Pekeng Hesukristo

381 13 0
                                    

Sa mga kapatid nating Kristiyano, isa din ba kayo sa mga naniwalang ang imahe ni Hesus na nakikita natin sa mga simbahan (especially sa Catholic Church) o saan mang lugar na may imahe ni Kristo ay tunay na mukha niya? Lingid sa kaalaman ng iba, hindi po talaga si Kristo ang mga nakikita nating litrato kundi sa katauhan ng isang European. Siya ay si Cesare Borgia, anak ni Rodrigo Borgia o si Pope Alexander VI. 
-
Pero saan nga ba nag-umpisa kung bakit ganon nalang kumalat ang nasabing imahe ni Hesukristo na luminlang sa iilang Kristiyano sa buong mundo? Sige ito at ikikwento ko. Lahat naman ata sa atin siguro ay kilala si Leonardo Da Vinci, isa sa mga sikat na pintor hindi lang dahil sa mga naipinta niyang obra kundi pati na rin sa mga imbensyon na kanyang ginawa na talaga namang kapakipakinabang. Teka, bakit naisingit ko si Da Vinci dito? Syempre, may kinalaman siya. Ganito kasi yun, Si Da Vinci at si Cesare Borgia ay may kaugnayan. Si Da Vinci ay ang kanyang architect at mismong engineer. Pero hindi pa natatapos dun. Si Da Vinci ay may pagtingin kay Cesare Borgia. Yes, tama ang iniisip niyo! Bisexual po si Da Vinci at kung nabasa niyo ang kanyang talambuhay may mga kachurvahan ang ating bes. Sa sobrang mahal ni Da Vinci si Cesare eh madaming naipinta si Da Vinci ng mukha nito. 
-
Sa pangunguna ng Catholic Church Elite, ang imahe ni Cesare Borgia ay ginawang portrayed ni Hesukristo sa tulong din ng kanyang amang Santo Papa. May mga haka-haka o sabi-sabi na ginawa nila iyon para palabasin na si Hesukristo ay isang European at hindi isang Hebrew.
-
Hindi alam ng karamihan noong Renaisance period na may isang kompetisyon kung saan naglaban si Leonardo Da Vinci at ang well known na si Michaelangelo. Sila ay nagpasiklaban sa kung sino ang makakapagpamangha sa Hari sa pagpinta ng portray ni Hesukristo. In which Leonardo Da Vinci won the competition. Ayon sa mga historians, ang tunay na Jesus ay dark brown ang kutis dahil isa nga siyang Hebrew.

Creepy FactsWhere stories live. Discover now