Hindi lahat

101 3 0
                                    

Entry #6 hihi. Bagong gawa ko to. Nagawa ko siya kasi malungkot ako HAHAHAHAHAHAHA ewan ko baaaa.

__________________________________

“Hindi Lahat”

Hindi lahat ng nang iiwan ay gustong umalis na.
Hindi lahat ng nang iiwan ay may iba na.
Hindi rin naman kasi lahat ng nananatili ay mahal ka pa diba?
At lalong hindi lahat ng nananatili ay masaya pa sa isa’t isa.

Naalala mo ba noong gustong gusto ko ng umalis pero teka wag na lang pala muna.
Baka pwede pa naman kasing maayos diba?
Wala namang masama kung susubukan ulit natin diba?
Pero teka mukhang mali ata ako.
Naging mali pa ata na nanatili pa ako.
Hindi na pala dapat manatili kung pareho lang nating sinasaktan ang isa’t isa.
Nandito na nga na mahal na mahal pa nga natin ang isa’t isa.
Pero ito tayo, paulit ulit na nag aaway sa mga simpleng bagay.
Paulit ulit nagtatalo kahit wala namang nananalo.

Ang dali lang sabihin na tama na.
Tigil na. Awat na.
Pero bakit hindi ko magawa?
Bakit ito pa rin ako.
Umaasa na muling maayos ang relasyong matagal na nating iningatan at binuo.
Hindi lahat ng umaalis ay masaya.
Hindi lahat ng umaalis ay ayaw ng bumalik pa.
Hindi lahat.

Bago ako matapos hayaan niyong tapusin ko ito ng ganito,
Huwag kayong mag alala kung wala kayong jowa,
Kasi hindi naman lahat ng may jowa ay masaya.

__________________________________

A/N: Sana sipagin pa ko ulit gumawa HAHAHAHAHAHA hope you like it. Please like nd support hihi

Unspoken Feelings (Spoken Word Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon