Entry #3 para sa mga nasaktan,
Nasasaktan,
O di pa nasaktan,
Sabay sabay tayong masaktan,
Damay damay na to heheheTula na parang di tula HAHAHAHAHAHAHAHA
__________________________________
"Relasyon?"
Ang relasyon parang pag naliligo yan,
Sa una akala mo okay lang,
Akala mo tama lang,
Pero pag tumagal?
Nanlalamig na.Nanlamig ka?
Kaya pati siya nanlamig na.
Nahiya naman yung December sa lamig niyong dalawa.Pero pwede pa kaya?
Pwede pa kaya painitin ang nanlalamig na damdamin?
Pwede pa ba isalba nating dalawa ang relasyong malapit ng gibain?Kung pwede, paano?
Paano kung ikaw ay nang iinit na sa lambing ng iba?
Paano kung ikaw ay sumasaya na sa piling ng iba?
Paano na ako?
Paano na ang tayo?Pero naging tayo ba talaga?
Teka mali,
May tayo ba talaga?
O isa lang ako sa mga option mo tuwing wala siya?
Isa lang ako sa taong nalalapitan mo pag inaaway ka niya?Relasyon?
Bagay na hindi naman tayo nagkaroon.__________________________________
A/N: ewan ko ba dito HAHAHAHAHA sana nagustuhan niyoooo.
BINABASA MO ANG
Unspoken Feelings (Spoken Word Poetry)
PoetryIsusulat na lang ang mga katagang hindi maibigkas.