Nicole's POV
TGIF!! pero ang mas nakakatuwa, wala kaming pasok!! may conference kasi na inattendan ang mga teacher namin. kaya eto, pwedeng pwedeng mag hihilata sa kama hanggang mamaya.. haaaay, sarap naman..
nagpaikot ikot naman ako sa kama. sarap kasi pag mga ganitong pagkakataon, loooong weekend. I love it!! may pagkakataon na akong gumawa ng tambak tambak kong schoolworks at makakapag ayos na rin ako ng kwarto ko.
hmmm.. ako kaya una kong gagawin?
edi maglalaro! hahaha. maglalaro muna ako ng clash of clans. hehehe... baka kasi maunahan pa ako ng kapatid ko sa paglelevel up.
agad kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang COC na application. pagbukas ko, sakto, tapos na ung mga ginagawa kong towers.. naglaro lang ako ng naglaro hanggang sa di ko namalayan, tanghali na pala.
AT GUTOM NA AKO.. -___-
bumaba ako agad para kumain. sakto, naabutan ko si Tita Jops na nag hahain na ng pananghalian at nakaupo na sa kainan ang dalawa kong kapatid. sya yung nag aalaga saming magkakapatid. si mama kasi, pumapasok sa opisina. si papa naman nasa africa, nanghuhuli ng leon.. hahaha.. ako ang panganay saming tatlo. yung sumunod sakin, si Mico, grade 4. sobrang sungit at parang lageng galit sa mundo. ang bunso naman namin si Lyzah, grade 3 palang. super lambing, masiyahin pero may pagkamataray din. ewan ko ba kung kanino kami lahat nag mana... siguro kay mama.. hehehe
"hi tita!!" panggugulat ko kay tita. nagulat naman sya. hahaha... nakaisa nanaman ako. gustong gusto ko kasing ginugulat si tita. nakakatawa mga expressions nia.
"ay pw*t ng kalabaw!!" sigaw ni tita
"asan tita?? asaan???" kunwari nag hahanap ako..
"batang to!! ang hilig hilig mong mang gulat! paluin kita ng sandok eh." pagbabanta nia, sabay ngiti. pati sya natatawa sa sinabi nia.
"hahaha, ikaw naman. lambing lang naman un ehh" niyakap ko sya. "ano ba yang niluto mo? amoy palang ulam na eh.."
"asus, nang uto nanaman sya. kare kare po, paborito nyo." sabi ni tita.
"yun oh!!! mapaparami nanaman kakainin ko neto. kaya ako tumataba eh!!" pagrereklamo ko.
naupo na ako para kumain.
"edi wag kang kumain!! walang pumupilit sayo. " si tita pero nakangiti naman.
"ayoko na... bukas na ang diet!"
"oh sya kumain na. asikasuhin mo na yang mga kapatid mo."
"ok!"
at kumain na kami. sarap talaga mag luto ng tita ko!! hehe.. busog nanaman ako.
after ko kumain, nanood ako ng tv. kaso, walang magandang palabas kaya pumasok nalang ako sa kwarto ko. maglalaro nalang ako ng clash of clans ulit.
habang naglalaro ako, biglang may nag txt sakin. hmm. sino kaya to?
hi
si alex.
aba, nagtext nanaman to.
me: hello.
alex: may ginagawa ka?
me: wala naman. bakit?
YOU ARE READING
You Make Me Feel Again
Teen FictionNicole Fuentes, isang babaeng mataray, feelingera at super yabang. Yan ang pagkakakilala sa kanya sa buong school. Bago palang sya sa St. Peter' s Academy pero marami nang may ayaw sa kanya. Nagkaroon sya ng dalawang kaibigan, si Kiera Montez at si...