Chapter 3

182 24 8
                                    

2019 to 2180?? isang century  ata ang layo noon? my goodness! anong nagyayari??

Naguguluhan ako sa mga nangyayari, di ko alam ang gagawin ko. Gusto ko sanang itapon ang calendar at pocket watch na iyon. Pero di ko magawa... bakit?! ang weird neto!

Biglang tumunog ang cellphone ko.. pahiwatig na may nag text sa akin. Binuksan ko iton at nakita kong si Peter ang nag text.

"Uno 8am tomorrow here sa bahay ha! hangout tayo..pupunta din sila Josh at Lex, at dapat pumunta ka rin! Love you bro! heart heartss muaaah!"  Yukssss! mokong tu..

Itinago ko na lang ang ulit sa drawer ko ang pocket watch ay calendar.

Kinaumagahan pumunta ako kina Peter. mga 8:30 am na ata yun. pagdating ko sa bahay nila nakita ko na ako na lang ang hinihintay nilang tatlo.

"Dude! why so tagal? 8am yung usapan eh.. palagi ka na lang late pag  may usapan tayo.. bakit?"  sabagay mukang pinaghintay ko naman talaga ulit sila kagaya noong isang gabi.. hehe..

"Late na ako na gising dude eh, sorry talaga"  haysst ang hirap naman mag palusot.

Habang nag kukwentuhan sila may napansin akong litrato sa harap namin sa taas ng tv nila peter. parang ang catchy naman ng pwesto ng frame na yun sa taas ng tv? awesome!..

"Pete? Sino yung nasa Frame na yun?" Naka black and white ang color ng picture ng babae sa frame. parang sinaunang panahon ata ang theme ni ate eh.

"oh that? she's just no body, she's a step sister of my mother, so in short.. she's my step auntie.. HAHAHA sabagay ang close nila ni mommy kaya may picture talaga siya dito sa bahay pero di ko na siya na abutan eh"

Auntie ni Peter yung babae? pero bakit parang may kakaiba akong nararamdaman sa kanya?

"Pete? saan na ngayon yang step auntie mo?" tanong ko kay peter.. hahabaan ko pa sana anh tanong ko kaso biglang nag salita ang dalawang mokong na kasama namin.

"wew! dude! type mo ba siya Uno?"  sabay na tanong ni Lex at Josh sa akin. Bigla naman nagsalita si Peter

"Uns.. don't even think about it! matagal ng wala si auntie Sierra. Sabi ng ibang kapatid ni mommy eh bigla na lang daw siyang nawala na parang bula, di naman siya namatay, kasi bago siya nawala nag celebrate pa sila nila mama ng birthday niya and the next day nawala na siya like a bubbles" nagulat ako sa sinabi ni Peter. Parang ang serious na namin lahat dito. Ang kanina lang na nag lolokohan na sina Josh at Lex ay bigla na rin umiba ang awra ng mukha.

"Di ba siya pinahanap ng pamilya mo?" Tanong ni Lex kay Peter.

"well pinahanap siya for 5 years pero wala eh, after that sumuko na lang sila mommy sa paghahanap sa kaniya at pinalabas na lang na namatay si auntie sierra at kinalimutan ang mga alaala niya" Sagot ni Peter kay Lex.

Madami kaming ginawa sa bahay nila Peter dahil wala si mommy at daddy nya, kaya free kaming mag hangout. 4pm na ako nakauwi sa bahay besides wala naman sila mama, ang mga kasambahay lang nila ang kasama ko dito. Umakyat ako agad papuntang kwarto ko.

Pagdating ko sa kwarto, kinuha ko ulit sa drawer ang pocket watch and calendar. binuksan ko ang pocket at ginalaw ang kamay ng orasan dineretso ko sa 9 o clock nagulat ako ng biglang dumilim at lumalim ang gabi, pero hinahawakan ko parin ang pocket watch hanggang ngayon, tinanong ko si Yaya yo kung anong oras na sumagot naman siya na alasnuwebe na ng gabi..tinanong niya naman ako kung bakit ang aga ko pa daw umuwi, sabagay minsan madaling araw na akong umuwi galing sa club kaya siguro nagulat si Yaya. Mukang di rin napansin ni Yaya na dumeretso ang ang oras.

