PROLOGUE

19 3 0
                                    


"

Morgia Academy, it was established on 1768, owned by a very powerful man, Mr. Wendell Stravinsky. He was born on 1721. At the age of 56, he died, almost ten years after Morgia Academy was built. He was killed during the war between Morgia Academy and its rival, Grim University. He was killed by the Grims' Lord,  Mr. Demetre Zacarius. After Mr. Stravinsky's death, Morgianas were colonized by the Grims'. Most of our comrades died. Torture, slavery, harassment, name all the painful ways to die. They had experienced it all." malungkot ang mukha ng mga estudyanteng nakikinig sa History Prof nila.

"Ma'am!" One of her students raised her hand.

"Yes, Ms. Rafael?" tawag niya dito.

"Paano po natigil yung war?" curious na tanong nito sabay paputok ng bubblegum. Kaagad siyang siniko ng lalaking nasa tabi niya.

"Before I answer that, please throw your gum first. You're being disrespectful, young lady." seryosong wika ng Prof nila.

"I'm sowwyy." anang estudyante niya saka pumilas ng papel at ibinalot  ang gum dito saka pinalutang ito sa ere't ni-shoot sa basurahan.

"Magic is not allowed in my class, Justine Rafael!" nangangalit na sigaw ng guro nila. Ang tahimik na klase ay mas lalo pang natahimik. "Get out!" dagdag pa nito.

Padabog na tumayo ang dalaga at naglakad palabas.

Kinalma ng guro ang sarili niya. Bumuntong hininga at nilagay ulit sa tamang postura ang sarili.

"Back to our discussion. And oh, the answer to her question is, war was stopped when Cruzia Academy and Morgia Academy, united as one.  Headed by Mr. Stravinsky's only son, Elias and Cruzia's President, Mr. Wong. It was hell during that time but luckily, we won the battle. They won the war." nakangiti na ang guro at mukhang masaya talaga sa kinalabasan ng giyerang iyon.

"Morgia Academy was built again. This time, with bigger and stronger barriers. Thanks to our Lords, Morgia Academy wasn't fully destroyed." nagpalakpakan ang mga estudyante pagkatapos magsalita ng guro. Kasabay niyon ay ang pagtunog ng bell, hudyat na break time na nila.

Bago sila palabasin ay may kumatok sa pintuan nila. Pumasok ang busangot na mukha ni Ms. White, ang head teacher. Ang guro rin nila sa witchcraft.

"Sit down, students." malaki ang boses nito na nagdala ng kilabot sa bawat isa.

"I'm here to inform you that we will have a meeting later at the quadrangle, exactly 2pm. All of you must be there or else. You know what I mean. Hmm, and that's all. You may now take your break." umirap ito sa hangin bago nilisan ang silid nila.

Nagsimulang magbulung-bulungan ang mga estudyante dahil bibihira lang naman kung magpatawag ng meeting ang head. Paminsan pa'y puro masasamang balita ang mensahe.

"I think, tungkol na naman ito sa mga mortal na inaabduct." sabi ni Jes sa kaniyang bestfriend na si Aria.

"Malamang. Pero ano pa bang pakialam nila o natin sa mga mortal na nawawala? It's not as if, ikamamatay din natin iyon 'no." iritang sabi ni Aria.

Matagal ng usap-usapan ang papalaking bilang ng mga mortal na nawawala at hindi natatagpuan ang bangkay. Isang malaking katanungan at matinding pagkabahala iyon sa mga head ng Morgia Academy lalo't may hinala na sila kung ano at sino ang may kagagawan niyon.

Sa isip ng bawat nakaaalam ay sana'y hindi nangyayari o mangyayari ang hinala nila. Dahil alam nila ang mangyayari at isa lang ang kahihinatnan nito, magkakaroon ng panibagong giyera sa pagitan nila.

Morgia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon