KRING KRING KRING !!!!
Ayyyy !! Anubayan! Ganito na lang ba lagi!? Pinatay ko na yung alarm clock ko.! Yawn!!! Sarap ng tulog ko .. Sana ganito nalang lagi . Bumangon na ako at nag-ayos na ng kwarto. Naghilamos na ako then bumaba na ako at magluto ng aalmusan ko Home alone ako dito. May sarili na kasi akong buhay XD. Pagkatapos ko magluto, meron pa namang lamig na kanin sa ref. , isasangag ko na lang. Then habang kumakain ako, iniisip ko kung anong mangyayari sa month na to. August na kasi ngayon, first day pa . Eto na yung Last Month ng JuJuA Months (June, july, august). Sana Ber Months na. Sa tingin ko maraming mangyayari sa month na to. Malapit na birthday ko sa August 24. XD Pagkatapos kong kumain, naligo na ako then nagbihis na ako.
♫ "Kung mawalay ka sa buhay ko, ang pag-ibig mo ay maglaho. "
Calling : Eiron Martin +639*******06Huh ? Ang aga-aga, tumatawag agad. Ano naman kailangan nito? Sinagot ko na.
"Hello?"
"Hello ! Oy! " oh? Ang aga aga badtrip nanaman. Ano kaya problema nya?
"Oh? Badtrip ba nanaman Eiron ?? "
Siya ay si Eiron Martin. 13 years old. Friend ko. Gay siya. Joker siya. Corny minsan. At minsan wala saya sa kanyang sarili.
(Author : Ehem ! Baka ikaw yun? Pang-asar ba naman sa Author! )
(Me : Sorry ^.^v )
"Halata naman diba? " Hala! Ano kaya problema nito. ? Baka naman pangit nung napaniginipan nya. O kaya naman hindi ko pa naisasauli yung libro nya. Hiniram ko kasi yung libro nya na Diary ng Panget.
"Bakit ba nanaman ?" Yan nalang ang nasabi ko dahil baka madagdagan pa yung badtrip nya.
"Si Jomar kasi -,- " Oh? Ano ba nanaman ginawa nya kay Eiron ?
"Ano ba ginawa nya sayo ?" Pero sa totoo, kahit badtrip yan lagi, naaawa ako sa kanya kasi lagi mainit yung ulo nya.
"Kasi hindi nanaman daw sya magdadala ng inassign ko sa kanya. Nakalimutan nanaman daw. " Wow ha ? Lagi naman ganyan yan eh. Tamad talaga yun .
"Paano mo naman nalaman ? " Oo nga. Paano nga nya nalaman kung bakit hindi magdadala si Jomar ?
"Hindi mo ba nareceive yung gm nya? Kung nareceive mo, basahin mo yung gm nya. Nakakapikon yung jejemon na yun. " Sorry hindi kasi ako nagbabasa ng gm. Binasa ko na at.... Eh? Jejemon nga sya.
From : Jomar Latombo
good morning ! Kag2cng lng mtpos manuod ng laban ng san mig coffee kagav.! @ Eiron - Sory kasi nde aq mka2dla ng inassign mu skn. Nkalmutan q kasi! Sya lng! Ge. Tx! gm.06 <~¤ sAn MiG coFfEe ¤~>
"Oh? Nabasa mo na ba ? " Kung ako yung nasa posisyon ni Eiron , matagal nang bangkay si Jomar. Nakakainis kasi yun. Para namang mahirap yung pinapadala sa kanya.
"Oo. Grabe naman yun. Edi wag natin sya isali sa groupings naten. " Tama naman yung sinabi ko eh. Unfair naman yon kasi lahat ng members magdadala , sya lang hindi.
"Aba oo. Pero pwedeng favor ? " Ano naman kaya yung favor nya saken
"Ano yun ?" Ano nga kaya yun?
"Ikaw nalang yung magdadala nung inassign ko kay Jomar . " Ah. Yan lang naman pala. Kala ko naman kung ano.
"Ah. Ano ba yung inassign mo kay Jomar ? "
"Golden Foil " Ah. Yan lang naman pala eh.
"Ah. Sige. "
"Hoy Erika ! Wag mong kakalimutan ah?"
"Oo na. -.- Sige na baka maubos pa yung pang call mo."
Totoo naman eh. Sayang yung load nya.
"Ano ka ba! Unli ako. " Ah. Kaya pala mayaman sa pang call.
" Ah. Oo na. Sige na bye. ". Inend ko na yung call. Tanghali pa naman yung pasok namin ngayon. 6:30 am palang. Ay oo nga pala. May assignments pala kami. Gagawa na ako. Habang gumagawa ako ng assignment...
TOOT TOOT TOOT
May nagtext. Sino naman to?
From : Ma'am SamsonClass, may new classmate kayo. Transfered student sya. Kung saan yung may vacant seat sa room, Dun sya uupo. Be nice . Thats all.
Excited na ako. Boy kaya sya o girl? Cute kaya sya? Sana maging friend ko sya. \(^,^)/
TOOT TOOT TOOT.
Ay may nagtext nanaman? Sino naman kaya to.
From : Eiron MartinWag mong kalimutan Erika ah?
To : Eiron Martin
Oo na.
Ay. Nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Erika Garcia. 13 years old. Katamtaman lang ang height ko. Hanggang beywang yung haba ng buhok ko. NBSB pa ako. Ayoko sa mga boys. Wag nyo nalang alamin kung bakit. Nakatutok lagi ako sa pag-aaral para sa future ko. Pero ano kaya feeling mainlove? Masaya ba? Malungkot ba? Parang gusto kong mainlove eh pero study first muna. Kailan kaya ako makakahanap ng tama para sa akin? Ano ba yung susundan ko? Study or Love ?
BINABASA MO ANG
Study First
Ficțiune adolescențiStudy First, kapag narinig mo to, gagawin mo talaga to. Pero Easy to hear and easier to say but hard to explain and harder to do. Pero merong isang babae ang nagfofocus sa pag-aaral. Siya ay si Erika Garcia. Siya yung ayaw bumagsak sa test, ayaw mag...