Huli na

187 4 0
                                    

Entry #2 hihi. Enjoyyy. Maikli lang to.

__________________________________

"Huli na"

Hindi alintana ang lahat ng patak ng ulan.
Nagbabakasakaling ako'y magising na sa katotohanan.
Katotohanan na dapat ko nang paniwalaan.
Katotohanan na matagal ka ng lumisan.
Katotohanan na hindi na muli tayong magkakabalikan.

Kahit gaano pa kalakas ang dagundong ng kulog
Mas nangingibabaw pa din ang puso kong nadudurog.

Umaaliwalas na ang kalangitan,
Hindi na kasing dilim ng ating nakaraan,
Hindi na katulad ng isang basag na larawan,
Humihina na din ang ulan,
At unti unti ka ng nawawala sa aking harapan.

Paalam matalik kong kaibigan,
Hindi ko man naamin na higit pa sa kaibigan ang aking nararamdaman,

Pero hayaan mo na,
Masaya ka na sakanya,

Wala na rin namang akong magagawa kasi siya na,
Kasi huli na.

__________________________________

A/N: pasensya na kung maikliiii. sabaw pa yan HAHAHAHAHAHA

Unspoken Feelings (Spoken Word Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon