Malabo

140 2 0
                                    

Entry #5 ito muna last. Aayusin ko pa to ng paulit ulit pati yung iba.

__________________________________

"Malabo"

Dumating na tayo sa point na,
Wala na ung ngiti,
Wala na ung tuwa,
Wala na ung kilig.

Pero baka sa'yo lang naman talaga ung nawala?
Kasi wala pa ring pagsidlan ang ngiti ko tuwing nakikita ka,
Kasi natutuwa pa rin ako sa mga banat mong sablay pero okay na,
Kasi kinikilig pa rin ako tuwing nandyan ka.

Isipin mo, sabay tayong nakangiti dahil sa kalokohan,
Sabay tayo natutuwa sa mga nakikita natin na katatawanan,
Sabay tayong kinikilig na parang tanga pag bumanat na isa,
Bakit ngayon ako na lang?
Bakit ung dating excitement na nararamdaman natin tuwing magkikita tayo,
Ay tila naging isang normal at ordinaryong pakiramdam na lang para sa'yo?

Sawa ka na ba?
Sawa ka na bang manatili sa tabi ko?
Pagod ka na ba?
Pagod ka na bang intindihin sa mga mood swings ko?
O baka nanlamig ka lang talaga?
Nanlamig kasabay nung panahon, malamig.

Tatapusin ko tula na ito nang ganito,

Komunikasyon?
Labin dalawang letra,
Isang salita,
Yan ung wala tayo.
Baka isang araw, relasyon naman natin ang mawala at maglaho.

Ang relasyon natin ay parang tubig,
Tubig na hindi na gaanong malinaw.
In short, malabo.
_____________________________

A/N: Thank you so muchhhhh. Hope you like it. Gagawa pa ko ng iba soon. Sana sipagin diba HAHAHAHAHAHAHA

Unspoken Feelings (Spoken Word Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon