chapter4

41 7 1
                                    

Spg









ARaw ngayon ng sabado, at wala syang pasok. Hindi nya inakalang tatagal sya ng isang linggo bilang alila ng kanyang boss.

Pero binaliwala nya nalang iyon dahil kailangan nya ng trabaho.
Gusto nyang tustusan yung mga pangangailangan nya.

Kaya kahit nahihirapan na sya sa trabaho nya tinitiis nya, kase ayaw na nyang iasa sa mama nya yung mga bagay na dapat sya na ang gumagawa.

Dahil day off nya ngayon naisipan nyang mag punta sa mall mamayang alas tres ng hapon.  Gusto nyang mag palamig muna dahil puro hirap ang inabot nya ng linggong nag daan.




GAling ng america si jake, dun muna sya nag lagi ng tatlong araw dahil may inaasikaso syang nigosyo doon. Hindi nya sinabi kay diana na uuwi sya, ang alam nito ay sa makalawa pa sya uuwi. Gusto nya itong masorpresa kaya hindi sya nag sabi na ngayon ang uwi nya.
Agad syang dumeretso sa bahay nya, para maligo muna saglit. Hindi pa sya nakakapasok sa kwarto ay naririnig na nya ang mga kakaibang tunog.
Alam nya ang mga tunog na yun, bigla nalang nanlamig ang katawan nya.

Tama ba ang mga naririnig nya? Tunog iyon ng pag iisa ng mga katawan ng dalawang tao, tunog iyon ng taong umuungol.
Inatake ng kaba ang dibdib nya. Hindi ito maaari.

Naniniwala syang hindi si diana iyon,kaya naman para malaman nya tuluyan syang pumasok sa kwarto. At sa pag pasok nya ay sya ding pag guho ng pinanghahawakan nyang MAHAL SYA NITO.

Hindi naramdaman ng dalawa na nakapasok sya dahil patuloy lang ito sa pag ungol.
Pakiramdam ni Jake ay pinagsakluban sya ng langit at lupa.
Pero pinilit nyang kumalma.
Tumikhim sya para kunin ang atensyon ng dalawa.

Sabay itong nag angat ng tingin sakanya, halos lumuwa ang mata ni diana ng makita sya.
"Ahm b-baby a-ano k-kase m-mali yung n-nakita mo" utal utal na sabi nito, bakas sa mata nito ang takot.

"Mali nga yung nakita ko, halata naman e" sarkastiko nyang tugon sa dalaga.
"God diana! Pano mo naman to nagawa sakin!?" galit na sigaw nya dito. Sa sobrang galit nya sinakal nya yung lalaking katalik nito pinagsususuntok nya sa sobrang galit.
Hindi sya tumitigil, pero napatigil sya ng sumigaw si diana parang karayom na tumutusok sakanya ang bawat salitang binibitiwan nito.

"Jake tama na! Wala kang karapatang saktan sya! Hindi naman talaga kita mahal e, pineperahan lang kita!" galit na sigaw nito sakanya na lalong nag painit sa ulo nya.

Nawala lahat ng emosyon sa mga mata nya, isa lang ang nararamdaman nya ngayon. Galit

"At anong karapatan mong gaguhin ako diana?, anong karapatan mong saktan ako!?,wala kang karapatang gaguhin ako diana! Wala! ngayon,  hindi na kita kailangan makakaalis nakayo !" galit na sigaw nya sa dalawa. Nag mamadali itong mag suot ng mga damit nito.

Pero bago ito makaalis ay may sinabi pa sya dito "ayoko ng makita yang pagmumuka nyong pareho, kase hindi nyo gugustuhin kung anong gagawin ko"
Mas malamig pa sa yelo ng sabihin nya yun.

Ng mawala sa harapan nya ang dalawa nasapo nya nalang ang sariling ulo at napaupo sa kama,
Wala syang maramdamang sakit, lahat ng nararamdaman nya nawala.
Galit nalang ang natira.
Galit dahil niloko sya, galit dahil ginago sya, galit sa mga babae dahil mga muka itong pera. Mga manggagamit!

Nag papaulit ulit lang sa pandinig nya ang mga masasakit na salitang binitawan sakanya ni Diana,
Pero kahit anong sakit ng ginawa nito wala talaga syang maramdamang sakit.

Awa at galit nalang ang nararamdaman nya. Awa para sa sarili nya, at galit sa mga babae dahil mga muka itong pera. Ng gabing iyon ay ipinangako na nya sa sarili nya na hindi na sya mag mamahal ng babae. Hinding hindi na.





HApon na ng makauwi si Alice, nag enjoy sya sa pamimili. Kahit papano ay gumaan ang loob nya. Naaliw sya sa mga tanawing nakikita sa loob at labas ng mall. pansamantala nyang nakalimutan ang hirap ng trabaho nya.

Dahil medyo napagod sya sa pag lilibot sa mall, ilang minuto lang ng mahiga sya sa kama ay agad syang dinalaw ng antok.

NAgising si Alice dahil sa sunod sunod na katok, maya maya lang ay narinig na nya ang boses ng kanyang ina.

"Alice anak, gising kanaba?" sapat lang ang lakas ng boses nito para marinig nya.

"Opo ma" nag hihikab na sagot nya.
"Pag ka tapos mong mag ayos ay bumaba kana ha? Baka malate ka sa trabaho" bilin nito sakanya. Tsaka nya narinig ang papaalis na yabag nito.

Nag inat inat muna sya bago pumasok sa banyo.
Ng matapos ay agad syang bumaba para samahan ang inang mag agahan.

Tahimik nilang tinapos ang pag kain, humalik muna sya sa kanyang ina at nag paalam bago lumabas ng bahay para pumasok na sa trabaho.



NAng magising si Jake ay para ng hinahati ang kanyang ulo.
Sa Bar na sya ng kaibigan nya nag palipas ng gabi. Nilunod nya ang sarili sa alak dahil sa galit na nararamdaman nya. Saglit nya pang inalala kung anong nangyari kagabi, kung panong ginago sya ni diana.
Kaya Simula ngayon ay babakuran na nya ang puso nya

Nang makaligo ay bumaba na sya para uminom ng gamot para mawala kahit papano ang hangover nya.
Hindi sya pwedeng hindi pumunta sa opisina nya dahil madami pa syang pipirmahan.

Kaya kahit masakit ang ulo'y nag punta sya sa opisina.
Pag pasok nya'y naabutan nya ang sekretarya nya. Nitong mga nagdaang araw ay lagi nyang nasisigawan ito. Pero hindi ngayon wala sya sa mood sigaw sigawan ito.






NAng bumukas ang pinto ay alam nyang boss nya iyon.
Ihinanda na nya ang sarili dahil alam nyang sisigawan sya nito.
Pero laking gulat nya ng lampasan lang sya nito tsaka dirediretsong nag punta sa table nito, kung saan doon nito ginagawa ang mga trabaho.

Ilang oras na ang lumilipas pero wala syang marinig na sigaw galing sa binata. Naninibago sya.
Dahil hindi sya makatiis ay nilapitan nya ito. Kanina nya pa kase napapansin na wala ito sa sarili. Nakatulala lang ito at mukang malalim ang iniisip.

Tumikhim sya para makuha ang atensyon nito. Napakurap kurap muna ito na para bang galing ito sa ibang planeta. Bumaling ito sakanya na masama ang tingin pero hindi nya yun pinansin.

"Sir ayos lang ho ba kayo" magalang na tanong nya dito.
Maya maya lang ay sumagot ito "oo ayos lang ako"

Pero dahil makulit sya, hindi sya naniniwala. "Sigurado ka po ba s-"
"Oo sigurado ako" putol nito sa iba pa nyang sasabihin.
"Tinanggap kita dito bilang sekretarya ko, at hindi kasama sa pagiging sekretarya mo na alamin ang nararamdaman ko, naiintindihan mo?" pagalit na sabi nito.
Para naman syang binuhusan ng malamig na tubig, dahil sa sinabi nito.
Napahiya sya! Agad na nilukob ng galit ang pag katao nya pero pinigilan nya dahil boss nya ito at may point naman ito.
Pero wala itong karapatang ipahiya sya.

Agad syang tumango "opo sir, hindi napo mauulit" magalang na sagot nya kahit gustong gusto na nya itong ihampas sa pader dahil sa kagaspangan ng ugali nito.

Nag mamartsa syang lumabas sa opisina dahil sa inis na nararamdaman nya.
Pero alam nya sa sarili nyang hindi inis o galit ang nararamdaman nya ngayon.

Kundi sakit. Nasasaktan ang puso nya.
Dahil sa isang linggong pag tatrabaho nya dito hindi naalis ng pag sigaw sigaw nito sakanya ang pag kagustong nararamdaman nya para rito.
Napabuntong hininga sya dahil namamasa ang mata nya, napahawak sya sa dibdib nya kung nasaan ang puso nyang umiiyak ngayon.

Shh heart tahan kana, gago talaga yang tinitibok mo nayan e. Pag kausap nya sa puso nya bago sya pumasok sa elevator at bumaba sa pinaka babang palapag para pakalmahin ang sarili nya.

she changed meWhere stories live. Discover now