The flow.

72 0 0
                                    

Time check.. 7:30am History... T612.

Hindi sya pumasok sa first subject namen, baka late? sana late.. nalungkot tuloy ako. lagi kasi syang nauuna sa klase e. pero ngayon, wala.. 

..

Hanggang matapos ang klase namen sa history, wala sya.. so, ako, hanap kasama..

sakto nagtext yung kaibigan ko. nasa foodcourt daw sila, punta daw ako. nung pababa ako ng hagdan.. nakasalubong ko sya. nginitian nya ako. syempre ngumiti na din ako. ayun lang.. No Hi, No Hello.. Parang wala lang.. napaisip tuloy ako, nananaginip lang ba ako kagabi? haayy.. Siguro nga.

Pag dating ko ng foodcourt, nakita ko na yung mga pupuntahan ko.

*Miyu: Uy, Hinahanap ka ni Lex ah? Kanina pa nga yun nakaupo dun oh.. mag isa, tapos nilapitan kami tinatanong ka..

"Ah. hayaan mo yun.. nagkasalubong nga kami e. pero wala naman sinabe.. 

*Rochelle, Tara. kaen na tayo?

"Sige.. Sige, Kayo na lang.. wala akong gana e?

*Rochelle: Sure ka?

*Miyu: Tara na..

"sige. Sige.. kayo na lang.. punta muna akong library ha?

*Rochelle: Osige..

Wala na nga.. pag tapos nun, Wala na. Sya na rin medyo lumalayo sakin, lagi kami nagkikita pero ngitian na lang.. pag sumapit ang gabi, Tumatawag sya. pero laging sa tawag na lang kami nagkakausap. ilang beses nya na rin sinabe saken na mahal nya ako, at ganun din ako sakanya.. pero minsan naman naguusap kami sa personal.. minsan sweet. minsan usapang tropa lang.. minsan wala, hindi na kami magkasama palagi.. hindi na rin nya ako tinatawagan ng random. basta tuwing gabi. oras namen yun.. Isang gabi, mukhang hindi nya ko tatawagan.. malapit na ang oras ng tulog nya. pero, naka line naman yun ah? ba't kaya? Dali dali akong lumabas at nagpaload nun, Nag unlicall ako..

*Hello..

*Uy, Hello. Oh? baket?

*Wala lang..

*Ba't hindi ka tumatawag?

*Ay.. Sorry. akala ko kasi tulog ka na..

*Aaahh.. Kumaen ka na?

*Oo..

*Matutulog ka na?

*Oo.. maya maya..

*aaah..

*Lex, May tanong ako..

*Alin yun?

*Ay. Hindi.. mag kkwento muna ako, tapos magtatanong ako..

*Sige.

kinakabahan ako.. baka sa bandang huli, pagkatapos ko sabihin sakanya 'to lahat.. masaktan ako. pano kung tuluyan nya akong iwan.. pano kung layuan nya ako? pano na ako?

*Ay.. nalimutan ko na..

*Hahaha.Sige alalahanin mo muna. uy, pasok ka ng maaga bukas ha? hintayin mo ko..

*Osige. uy, sige tulog na ko. goodnight.

*Goodnight..

It's Constipated..Where stories live. Discover now