kinabukasan, bago mag uwian...
Nicole's POV
"mga besh, dako makakasabay ngayon sa paguwi ah.. " sabi ko kila kier at abi.
"at bakit?" tanong naman ni kier "siguro may date ka ano!!! sino yan?? sino yan??"
etong mga to, di lang makasabay, may date na agad?? di ba pwedeng may papatayin lang??
"adik ka talaga kier!! may aasikasuhin lang ako.. mag babayad ang james na yan."
"nakoooo!! baka mamaya kayo pa mag katuluyan ah!! ayiiieee.. " pang aasar naman ni kier.
"oo nga nic, bagay kayo ni james.. :)" gatong pa ni abi
ang mga to talaga... kung ano anong pinag sasasabi..yuck.. kaderder.. d ko type ang isang mayabang at playboy na katulad nun.
infairness naman kc kay james, gwapo sya... madami ngang girls ang naghuhumaling dun eh.. kaya aun, lumaki ng lumaki ang ulo. buti nalang at pag dating sakin eh tiklop sya.. takot nia lang sakin. hahaha.
"kayong dalawa, mag siuwian na nga kayo.. bukas ko na sasabihin kung pano ko binalatan ng buhay si james.. hehehe" pag bibiro ko sa kanila
"brutal mo talaga nic.. hahaha... kawawang james" iiling iling na sabi ni kier.
"ganun talaga. oh sya alis na ako. baka andun na ang mokong na iyon" nauna na akong umalis sa kanila.
dumaan muna ako ng canteen para bumili ng merienda. tomguts na kasi ako eh. sakto naman andun yung kachickahan kong tindera sa canteen, si aling lordes. ayos, libre nanaman sa merienda.
pagkatapos ko kumain, nagpaalam na din ako kay aling lordes..
"oh sya, aling lordes, alis na po ako. puntahan ko lang po ung kaibigan ko sa garden.. baka kanina payun nandun eh.. hehehe"
"eto talagang batang to, ang hilig magpahintay.. oh sya sige.. magingat ka.."
"sige po!! salamat po sa merienda!!"
"sige.."
masaya naman na akong umalis, aba ikaw ba naman ang mabusog, libre pa.. ibang klase talaga si aling lordes. kaya lab na lab ko yun eh..
habang naglalakad ako, naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko, kaya kinuha at tinignan ko. baka si james na to..
pagtingin ko, may 3 messages at 4 missed calls
where are you?
hey!! i'm here!!
where the hell are you?? kanina pa ako tawag ng tawag.
aba, demanding ang uod na to, atat mabugbog.. sipain ko to eh..
"hmmpf!! bahala ka jan!!" sabi ko nalang sa sarili ko..
halos wala nang tao sa school. pano ba naman 30 mins na after ng uwian, malamang ang mga tao nakauwi na. kaya naman papito pito pa akong nag lalakad sa quandrangle..
nung malapit na ako sa garden, nakita ko na agad ung uod, nakatalikod.
"hehe, kala mo ah.. tataguan kita.." sabi ko sa sarili ko.. kala nia sya lang ang mantitrip.
nagtago ako sa isang malapit na poste. sumilip silip ako sa kanya.
teka, pang tumangkad sya, tsaka, parang pumuti.
pinagmasdan ko lang sya. hanggang sa humarap sya, nanlaki mata ko.
OMG!!!!!!!!!!!!!!!! tama ba nakikita ko?? o nag hahalucinate na ako??
Si ALEXANDER DIZON YUN!!!!!!!! ANG ALEX NI ABI..
kumakabog kabog ang dibdib ko. ilang segundo pa akong nakatingin, nang biglang nagtama ang mata namin. napatago naman ako agad!
nakita nia kaya ako??? kailangan ko nang umalis lagot na..
"hey you!!" si alex
syet, nakita nga nia ako!! dali dali akong tumakbo papalayo.
"hey!!! wait!! ikaw ba yung.."
d ko na sya pinansin at di ko na rin sya tinignan. tumakbo ako palabas ng school. nung nakalayo na ako, txka lang ako tumigil.
grabe. d ko akalaing si alex un. di pala talaga sya nagsisinungaling.
huminga ako ng malalim. at nag lakad pauwi. buti nalang at hindi nia ako hinabol.
************************************************ Alex's POV uwian na, at makikita ko na rin yung tumatawag saking higad. kanina ko pa iniisip kung ano nalang sasabihin nia kung ako ang makita nia. panigurado, magsosorry un. pumunta ako ng garden right after dismisal. sigurado andun na un. pero nagulat naman ako nang makita kong walang ato sa garden.
"wala parin? ano ba yan. matxt nga.."
naghintay lang ako. ang tagal... tinawagan at tinext ko na pero hindi naman sumasagot. inindian ata ako... baka nalaman na niang ako talaga nagtetext sa kanya kaya natakot.. tsk. mga tao nga naman.
paalis na sana ako ang may nakita akong studyanteng nagtatago sa may poste... mukang nagulat sya nung nakita ko sya, kaya nagtago ulit.
"hey you!!"
lalapitan ko na sana kaso biglang nagtatatakbo.
"hey!!! wait!! ikaw ba yung.."
d na ako natapos sa pagsasalita, nakalayo na sya
ano ba yan, sya siguro yung nag tetext sakin..
bat sya nagtatatakbo nung nakita niya ako? bat kaya nya ako tinawagan kahapon? anong kailangan nia saakin?
hmm.. malalaman ko rin. sa ngayon, mag eenjoy nalang muna ako sa nangyayari.. this will keep me busy..
***********************
A/N: ano pong masasabi nio?? Please comment po kayo para alam ko po kung anong say nio.. Thanks for reading.. :)

BINABASA MO ANG
You Make Me Feel Again
Teen FictionNicole Fuentes, isang babaeng mataray, feelingera at super yabang. Yan ang pagkakakilala sa kanya sa buong school. Bago palang sya sa St. Peter' s Academy pero marami nang may ayaw sa kanya. Nagkaroon sya ng dalawang kaibigan, si Kiera Montez at si...