chapter3

25 7 0
                                    

BAgsak ang balikat ni Alice ng makauwi sya sa kanila.
Napagod sya sa kakalinis ng lintik na opisina ng boss nya.

Pag kauwi nya'y dumiretso na agad sya sa kwarto.
Pag ka tapos maligo'y agad na syang nahiga. Bigla nalang pumasok sa isip nya ang kakaibang tibok ng puso nya.
Hindi nya alam kung bakit yun ganun.
Siguro dahil lang yun sa takot.

Kada pipikit si Alice ay iisang
Imahe lang ang nakikita nya, ang imahe ng boss nya.
Pinilit nyang makatulog dahil may pasok pa sya bukas. Magiging janires nanaman sya bukas!.

Kriiiiiiiiingggggggggg! Krrrriiiiiinggggggggg!
.
Nagising si Alice sa tunog ng kanyang alarm clock.
Hello pretty, isusumpa ka nanaman mamaya.
Agad na nawala ang gana nya, sa isiping mag hihirap nanaman sya mamaya.

Pero agad nya yung inalis sa isipin nya dahil ayaw nyang mawalan ng trabaho.
Pag ka tapos nyang ayusin ang sarili'y agad na syang dumiretso sa kumpanya ng boss nya.

MAagang pumasok si Jake sa kumpanya nya. At yun ang hindi nya alam kung bakit.

Hindi yun normal sakanya
Dahil lagi syang late pumapasok.
Gusto mo kase syang makita sabi ng munting tinig sa isip nya.

Agad nya yung binura dahil hindi yun ganun. Gusto ko lang mag trabaho ng maaga, para mabilis akong matapos. Dipensa nya sa sarili nya.

MAmaya maya lang ay nakarinig sya ng ilang katok, ilang sandali lang ay may pumasok. Isang magandang babae, pero bagsak ang balikat nya ng mapag sino ito. Si diana.

"Hello baby" maligayang bati nito sakanya.

Ngiti lang ang naging tugon nya.
Agad yung napansin ng dalaga pero ipinagsa walang bahala nalang.

"Baby shopping tayo ulit, please" sabi nito with puppy eyes pa.

Madami pakong trabaho! Inis na sigaw nya sa isip nya, pero kasintahan nya ito. Kaya hindi sya pwedeng humindi..

"Lets go" aya nya sa babae, agad namang lumawak ang ngiti nito.
Hindi pa sila nakakalabas ng biglang bumukas ang pinto, pumasok dito ang babaeng hindi nya dapat hinahanap
Si alice

"Ahm, S-sir s-sorry po n-a l-late ako" hinihingal na sabi nito.
Tinitigan nya ito, halata sa muka nito ang pagod.

"Halika,sumama ka samin" sabi nya, ramdam nyang natigilan si Diana pero hindi nya yun pinansin.

"Saan ho?" naguguluhang tanong ng kanyang sekretarya.
"Wag ka ng maraming tanong" pag tatapos nya sa usapan.

Ilang minuto lang sa byahe ay nakarating na sila sa mall.
Agad na nag ikot ikot si Diana, silang dalawa naman ay nakasunod lang dito

Ilang minuto lang ay napakadami ng dala ni Alice, ginawa itong taga bitbit ni Diana ng mga pinamili nito.
Nakaramdam sya ng awa sa dalaga dahil bakas sa muka nito ang pagod.

Kaya kinuha nya rito ang mga bitbit nito, ramdam nyang natigilan ito pero hindi nya yun pinansin.
Nakita ni Diana na sya na yung may dala ng mga pinamili nito pero nag iwas lang sya ng tingin.

Ng matapos ay inihatid nila si Diana at agad na silang dumeretso sa kumpanyang pag aari nya.

ANo ba naman tong pinasok ko? Nung una janitres ngayon naman katulong?
Mgfa peste!

Agad syang dumiretso sa opisina ng boss nya. Pag pasok nya'y nag linis na agad sya.
Maya maya lang ay bumukas ang pinto
Sa isiping mga katrabaho nya lang yun, pinag sa walang bahala nya nalang.

Ilang segundo lang ay narinig nya ang baritonong boses ng amo nya na nakapag pa tayo ng mga balahibo nya.
Nasa likudan nya ito ang lapit nya! Tili ng malandi nyang isip.

Humarap sya dito dahil hindi nya kaya ang posisyon nila kanina.
Nagulat pa sya ng makitang titig na titig ito sakanya.

"Bakit po sir?" pormal pero kinakabahang tanong nya.
Ilang segundo muna bago para itong natauhan. Napakurap kurap pa ito. Maya maya'y nag salita ito.

"Alice umuwi kana" nag uutos na sabi nito na ikinagulat nya.

"Pero sir 2pm palang, 6pm po ang out ko" sabi nya na parang ipinapaalala dito.

"Alam ko, pero umuwi ka na alam kong pagod ka. Mag ingat ka" deretsong sabi nito na ikinatibok ng puso nya. Biglang natunaw ang inis nya dito at napalitan iyon ng mas malalim na pag hanga sa binata.

"Salamar sir" Naka ngiting sabi nya dito at alam nyang sa pag kakataong to, totoo na yung ngiti nya.

Mabilis nyang inayos ang gamit nya at nakangiti parin sya pag ka uwi nya sa bahay nila.

Hays! Makakapag pahinga nadin! Masayang sigaw nya sa isip nya. Tsaka patakbong pumasok sa kwarto nya at pabagsak na nahiga sa kama.

Bago sya nakatulog ay may sinabi pa ang maharot na isip nya, hindi na sya naka tanggi dahil nilamon na sya ng antok..........ang gwapo nya.

NAngingiti si Jake habang nag tatrabaho, naaalala nya kase ang masayang muka ni Alice ng pauwiin nya ito ng maaga.

Napaka ganda nito lalo na kapag hindi peke ang mga ngiti nito. Tuwing nasa tabi nya ang dalaga nakakalimutan nyang may kasintahan sya.

At dapat nya na talagang pigilan yun. Dahil pag hanga lang naman yun, pag hanga lang.

Tinapos nya ang trabaho habang patuloy na naniniwala na pag hanga lang ang nararamdaman nya para kay Alice. Simpleng atraksyon lang, kaya dapat hindi sya kumikilos ng ganito.

Makakasama ito sa pag sasama nila ni Diana, kaya naisip nyang dumistansya muna sa dalaga. Dumistansya muna sa kanyang sekretarya.


she changed meWhere stories live. Discover now