Hi. =)

112 1 0
                                    

*Next subject.. Filipino.. Room T711*

Kinakabahan ako.. wala akong kakilala dito, Sana mababaet. sana pati andun si kuyang matangkad. (lex) - Ayan lagi ang nasa utak ko nung mga araw na umpisa pa lang ng klase.. syempre, nakakahiya sa una, lalo na hindi mo sila kablock. minsan pa nga e. gusto kong umiyak kasi nakakamiss maging highschool. syempre, hindi ko pa gamay ang college life. pero masaya ako kasi another chapter ng buhay ko to! Yun nga lang.. sana, makasurvive ako Everyday! Whew.

"Hi.." (Sabi ni kuyang matangkad)

"Ahh.. Ehh.. Ako po ba?"

"Hindi, Yung upuan! HAHA. Joke lang. Miss, Pwedeng makitabi?"

"Uhmm.. "

"Ako nga pala si Lex. Ikaw?"

"Hindi pa nga kita pinapaupo e. "

(Sabay tayo sa kinakaupuan nya at ngumiti)

Haha. Joke lang.. Nikki nga pala.. Upo ka na. 

Buti na lang same subject ulit tayo.. Thankyou nga pala kanina ha?

Saan?

Sa pag pakopya sakin..

Sus, Okay lang po yun. Dapat po kasi gumawa ka ng assignment bago pumasok.. afternoon class naman tayo e.

Oo nga e. Nagka-emergency kasi samen kaya hindi ko nagawa. 

Aaah.

*Prof: Since hindi pa kayo magkakakilala.. Maghanap kayo ng kapareha.*

nagkakahiyaan pa kami nun e. pero syempre, wala pa naman kaming kilala. so.. kami na muna yung partners.. since sya naman unang nag approach. ako na nagsabing partners kame..

Uy, partners daw oh.. Partner na lang muna kita ha? Kung ayos lang.

Oo naman. 

*Prof: May nahanap na ba kayo? Kung meron na.. ang activity nyo ay.. "Dating"

Date for 1hour lang 'to wag nyo seryosohin. pero kayo na ang bahala. malalaki na kayo..

kailangan nyong malaman ang tungkol sa isa't isa.. Go out. mag lunch kayo together. Kung opposite sex ang partner nyo. much better. Diskarte nyo yan.. This will be your first project and activity. bilis ba masyado? That's Good. Welcome to college life.. Gawan nyo ng reaction paper. dapat lahat ng malalaman nyo sa partner nyo ay nakasulat sa bond paper, more info. the better. Okay? Submition.. next meeting! Class. Dismissed!*

San next class mo? tanong ni lex saken..

Wala, Last subject ko 'to for today..

ako din e. patingin ng COR mo. halos lahat pala ng subject mo classmate mo ko. san ka na nyan?

Uuwi na.. ikaw?

Uuwi na din.. Tara? Kaen muna tayo?

Ha? ahh.. eh..

Sige na.. Please? Para rin sa project naten to..

Sige na nga po..

It's Constipated..Where stories live. Discover now