Unang Kabanata

76 4 2
                                    

"I always thought that time is a thief because it stole everything from me.

However, I realized that time is a gift."

"A gift?" I asked him. I'm trying to hold my breath so that my tears will not fall.

"Yes. A gift.

Every bit of it is a gift. Every minute. Every second."

He held my hand. Cold. Colder.

I can't hold my tears back.

He smiled at me – a smile telling me that everything will be all right. He took his final breath.

"In the garden of memories...

...in the palace of dreams...

...that is where you and I shall meet again."

My tears fell into his hand.

"Goodbye, Allen."

*****

Why do good people die early?

Like Helen who launched a thousand ships, I am Allen who launched a thousand bottles – bottles of what ifs floating in that flowing river where I used to play when I was young. Somehow, the "what ifs" came back in a different form. The questions came back to me personified.

I have these questions left unanswered. I do not know how am I going to answer all of these questions in my head especially now that they returned for me to resolve. Why were we only given a short time to find out the secrets?

I am a lost star in a universe of inquiries.

"Alright," sigaw ni Marco, ang producer ng binubuo naming dokyu, habang nakahawak sa shot list at nakaharap sa trapiko na namumuo sa kasagsagan ng Epipanio Delos Santos Avenue. "Oh mga bakla, hinto muna tayo!" Mababakas mo sa kaniyang mukha na masaya siya sa aming natapos na kuha. "Break muna tayong lahat at napakainit dito sa EDSA! Amoy polusyon na ako, punyeta!" Pagbibiro nito habang nakapameywang at ipinapaypay sa kaniya ang shot list. Pag si Marco talaga ang producer, hindi ka mahihirapan kung hindi ka tanga. Sa lahat ng baklang kilala ko, eto ang hindi nakapagmumog ng holy water nung bata siya. Pasmado ang bunganga pero nagpapakatotoo lang.

Bumalik muna ang lahat sa sasakyan upang kumain ng pananghalian. Habang kumakain, naisip ko, "Deserve ko ba ang lahat ng nararanasan ko ngayon? Hanggang kailan ko hahanapin ang mga bagay na ayaw naman magpakita sa akin?" Heto na naman ako sa mga naiisip ko. Punyeta, mapapayosi na naman ako nito mamaya eh.

"Hoy Allen-ita!" Sigaw ng baklang hindi nakapagmumog ng holy water habang siya'y ngumunguya ng kaniyang pagkain. "Huwag kang lalayas agad, punyeta ka. May pag-uusapan pa tayo pagkapost-production." Sana naman hayaan niya ako sa inirequest kong isang linggong bakasyon. Sirang sira na yung sistema ko at hindi ko na alam paano pa ako magpapatuloy. Bigti na friend!

"Oo na Marco-va! Kung makasigaw ka parang tinubos mo yung pagkatao ko. Lumayo ka nga ang baho ng bunganga mo." Pang-aasar ko dito.

Araw-araw akong nagpapatuloy bilang isang researcher na kumukuha ng mga magagandang kuwento pero sarili kong kuwento hindi ko maayos. Ilang scoop na rin na galing sa akin ang naghatid ng karangalan sa mga shows na hinawakan ko. Ibinaling ko sa trabahong ito ang lahat, baka sakaling magkalakas-loob na rin akong harapin ang mundong kinakatakutan ko. Kaso, ayun nga, hindi pala naiipon ang lakas ng loob – na ang lahat pala ng pagkakataon ay maaaring maging tamang pagkakataon. Na kaya ka pala nawawalan ng lakas ng loob ay dahil sa hinahayaan nating kainin tayo ng takot. Kinailangan ko pang mawalan ng mga mahalagang bagay bago pa humampas sa akin ang kamay ng reyalidad.

*****
Natapos na ang post-production namin dahil naihanda agad ni Marco ang script para sa dokyung ito. Kaso si bakla, nag-iinarte pa sa editor. Kating-kati na ako mag-impake. Gusto ko nang makawala sa usok ng EDSA. Gusto ko nang makawala sa mga tanikala ng nakaraan. Gusto ko nang sagutin ang mga tanong sa buhay ko at balikan ang mga pilosopiya ng namayapa kong kaibigan na si Haru. Why do good people die early? Kulang na ba ng anghel sa langit? How could he say that time is not a thief if it took everything I loved? Ayan, punyeta! Lumalabas na ang mga tanong. Sana iluwa na ng kwartong iyon si Marco dahil pakiramdam ko mababasag na ako.

Umakyat muna ako sa roof deck ng building kung saan nagmomomol ang mga kapwa ko mananaliksik na tigang na tigang na dahil sa kinain na ng mother shows at raket nila ang kanilang social life. Dala ko ang isang kaha ng Marlboro Blue at Menthos. Pumwesto na ako kung saan makikita ang magandang cityscape kapag dapithapon. Itong lugar na ito ang paulit-ulit na nagpapaalala sa akin na ang konkretong gubat na ito ay hindi takbuhan ng mga problemado at hindi minahan ng marangyang buhay. Isang hithit ng yosi para sa natapos na tensyonadong araw.

