si Gelyn.
"Gelyn, sa tingin mo magagawa natin tong pinaplano natin, kasi kapag nahuli tayo nila Kurt, baka ... " hindi ko na natuloy yung pagtatanong ko dahil biglang nagsalita si Gelyn.
" Ano ka ba Erika, isu-stalk lang naman natin si Angel kung sino talaga siya. Wag ka dyang over confidence. Hindi bagay sayo. Para kang bata ! " Ayy ??!! Galit siya??!!? Grabe naman si Gelyn -.- Pero tama naman si Gelyn. Siguro over protective talaga ako. -.-
"Opo :| " Eh?? Tumahimik nalang akoHabang tahimik ako buong lakbay, bumaba na ako sa malapit sa Angono Public Market. Nagpaalam na ako sa kanila.
Pumunta muna akong Pandayan. Bibili lang ako ng mga materials kung saka-sakaling may activity bukas. Habang nag-iikot ako, naalala ko nga pala na hindi ko pa naisasauli yung libro na Diary Ng Panget ni Eiron, so nagbayad muna ako sa cashier dun sa mga nabili kong materials. Pumunta na ako sa 2nd Floor kung may bagong napublished na book dito sa Wattpad. Huhuhu T.T wala pa bago. Kaya umuwi nalang ako.
Habang pauwi ako, naiisip ko kung magiging sucessful yung plano namin. -.- First Time lang namin magplano about strangers. Siguro nga gusto kong makilala kung sino talaga siya.
Nung nakauwi na ako, napansin ko na malapit na pala birthday ko. Sino kaya makakaalam ng birthday ko? May magreregalo kaya sa akin?
Nagugutom na ako, hindi sapat yung kinain ko kanina sa SM, kaya nagluto muna ako ng makakain at mag-movie marathon. Pinapanood ko ngayon yung Hotel King.
Habang nag-momovie marathon ako, parang gusto kong gumawa ng story sa Wattpad. Pero wala akong internet sa cp ko eh. Wala rin kaming WiFi dito para sa computer. Gusto kong nang gumawa ng story, about dun sa mga nangyayari ngayon.
AUGUST 22
KRING KRING KRING!!
Pinatay ko na yung alarm clock ko. Yawn?!? Malapit na birthday ko. 2 days nalang. So nagayos na dito then ako then go to school na
Habang papunta ako ng room,
"Erika !! " Oh, ginulat pa naman ako sa sigaw nya. Parang makakapatay ng ewan.
"Oh Cherry! Bakit?! Ang aga-aga sumisigaw ka dyan. " Totoo naman eh, sa liit nyang yan, ang lakas ng sigaw, parang nakalunok ng microphone.
"Sabay tayo. " Eh?? Nonsense. -.- Sasabay lang pala kami papuntang room.
"Oo na. " Nakioo nalang ako. Baka kung ano pa masabi nya.
Siya si Cherry Anne Aldea. Ka-age. Hanggang leeg ko lang yan. Masungit. Friend ko rin. -.- Pag may kailangan. Peyk
Habang papunta kami ni Cherry sa room, walang umiimik samin, siguro hindi kami close. Ako nalang iimik, pero ....
"Erika, may assignment ba tayo? " Nauna na siya. -.- Wala naman kaming assignment , so...
"Wala. " Yan nalang nasabi ko. Kahit masungit nyan, ang bait nyan. Konti lang kasi yung mga kaibigan nya sa room. Sila Leila, Jaezl, Eva Jane, Lyka Jane, Eiron tsaka ako. Kung ako nalang si Cherry, maghahanap nalang ako ng friends, mahiyain naman kasi sya eh. Matalino yan.
Nasa classroom na kami, umupo na si Cherry sa seat nya. Tuwing nakikita ko sya, naaawa ko sya, gusto ko syang turuan kung paano maging friendly sa lahat. Friendly naman sya eh , kaso hindi lahat. Pinipili lang nya yung makakaibigan nya.
"Pst. Cherry, lipat ka dito. " sana pumayag siya. Dito ko siya tuturuan kung paano maging palakaibigan sa lahat.
"Sige. " Lumipat na sya dito. Sana magbago na sya.
BINABASA MO ANG
Study First
Teen FictionStudy First, kapag narinig mo to, gagawin mo talaga to. Pero Easy to hear and easier to say but hard to explain and harder to do. Pero merong isang babae ang nagfofocus sa pag-aaral. Siya ay si Erika Garcia. Siya yung ayaw bumagsak sa test, ayaw mag...