Chapter 11

91 16 0
                                    

[Broken hearts 11]

Gabi ng ihatid ko si Zarina at hanggang ngayon ay di parin nawawala ang saya sa mukha ko, madaming nangyari kanina sa amin sa dagat, at lahat ng iyon ay ibabaon ko sa alaala ko hanggang makabalik na ako sa panahon ko.

Sinabi niya rin sa akin na Pinsan niya ang lalaking nakita namin na natataranta noong una ko siyang ihatid sa bahay nila, tapos si Papa niya yung lalaking nagalit sa kaniya sa dagat noong una niya akong ipasyal dito, sinabi niya rin na kung maaari ay itago daw muna namin ang status namin ngayon sa pamilya niya.

Sinabi niya rin na magkikita kami bukas dahil sasamahan ko daw siyang maghanap ng trabaho sa main town ng Lerba kahit part time lang daw, kaya ngayon ay nakaka ramdam na naman ako ng excitement. Pag dating ko sa bahay ay nagluluto si Marcus ng ulam namin ngayong gabi, agad naman akong pumunta sa kaniya at umupo sa lamesa.

" O nandito kana pala? how was the date?" Tanong ni Marcus sa akin habang naka harap pa rin sa niluluto niya.

"Well? it was good. at Nanliligaw na ako sa kaniya!!" Excited na sabi ko kay Marcus, bigla namang lumaki ang mata niya at tiningnan ako.

"Congrats kuya! pero di ka ba nababahala na nainlove ka sa isang babae na taga future? tapos ikaw taga 21st century pa?" tanong naman sa akin ni Marcus.

May point naman si Marcus dahil na inlove ako sa babaeng hindi ko kaparehas ng Mundo, at hindi alam yun ni Zarina, alam ko din na maiiwan ko si Zarina kapag bumalik na ako sa taong 2019.

"Well of cpurse nalulungkot ako. pero wag na nating isipin muna yun ang isipin natin ay ang ngayon hindi ang future okay?" sagot ko kay Marcus naka smile ang pag sagot ko sa kaniya pero sa loob ng puso ko malungkot ako dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko maaaring makasama si Zarina sa panahon ko.

After naming kumain ni Marcus na Isipan kong gumawa ng diary para kapag bumalik na ako kay ibibigay ko ito sa nakatatandang kapatid ko at sasabihan ko siyang ibigay ita sa Apo ng Apo niya upang maibigay ni Marcus ang diary ko kay Zarina sa panahong ito sa susunod.

Tamang-tama naman dahil may binigay sa akin si Marcus na Diary book, sabi niya gamitin ko daw tu para maalala niya ako kapag bumalik na ako, binili niya daw yung diary kanina sa main town ng Lerba, naisipan naman niya na ibigay ito sa akin.

Nandito ako ngayon sa kwarto namin ni Marcus sa gilid ng binta at nagsusulat sa diary na binigay sa akin ni Marcus kanina.

Dear diary

(September 10, 2100)

ako nga pala si Uno, nandito ako ngayon sa 22nd century at kasama ko sa iisang bahay ang Apo sa Apo ng nakakatadang kapatid ko na hindi ko nakilala, at hindi ko alam kong bakit itinago iyon ng aking mga magulang sa akin, mabait ang Apo sa Apo ng kapatid ko, siya ang nagpapakain dito sa akin sa panahong ito.

Simula ng napunta ako sa panahong ito, dito ko nalaman kung ano ang ibigsabihin ng Pag-ibig, naramdaman at naranasa ko na din ngayon ang pagmamahal subalit mali ang taong minamahal ko dahil hindi kami pareho ng panahon, alam kong hindi ko siya makakasama sa pagbalik ko, pero nagpapasalamat ako dahil nakilala ko ang babaeng iyon.

I confess to her what I feel about her kanina, at doon ko na laman na pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa, at ngayon ay nililigawan ko siya, alam kong hindi ako gusto ng Papa niya para sa kaniya, pero kagaya ng sinabi ni Marcus kailangan kong ipaglaban and babaeng mahal ko, at ganoon ang gagawin ko sa kaniya Ipaglalaban ko siya kahit anong mangyari kahit magkaiba man ang aming Mundo, Mahal kita Zarina Quin.

Nagmamahal

Uno Montez.

______________________

Tommorow AFTER Tomorrow (future tense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon