Kinabukasan, Excited ako.. Pakiramdam ko magiging maganda 'tong araw na 'to.
Sa sobrang excited.. Halos naunahan ko pa yata yung ibang guards, kulang na lang e ako na magbukas ng school..
So ako, Eto Hintaaaay sa room..
Nakaidlip pa nga ako e. tapos narinig ko yung pinto ng room namen na bumukas. pag tingin ko, napangiti ako..
"Hi.. :)"
"Kanina kapa?"
"Hindi naman.."
"Aahh.."
Umupo sya sa tabi ko.. pero hindi nagsasalita.. --- Awkwaaaard...---
"Niks, Mahal kita... Huy, Narinig mo ba ako?"
"Ha?"
"Sabi ko.. Mahal kita."
"Ahh. Oo, Narinig kita.."
"Yun na yon?
"Ano ba dapat?"
"Wala.." Naramdaman ko yung lungkot nya.. napayuko sya nun.. na parang dissapointed, nilapit ko ang mukha ko sakanya.. at binulong..
"Mahal din kita Lex,"
Napatingin sya saken non.. ewan ko kung masaya sya o ano e..
"Ano? Pakiulet?"
"Nasabi ko na e! Wala na!"
"Hindi.. hindi.. Ulet.."
"Walaaaa!"
"sige na.. please.. please... please? luluhod ako. sige!"
"Edi lumuhod ka.. *... "Huy! Joke lang!! Eto naman oh.."
"Dali na.. I love you,,"
"I love you too."
"YES!!!!!"
"Yes ka dyan?!"
"Tayo na?"
"Ewan"...
Nung mga sandaling yun.. natuwa ako, kinilig.. parang, parang.. hayy. basta, Can't explain.. Basta ang alam ko.. Mahal ko si Lex, At mahal din ako ni lex..
simula ng araw na yun. lagi na kaming magkasama. lagi na kaming sabay umuwi. sabay pumasok.. sabay maglunch. Tapos, tumatambay kami sa rooftop. Dun, Doon nabuo ang "Lovestory" Namen.. Pero, Hindi kami.. "Super Friends" lang.. Parang.. MU? Pero.. More than? Parang kami.. Pero, No Title. Hindi ko masasabing "Open Relationship" Kasi. Walang confirmation. basta, Masaya ako with him. Sabi nya.. masaya din daw sya when kasama nya ako.. Yun nga lang.. Mahirap pang hawakan kung anong meron kami.. kasi, Anong panghahawakan ko? Kung wala namang "Kami".. Pag may nagustuhan syang iba. Wala akong magagawa, Pag iniwan nya ako bigla.. Wala na. Yun na yun. Friends with Benefits? Hindi naman siguro.. Posibleng pag tapos netong araw na to. wala na. pag nakahanap.. tapos. Ganun.. hirap diba? Pero, Wala naman akong choice e. eto na e.. Then, One day..
last 3 days na ng sem, after this sem. lilipat ako.. sinusulit na nameng dalawa yung days na magkasama kami kasi.. Lilipat na ako, At posibleng hindi na kami magkita..
"Mamimiss mo ba ako pag lumipat ako?"
"Oo naman.."
"Mamimiss kita niks.."
"Mamimiss din kita lex. Pakabaet ka dito ha?"
"Oo naman."
"Baka pag nagkasalubong tayo.. Hindi mo na ako pansinin? tapos pag nag Hi ako sayo, Snobin mo ko."
"Hindi no.. Tayo ka, tapos.. Sabihn mo "Hi" "
"Hi.."
"Hi Niiiiikssss!!! *Sabay buhat sa akin ng payakap. nagpaikot ikot kami habang magkahalik ang aming mga labi.. Unti unti nya akong binaba, at binulong.. "Ngayon pa lang.. miss na kita, pano pa kaya pag wala ka na sa tabi ko"
Niyakap nya ako, mahigpit na mahigpit.. naiyak ako, kasi.. iiwan ko sya, kailangan e. mapapalayo ako sa taong mahal ko. sa taong unang beses akong naging ganto. sa taong nagparamdam sakin na special ako.. na may magmamahal sakin ng ganun.. akala ko dati, hindi totoong may lalake sa panahon ngayon na ipapakitang mahal nya ako ng hindi ako kailangan daanin sa kung ano ano.. kung hindi sa pagmamahal lang at sa pagkakaibigan..
YOU ARE READING
It's Constipated..
Fiksi RemajaIt's constipated Relationship; Isang bagong tawag sa bagong relasyong hirap ilabas ang nararamdaman sa isa't isa. Meaning.. "MA" Ma-hirap, Ma-Gulo, Ma-Labo at Ma-Syadong Imposible! Pero, sabi nga nila.. Nothing isa Impossible.. Well, We'll see. ;)...