The falldown..

50 0 0
                                    

Pero parang naglalaro yata ang kapalaran?

ilang buwan rin ang nakalipas..

Hindi na kami nagkita ng matapos yung araw na yun, hindi na kami nagusap. kahit sa text.. wala na, sinusubukan ko syang tawagan.. pero nagriring lang palagi, walang sumasagot. minsan binababa, minsan busy.. pakiramdam ko ayaw nya na ako makita, ayaw nya na ako makausap.. wala na e. para lang syang isang panaginip. napakagandang panaginip, pagkatapos nun.. wala na. para akong nagising sa isang masayang panaginip. na pag gising ko. iba na ang nangyayari, wala na yung taong nagsabing mahal nya ako. wala na yung taong akala ko totoo. pero hindi.. umasa lang pala ako..

isang beses, nagiwan ako ng message sa FB nya, Kinakamusta ko sya, sabi ko miss ko na sya. kita naman kami, hindi naman lumipas ang isang oras at nagreply sya. sabi nya sakin. okay lang sya.. sabi nya, masaya sya, ako daw? kung kamusta ako.. at sige daw. magkita daw kami sa isang mall sa recto, 12:30pm daw. natuwa ako.. at kinabukasan nun, nagkita kami..

hindi ko mabasa ang kanyang mukha, pinapakita nyang masaya sya.. pero parang pilit? parang hindi.. kumaen kami sa isang Fastfood. kung saan dun nagumpisa ang lahat.. Oo, Sa Mcdo. nagkamustahan kami, nagbalitaan, ayun nga.. medyo tinatamad daw syang magpapasok. pero hindi ko naman masingit yung kung anong meron kami.. sabay..

"kamusta tayo?"

What do you mean?

"Tayo."

Wala syang imik, hindi nagsalita. hindi sya kumibo, yung ngiti lang sa labi nya ang nakita ko.. pero wala syang reaction sa sinabe ko.

"Niks, May girlfriend na ko.. mag aanim na buwan na kami, niks.. sorry."

gusto kong magreklamo, gusto kong magalit, gusto kong magwala.. gusto kong umiyak, kaso hindi pwede, wala akong pinanghahawakan.. talo ako.

"Ha? Sorry ka dyan? Ayos lang! ano ka ba? Masaya ako! Uy, Ingatan mo yun ha? Ayy. oo nga pala. may lakad pa ako. una na ko sayo. Ingat ka. ingat kayo.. ay, akin na lang 'tong fries ha? Baka kasi mahaba byahe ko."

tumayo ako.. na parang walang narinig. umalis ng hindi ko manlang sya tinignan.. 

"niks.. sorry."

Sige na. una na talaga ako. 

hinawakan nya ang pulso ko, at tinawag nya ako..

"niks"

Lex, tama na.. ayoko ng masaktan.

"hindi ko ginustong saktan ka.. akala ko wala ng tayo.. akala ko kinalimutan mo na ako. lagi kong hinihintay ang text mo. ang tawag mo.. naghintay din ako. akala ko wala na,"

Walang tayo lex! Walang naging tayo! Walang "tayo" Satin! Ang meron lang, Ikaw! at Ako! Iba yun! Tama na! ayoko na! Kung masaya ka na! then, Masaya ako for you.. tama na.."

umalis na ako ng tuluyan.. hindi ko inakalang magiging masakit. dahil, kung anong meron kami dati.. ay isang simpleng bagay lang.. hindi mo masasabing aabot sa ganitong punto yung kung anong meron kami..

It's Constipated..Where stories live. Discover now