Calendar ngayon ang hawak ko, Nilapag ko muna ang pocket watch sa gilig ng kamay ko na nakahawak sa calendar. Nakita kong nasa December 2019 naka open ang calendar... iniba ko ang page ng Calendar sa August 2100.

Nagulat ako ng umiba ang mukha ng kwarto ko, parang nasa isa akong Condo unit. di kalayuan makikitang naka bukas ang ilaw sa kusina nag silid na iyo, at tanging isang lamp lang ang bumibigay ng liwanag sa pwesto ko na nakatungtung sa isang table na may tatlong drawer na nagkakasunod.

Maraming mga charcoal paintings sa dingding ng kwarto ko na may pirma na medyo nahahawig din naman sa akin.. wait! what?!  sinong gumawa nito? naalala ko dati sabay kaming nag chacharcoal painting ni papa tapos magpagandahan kami kung sino yung pipiliin ni mama na mas maganda.. hahaha .. hayst  I miss him so much..

saang lugar ba talaga ako? naguguluhan na kasi ako sa mga nangyayari! does it really means from 2019 to 2100?! so dapat patay na ako ngayon kasi 22nd century na tu eh.. what the!

Di kalayuan ng kama na kinauupuan ko., may nakita akong papel naparang may lamang sulat, tumayo ako at kinuha ito.. nagulat ako sa nabasa ko.

To: Mr. Uno  Adrien Montez
      Metro Manila, Galaxy, Condominium Unit , Bld. 907

From:  Unknown

whuut?!!! .. nasa Luzon ako ngayon?

Binuksan ko ang sulat at binasa ito. mukang para talaga sa akin tu eh.

"Mr. Montez!  alam naming di ka taga dito! Di kana makakabalik sa panahon mo hangga't hindi mo alam kung paano bumalik"

-Unknown

"Whuut?! so forever na ako dito kapag di ko malalaman kong paano ako makakabalik? haysst! struggle is real! paano na tu? pakelamero ka kasi uno di sa'yo yung gamit na yun eh bat pinake alaman mo? see? alam mo na kung anong nangyayari sa mga pakealamerong katulad mo!

Ano na kaya ang nangyari kay mama?, kay tito?, kay Rah-rah?, kay Ruh-ruh? saan na sila ngayon?

Nakita kong may cellphone sa gilid ng kama ko na naka patong sa table kung saan naka patong din yung lamp. Kinuha ko ito at binuksan.. pag bukas ko ay nakita kong may password ang phone. Hindi ko naman alam kung anong ilalagay ko? baka mamaya ma PUK pa yung cellphone.. tinry kong ilagay yung birthdate ko

51093

Di naman ako nabigo dahil na buksan ko ito.. ang galing ko Mhen! BWAHAHAHA!!..... habang nag sisigaw ako sa saya nagulat ako ng may boses na nagsalita banda sa kusina ng Condo unit.

"uhmm? who's that? may ibang tao ba dito?" hala bat parang kaboses ko ata yun ah mas medyo malalim lang ang boses niya at mas manly pakinggan.

Nagulat ako ng parang lumalapit siya sa akin, dahil medyo madilim ang paligid, ang lampara lang sa gilid ko ang nagbibigay liwanag sa pwesto ko.

Narinig ko ang hakbang niya papalapit sa akin, parang nanginginig ako sa takot. Nagulat ako ng nailawan ang kaniyang mukha!..

Nakita kong.. Siya yung!....

LALAKI sa picture sa loob ng Pocket watch!

~Well hi po ulit another chapter is done.. salamat po
sa supporta, alam ko pong di pa gaano ka famous ang aking akda, pero nagpapasalamat po ako sa walang tigil na pagsusuporta.

Sana po ay di kayo magbago at susuportahan niyo habang buhay ang aking susunod pa na gagawing libro salamat po ulit~

-Z

Tommorow AFTER Tomorrow (future tense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon