Dating Alaala

390 5 0
                                    

Entry #1

Wag kayong judger hmpk. broken ako kaya nagawa to HAHAHAHAHA

__________________________________


"Dating Alaala"

Nagsimula tayong masaya.
Akala ko nung una wala ng katapusan ang saya nating dalawa.
Ipinakita mo kasi sakin na hindi ka magsasawa.
Na hindi ka mawawala.
At kasabay ng pag mamahalan nating ito ang mga pangako nating inilaan para sa isa't isa.

Ang dami nating pangako.
Pangako? Pangako na para bang malapit ng mapako.
Sabay nating binigkas ang mga ito.
Ngunit parang ngayon ako nalang ang sumasambit sa lahat ng ito.
Ako nalang ang nagpapakatatag para maging okay tayo.
Para maging okay ang lahat ng sa'tin at lalo na sa'yo.
Kasabay ng ating mga pangako ang ating mga pangarap na ngayo'y hindi ko na alam kung saan nagtungo.
Kung saan napunta. Kung bakit nahinto!

Dati hindi ka naman ganyan,
Dati hindi mo ko kayang saktan,
Dati ayaw mo akong nakikitang luhaan,
Dati lahat ginagawa mo para lang gumaan ang aking pakiramdam.

Pero bakit ganun? Bakit bigla ka nalang nagbago?
Lahat ng dating kinasanayan natin ay para bang naglaho.
Samantalang sabay nating hinarap lahat ng mga pagsubok na dumating sa relasyon na to!
Bakit ngayon ako nalang mag isang lumalaban at di sumusuko!

Lagi mong sinasabi na okay lang.
Talaga bang okay lang?
O sadyang ayaw mo lang pag usapan?
Siguro nga wala ka pang oras para pag usapan lahat ng yan.
Nandito lang ako mag aantay ng oras mo pag gusto mo ng ilaan sakin lahat ng yan.

Pero bago un pwede bang sabihin mo muna sakin?
Pwede bang aminin mo muna sakin?
Aminin mo sakin na hindi mo na kaya!
Na gusto mo na kong iwan pero hindi mo lang kaya.
Gusto mo lang bumitaw pero lagi kang naaawa.
Mahal magpakatotoo ka!

Ayos lang naman sa'kin na bumitaw ka.
Ayos lang naman sa'kin na maghanap ka ng iba pa.
Ayos lang naman sa'kin dahil mahal na mahal kita.
Ako na siguro tong tanga!
Ako na nga tong sinasaktan ako pa tong nagpapasensya.
Pag dating kasi sa'yo lagi nalang akong tumatabla!
Lagi nalang akong mahina pag dating sa ating dalawa.

Siguro nga napagod ka lang sa aking mga pinag gagagawa.
Siguro nga sawa ka ng intindihin ang mga mali mali kong hinala.
Siguro nga nararamdaman mo na para kitang binabalewala.
Siguro nga ang dami ko paring pagkukulang sa relasyon nating dalawa.

May itatanong sana ako.
Sana sagutin mo ito ng totoo dahil ayoko ng mabigo.
Kung ano man ang iyong sagot tatanggapin ko to ng buong puso,
Kahit ayoko pang sumuko.
Mahal? Mahal mo pa ba ako?

Kasi kung hindi na ayos lang.
Kung hindi na papalayain na kita.
Kung hindi na hahayaan na kitang maging masaya sa piling niya.
Hahayaan na kitang sumama sa iba.

Pero lagi mong tatandaan, na kahit anong mangyari nandito lang ako para sa'yo.
Nandito pa din ako para damayan ka
Nandito pa rin ako para patahanin ka pag pinaiyak ka niya.
Wag mo sanang kalimutan ang ating mga pinagsamahan.
Wag mo sanang hayaang burahin niya ang mga dati nating alaala.

Gusto ko pa sanang ipaglaban ka.
Gusto ko pa sanang lumaban kasama ka.
Pero mukang malabo na.
Kaya ngayon paalam na.
Paalam na sa mga dati nating alaala.

__________________________________

A/N: next chapter explain ko history bakit nabuo ko tong poetry ko na na to HAHAHAHA haba dibaaa?

Unspoken Feelings (Spoken Word Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon