awitan mo ako

37 3 2
                                    


Awitan mo ako ngayong gabe

Upang ang kalungkutang aking nadaramay

Mapawi ng himig mong kay tamis

At ang sugat na inukit ng mapait na nakaraan

Ay maghilom sa sakit ng kahapdian

Awitan mo ako ngayong gabe

Upang ang mga pangamba ko'y maibsan

At mga maskara ng pagdududang paulit ulit

Ay mabura ng katotohanang nagpapalaya.

Ang tinig ng iyong malambing na pagkanta

At ang kislap ng mapupungay mong mga mata

Nagbibigay ng liwanag sa gabe ng karimlan

Tulad ng bahagharing nagkukubli sa mga ulap

Na kumukulay sa kalangitan matapos ang ulan.

Sa bawat taludtod na iying binabanggit

Damdamin ko'y lubos na nagagalak

Awitan mo ako ngayong gabi

At ako'y iyong iduyan sa agos ng kamalayan.

Manry G


the spires and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon