Chapter 1

892 52 9
                                    

'Roses are Red
Violets are Blue
Mahal kita
sana ganon din sayo'

Nakatanaw ako ngayon sa madilim na mga ulap, na ilang saglit na lang ay mukang lalabas na ng mga mabibigat na mga tubig ulan.

"Uno! kunin mo na nga yung mga damit na nilabahan natin kanina, mukang uulan mamaya eh"  Ng narinig ko ang boses ni Peter na mukang nag aalala sa mga nilabhan niya.

Uno! Uno! UNOOOO!!! ulit niya pa at bigal akong natauhan

Saaabiii koooo kuuuniiiin  mooo yuuung mgaaa niiilaaabhaaan naaatiiin kanina...kaaasii muuukaang uuuullaaaan maaamaaayaaa"
with slow motion pa tung isang tu eh

dali-dali akong lumabas ng tent at kinuha ko ang mga damit namin na nakasampay sa isang kulay dilaw na lubid. Ngayon ko lang ulit naramdaman na nandito pala kami ngayon sa isang Spiritual/camping ng mga youth sa isang religious group na kinabibilangan ng ate ni Peter at pinasama niya lang kami kahit ayaw naman talaga namin. no choice eh baka kung di na kami abutin ng umaga kapag di main siya susundin.

Ako si Uno Adrien Montez, isang binata na di naniniwala sa True Love at First love blah blah..isa lang ang pinaniniwalaan ko LUST!! hihihihi #playboy
with matching demon look hihihihi

Maraming na a-attract sa akin sa University namin. may mga makakapal akong kilay , matangkad, medyo maputi rin naman, may matangos na ilong, at mapormang katawa. isa rin akong athlete sa University. isa akong Track and Field player na pinamana sa akin ni papa. pero dahil sa isang masamang tahedya na nangyari namatay si papa five years ago siguro yun talaga ang Fate ni papa kaya ngayon wala na siya na palaging nagbibigay ng mga good advices sa akin at kahit nag-iisang anak lang ako si papa talaga ang pinaka close ko sa lahat.

Kaya simula ng mamatay si Papa,Si mama nalang ang naiwan at  tumayong magulang ko. Gusto nya akong palakihin ng mabuti, pero sa kasamaang palad naging isa akong manhid. HAHAHA.. suplado, at lahat ng pangit na ugali ay na sa akin na di ko masyadong ni rerespeto si mama dahil yun nga di talaga kami close minsan kasi maypagka strict si mama plus yung ugali pa niya na kill joy grrr.. HAHAHAHA #Idontcare

Simula ng mamatay si papa naging miserable ang buhay ko, not financially but emotionally, and spiritually. Si mama nagkaroon  ng ibang pamilya at doon na rin kami nanirahan sa bagong pamilya niya sa Mindanao. medyo nawala rin ang attention ni mama sa akin kasi alam niya na di na niya ako ma tutuwid pa pero atleast di niya ako iniwang mag-isaMaganda rin naman ang pakikitungo ng Asawa ni mama sa akin, na si Tito Mateo Lopez, nag pakasal sila ni mama after 5 years na ilibing si papa, alam ni mama na masakit para sa akin iyon parang di niya man lang inisip na 5 years palang namatay si papa pinalitan niya na sa iba pero kinaya ko na lang dahil nakikita ko naman si mama na masaya na rin sa piling ni Tito Mat, pinalitan na din ni mama ang apelyedo niya sa Lopez pero di ako sumang-ayon ng apelyedo ko ang papalitan

'Magiging Montez ako habang buhay! ipapamana ko sa mga susunod na lahi ko ang Montez, at kahit kailan hinding-hindi ako magiging Lopez' BWAHAHAHA #natameme

Ng pakasalan ni mama si tito Mateo, doon na nalaman ni mama na may dalawang anak si tito sa unang asawa nito, dahil ang alam ni mama binata palang si tito Mat, Ngunit hindi naging balakid sa pag-iibigan nila ang sariwang nakaraan nito datapwa't naging masaya pa si mama dahil may lalaki at babaeng kambal sila na anak.

Kahit alam naman ni Mama na anak iyon ni tito sa una nitong asawa. sa kasamaang palad di ko talaga close ang kambal nag uusap lang kami kapag may kailangan sa isa't isa.