"Aba't tignan mo nga naman itong hayop na ito," isang mapang-okray na tono ang narinig ko mula kay Marco na nasa likod ko na pala. "At talagang hindi mo na ako nahintay para magyosi?"

"Uy," pagbibiro ko, "Tunog ata yun ng hayop na humihingi ng yosi!" Humarap ako sa kaniya at nakita ko itong nakapamaywang habang nanlalaki ang butas ng ilong.

"Namo ka!" Lumapit siya sa akin habang ganoon pa rin ang hitsura niya, "E bakit ka dito nagyosi? Maiinggit ka lang sa mga nagkakantutan dito sa taas e," tuloy tuloy na sabi niya ngunit bigla siyang naghysterical. "O baka nakikipagthreesome ka sa kanila dito? U-may-gad. Umaygad!"

"Huy!" Sita ko sa kaniya. "Bunganga mo!" Pasmado talaga bunganga nitong hayop na ito.

"So ano ang totoo?" Pagbabago niya ng usapan. Sa tingin ko ay alam na niya ang plano kong gawin.

Nakatitig ako sa kahabaan ng trapiko mula sa kinalalagyan namin ngayon. Muling nagbalik lahat. Nangibabaw ang lungkot at ang pagkalito sa mga negatibong emosyon na nag-uunahan sa aking pagkatao. Punyeta.

"Gusto kong ayusin ang sistema ko, Marco." Sagot ko sa kaniya habang nakatanga ako sa kawalan. "Pwede bang ihinto ko ang oras kahit saglit lang? O kaya naman puwede bang humiling ng ilang araw para makabalik sa nakaraan?"

Inagaw niya sa akin ang kaha ng sigarilyo at kumuha siya rito ng isang stick. Sinindihan niya ito at humithit bago nagbitaw ng linya kalakip ang tonong animo'y giliw na giliw. "May kahinaan ka rin pala, 'nu?"

Sa industriyang ito, marami na ang tumawag sa akin ng iba't ibang tingin nila sa akin. Malamig. Masama ang ugali. Ambisyoso. Matigas. Iilan lamang ang mga ito sa napakaraming itinatawag nila sa akin ngunit bihira ang nakakaintindi kung bakit naging ganito ako. Ang nakikita lamang ng ibang tao ay ang kinang na nalilikha ko sa bawat proyekto at ang dumi ng pagkatao ko sa trabaho.

Matigas ako kasi kinailangan ko – kasi wala akong ibang aasahan kung 'di ang sarili ko. Ang hindi nila alam, durog na durog na ako at kailangan ko ng mga taong dadamay sa akin sa malungkot na lakbayin ko. Yung taong mula noon ay kasama ko, wala na rin sa akin ngayon. Nasa kabilang buhay na siya, tahimik at wala na ang paghihirap. Wala na nga ba akong karapatang maging masaya sa buhay?

Bumalik ang aking diwa mula sa panandaliang pag-iisip at saka tumugon kay Marco, "Ganon na ba ako katigas para sabihin niyo sa akin 'yan?" Nilingon ko siya ng may halong paninimbang ngunit nagulat ako nung niyakap niya ako. Hindi ako iiyak. Punyeta to si Marco, eh.

Akala ko bibitiw na siya pero lalo lamang humigpit ang kaniyang mga yakap. "Allen, para na kitang bunsong kapatid. Kaya naman kahit papano, naiintindihan kita. Kung si Darna nga iniluluwa ang bato para makakalma, ikaw pa kaya?"

"Itinulad mo pa ako kay Darna. Hayop na 'to."

Inilayo niya ako sa kaniya at tinignan ako sa aking mga mata. "Kailangan mo munang huminga. Marami ka nang scoop na ginawa. Baka kailangang scoop ng buhay mo naman ang harapin mo." Seryoso siya. "Ako na muna bahala sa 'yo."

Napangiti naman ako doon kahit papano. Kahit pala papano, gising si Marco nung nagpaulan si Lord ng kabutihan.

"Saan ba ang punta mo?" Malaon ay tanong nito.

"Sa Puerto Galera, mamsh." Pagsagot ko dito.

"Bakit doon?"

Napaisip nga rin ako. Bakit nga naman sa dinami dami ng lugar eh doon ko pa naisip magpunta?

Isa lang ang sigurado ako.

Pakiramdam ko ay tinatawag ako ng bayang ito. May isang huni sa aking puso na ngayo'y tila sumisigaw at sinasabing tama ang desisyon ko.

"Pakiramdam ko, doon ko makikita ang kalinawan sa isip ko." Pagsasabi ko dito ng walang emosyon.

"Dyesebel pala ang peg mong hayop ka." Hirit nitong pabiro. "Osya ika'y lumayas na at ng makapag-impake ka na."

Nagpatiuna na nga ako. Malapit na ako sa pinto upang umalis at mag-impake na ng bigla siyang nagpahabol ng sigaw. "Alam na ba ni Simang 'to?"

Buffering.

Simang.

Hayop.

Kainin na sana ako ng lupa.

SuladTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon