Matapos ang klase. Niyaya ko sina Leila Lemsic, Manuel Rosaldo, tsaka si Jaezl Tiamson na pumunta sa Pandayan para bumili ng materials para sa project namin, meron kasi kaming project sa MAPEH, gagawa ng calligraphy. Kailangan talaga creativity daw. Kaya kailangan namin magtulungan. Kailangan 5 members each group. Kulang kami ng 1 member kaya nagyayaya pa kami. Merong isang lalakeng nakahood na may kasamang babae. Biglang lumapit sa amin. Tinanggal nung lalake yung hood sa ulo nya. Laking gulat ko na si ...
"Hi Kurt. " Silang 3 naman mga feeling close -,-
"Hi guys " Si Kurt naman gumwapo lalo XD Pero sino yung kasama nyang babae ?
" Ahm. Ipapakilala ko sa inyo yung bestfriend ko. " Muntik na akong atakihin. Akala ko girlfriend nya. Ano kaba ! Study first nga muna. Gusto mo bang naging top 1?
"Ahm. Sya si Ciarra Garcia. " Anubayan! Ka-surname ko pa. -,- Pero okay lang naman, mukha namang mabait. Maganda rin, pero mas maganda ako dyan.
"Hi, nice to meet you guys I hope we can be friends. " Ewan ko kung kaplastikan lang yung bati nya sa amin.
"Ahm. Kurt, may kagroup kana sa MAPEH ?" May naginvite na kaya sa kanya sa project? Sana wala pa.
"Wala pa, bakit? " Eh, wala pa? Sa bagay wala pa namang kilala si Kurt sa klase kundi kaming 5 lang kasama na si Eiron .
"Sama ka sa amin, kulang kasi kami ng 1 member eh. Gusto mo ? " Sana pumayag sya kasi baka ayaw tanggapin ni Ma'am kasi kailangan daw 5 members daw each project. Dapat kompleto na kami sa members kaso si Eiron may kagroup na kasi sya eh.
"Sige. " Yes! Pumayag sya !
After namin bumili ng materials para sa project namin, gumagawa na kami ng calligraphy kasama si Ciarra . Okay naman sya, tama yung sinabi ni Kurt sa amin, magbestfriend sila since kindergarten. Habang gumagawa kami ng project, BTW, dito kami gumagawa sa bahay nila Ciarra, so pinsan ko sya kasi kapatid ng pinsan kong si RazLei Garcia. Happy to hear. :))
Biglang pumunta si Ciarra sa 2nd floor nila. Ewan ko kung bakit pumunta dun si Ciarra sa 2nd floor nila. Habang wala pa si Ciarra, may tumatawag kay Kurt, siguro nanay nya lang nya. Sinagot na nya, ewan ko lang kung ano yung pinaguusapan ng kausap nila. Natapos na ang pag-uusap ng kausap nya kanina sa phone nya,
"Guys, gusto nyong sumama sa amin ni Ciarra? " Huh? Saan kaya?
"Saan naman ?" sabi ko
"Sa Gingergrace Academy. " sagot nya
"Whoah...... " lahat kami naamazed kasi makakapunta kami sa private school na puro famous ang nagaaral dun.
"Sige, pero ano naman gagawin natin dun? " pataka kong sabi. Pero excited na ako.
"Pupunta tayo dun, kasi nandoon yung barkada ko. " Ah. Gusto ko ring nakilala yung barkada nyang puro famous.
"Ah. Sige. Kasama si Ciarra? " sana kasama sya. ^^.
"Oo naman, lahat yon kaibigan din ni Ciarra. " Nashock ako. Gaano kaya kafamous si Ciarra dun?
Bumalik na dito si Ciarra, sinabi na ni Kurt yung tungkol sa Gingergrace mamaya , at sumagot sya na,
"Sige, para rumami lalo kaibigan nila Erika. "
Yehey! Pagkatapos naming gumawa ng project sa MAPEH, pumunta na kami sa school nila, papasok na sana kami sa gate, pero,
"Erika, Leila, Manuel, Jaezl, Kurt ! " sila Eiron, kasama sila Jessielyn Suela, Aliyah Baldemor, Nicole Espinosa, tsaka si Zandra Ner, close friends ni Eiron. Siguro tapos na sila sa project nila . Sana sasama sila samin, para the more the manier. At magtanong na kami kila Eiron kung sasama sila, pumayag sila. Yes. Pumasok na kami sa school. Dun kami pumunta sa garden ng school. Wow ang ganda naman ng garden nila :o At nandoon yung friends ni Kurt. Pumunta na kami sa kanila.
"Kurt ! Welcome back ! Ciarra ! " barkada nila Kurt.
Naggroup hug sila. NakakaOP naman sila.
"Oh Kurt , sino naman mga kasama mo? " Mababait naman sila.
"Mga new classmates ko. " Kalma nyang sagot.
Iniisa na kami ni Ciarra na ipinakilala sa barkada nila.
"Eto si Leila Lemsic, Manuel Rosaldo, Jaezl Tiamson, Eiron Martin, Jessielyn Suela, Aliyah Baldemor, Nicole Espinosa tsaka si Zandra Ner. "
Hala ! Linaktawan ako. Huhuhu Pero hindi ko maintindihan kasi kumindat sakin si Ciarra. Ano nanaman kaya yung plano nya. Tapos tumingin kay Kurt na binigyan ng oy-ikaw-na-magpakilala-sa-kanya-or-else look. Master ako dyan sa mga looks, di lang nila alam.
"Ehem. Kurt sino naman yang beautiful dyan yung hanggang beywang yung buhok nya ?" Hala , ako na yung ipapakilala. XD
"Ahm. Siya si Erika Garcia. Classmate ko. Close friend ko. Soon to be girlfriend ko. " What? Nagulat ako sa pagpapakilala nya sakin kaya hindi na ako umimik. Todo kilig naman sila Leila. -,- Tumingin sakin yung mga kabarkada nya. Biglang ngumiti sila sakin. Tumungo nalang ako.
Nagpakilala na yung mga kabarkada ni Kurt.
"Hello, ako si Zac Nathan Rothfusz, call me Zac." gwapo naman perohindi ko type :|"Hi, i'm Megan Kyle Alcantara, you can call me Megan "
"Yowz, ako si Althea Espinosa, call me Althea...""Oo, alam ko. -.- " si Nicole yung nagsalita.
"Oy! Singkit! Bakit ka nandito? " Eh ????
"Lolo mo! " siguro magpinsan sila kaya ganyan sila maglambingan. Ipinagpatuloy na nila yung pagpapakilala.
"Ako si Kristine Bonsol, call me Kristine"
"I'm Nicole Pulido, call me Nicz. "
"Famous na ako. \^^/ " si Nicole Espinosa nanaman nagsalita nyan.
"I'm Raven Louis Ojo, call me Raven"
"I'm Stephanie Bell Cruz, call me Stephanie."
"Jotham Keith Guilaran at your service, you can call me Keith"
"At ako naman si Jhessa Eleuterio Cernechez, call me Jhessa."At naglaboy na kami sa mall. Pero nung sinabi ni Kurt na "Soon To Be Girlfriend ko" totoo kaya to? Sa sinabi nya baka maikasira yan ng pag-aaral ko. Anu ba to, Serious o Play?

BINABASA MO ANG
Study First
Teen FictionStudy First, kapag narinig mo to, gagawin mo talaga to. Pero Easy to hear and easier to say but hard to explain and harder to do. Pero merong isang babae ang nagfofocus sa pag-aaral. Siya ay si Erika Garcia. Siya yung ayaw bumagsak sa test, ayaw mag...