Nagpapasalamat naman ako kay tito dahil naging maganda rin naman ang buhay namin ni mama. Wala kami o akong problema sa tuition at allowance ko sa pag-aaral, dahil na sanay na rin ako sa marangyang buhay, at dahil sa lumipat kami ng bahay lumipat na rin ako ng paaralan tinustusan naman ni Tito mat ang pagkukulang ni papa sa akin dati simula noong namatay siya, pero kahit ganon di ko parin maramdaman na ama na ang turing ko sa kaniya.

Ngayon dito ako nag-aaral sa Mindanao state University. medyo malayo sa San Carlos kung saan kasalukuyan kaming naka tira, kaya nag do-dorm ako at doon ko na rin nakilala si Peter Alvarez na matalik kong kaibigan. si Peter na pinaka close ko sa lahat ng kaibigan ko, naramdaman ko sa kaniya na di ako nag iisa, parang walang kulang sa akin kapag kasama ko si Peter.. nalaman ko din na galing pala sa manila si Peter at may bahay sila dati doon. pinakita niya sa akin dati ang Picture ng bahay nila baka daw kasi nakita ko dati noong nakatira pa kami doon.. pero hindi ko talaga alam eh HAHAHA..

"Uns uuwi na tayo bukas! haysst thank you very much we can go clubbing na"  Bigla kong naalala yung schedule namin ni Peter na every Wednesday magclu-clubbing kami although halos limang buwan na kami costumer ng skybar, di pa rin ako kontento dahil sa pagka playboy ko. I don't respect girls actually except my mother (medyo) hihihi..

"kaya nga Pete eh naiirita na rin ako sa Camping na tu. Ate mo kasi eh pinasama pa tayo"  Sagot ko.

"Eh yaan mo na si ate  kung di natin siya susundin baka patay na tayo di na tayo makakakita ng mga chix at alam mo naman kasi diba na simula noong may trahedyang nangyari sa buhay niya, that past of her gave her a really big lesson na hinding-hindi nya makakalimutan forever, kaya since then she is so relihiyoso na kulang na lang eh maging  pastora siya" Sagot ni Peter, with action pa mag salita.

"What happend to her pala Pete?"  Tanong ko na may pagtataka sa mukha
"Di ko alam. di naman siya nag shashare eh and besides di kami that close"  With pa cross pa ng index at middle fingers niya.

Tuesday ngayon ng umaga mabilis kaming naligo ni Peter sa ilog dahil maya-maya ay byabyahe na kami pauwi ng San Carlos.

Naliligo kami ni Peter ng may nakita akong kumikinang na bagay sa ilalim ng Tubig.

dahil medyo may pagka swimmer di naman ako...HIHIHI... di lang ako marunong tumakbo... marunong din naman akong lumangoy...(medyo) HAHAHA

kinuha ko ang kumikinang na bagay at namalayan ko na isa pala itong Pocket Watch.

Medyo madumi at malumot dahil siguro sa matagal na pagka babad sa tubig. binuksan ko ito at nakita ko ang isang litrato ng lalaki sa luob.. di naman ito nabasa dahil may glass na nakatakip sa litrato at umaandar pa ang mga kamay ng orasan.. bigla akong nag taka.. bakit umaandar pa tu??

Napansin ko ang mukha ng litrato sa pocket watch. may makakapal itong kilay at matangos na ilong. may bigot rin ito na di gaani kakapal.

Nagulat ako ng marealize ko na.......

AKO!!!....

ako ang nasa picture na yun.

dali-dali kong itinago ang pocket watch at di ko muna ito pina alam kay Peter.

Di kasi mapagkatiwalan ang mokong na yun pagdating sa mga mysterious thingy sa buhay ko.


__________________________

proceed to chapter two.. dont forget to vote for my book salamat po talaga. follow niyo din po ako if nagandahan kayo sa novel na tu maraming salamat po

GUYSS FOLLOW NIYO ANG ACCOUNT NA ETO Zenniphobia account ko po iyan.. sana po eh follow niyo ako ^__^ maraming salamat

-Z

Tommorow AFTER Tomorrow (future tense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon