nung mga panahon na nilayuan ko sya akala ko mawawala yung feelings ko for him, pero.. mali ako, ba't ganun? parang mas lumala? parang naiilang ako sakanya. dati naman hindi ganun, dati kahit magkausap kami palagi okay lang, pero after nun, iba na.. ibang iba.. tapos, nagonline ako sa FB, Online sya! nagchat off ako.. pero nag PM sya sakin..
Lex: Nikki! :)
Nikki: Yes?
Lex: Wow! Nagreply! Parang mas gumanda tuloy yung araw! Ay. Hindi.. Ikaw lang pala yun..
Nikki: Tse! XD Mga walang kamatayang Banat ni lex! :)
Lex: Eh kasi naman eh. bati na nga tayo pero di naman namamansin. -__-"
Nikki: Syempre. Nakasanayan na. :)
Lex: :(
Nikki: :)
Lex: Diba may sasabihin ka sakin?
Nikki: Ay, Oo nga pala no? Haha, Hamuna. nakalimutan ko na din e.
Lex: Naalala mo pero nakalimutan mo. >.< Sige na nga. Sorry sa abala Bbye! Nikki!
Nikki: Bye. :)
Ayun na yun.. Parang wala lang? Pero.. Miss na miss ko na sya nun. Hindi ko alam pano ko pa ba kokontrolin tong nararamdman ako. pakiramdam ko masasaktan lang ako. pakiramdam ko, pinagttripan lang ako.. pakiramdam ko, pinapaasa nya lang ako.. sa wala.. ewan ko ba, masyado lang siguro akong assumera! Haayy.. pagkatapos nun..
*Brrr... Brrr.. Br... Brrrrr.. Brrrr. Brrrrrr. Brrrrrrrrrrrr!*
Yung cellphone ko nag vvibrate. May tumatawag.. Aw.. Si lex.
Hala, Sasagutin ko ba 'to? o kunwari tulog. kunwari hindi ko napansin..
*Hello?
*Hello..
*Baket?
*Wala lang.. miss ko na kasi boses mo.
*Ano ka ba.. parang hindi tayo nagkikita ah.
*eh wala e. antagal ko ng hindi narinig boses mo e.
*Aaahh..
. . . . . . .
*Uhm.. Nikki,
*po?
*Wala lang..
*Ano ba yun. Hahaha.. Oh, Kamusta ka naman..
*Ewan nga e?
*Aaaahh..
*Nikki..
*Po? HAHAHA.
*I love you..
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . Hindi ko alam yung sasabihin ko. nagulat ako. natuwa ako. pero natakot ako.. mahal nya ba talaga ako? O joke lang to? Baka akala nya mahal nya ko. o baka isa ako sa mga babaeng pag titripan neto.. Bahala na.
*Okay lang. Hindi ako naghahanap ng masasagot mo. basta para saken.. nasabi ko ang .. . (interupted by nikki)
*I love you too Lex.
*(continuation..) nararamdaman ko... ... Ha?!! Ano ulet??
*Ha?
*Hindi hindi.. Narinig ko na e! Gusto ko lang ulitin mo!
*Ang alin?
*Ulitin mo please? please? hahaha..
*Ano ka ba? hahahaha.. nako, gutom lang yan!
*Hindi ako gutom. at lalong hindi ako inaantok.. ano ulet? Ha?????! Please? Nikki.. please!
*sabi ko.. Magpapahinga na ako! Ikaw talaga..
*Sige na nga.. pero, Nikki. Mahal kita. Mahal talaga kita! promise.
*Sige na.. Sige na. Bye. :)
*I LOVE YOU!!!!!!
** End Call..**
Grabe, Para akong nabunutan ng isang daang pako! sarap sa feeling.. pero, pano na bukas? Mag ppretend ba ako na parang wala lang? kunwari hindi 'to nangyari? ano ng gagawin ko?
YOU ARE READING
It's Constipated..
Teen FictionIt's constipated Relationship; Isang bagong tawag sa bagong relasyong hirap ilabas ang nararamdaman sa isa't isa. Meaning.. "MA" Ma-hirap, Ma-Gulo, Ma-Labo at Ma-Syadong Imposible! Pero, sabi nga nila.. Nothing isa Impossible.. Well, We'll see. ;)...