03

5 2 0
                                    


..

Maaga kaming nagising ni Katrina. Naghanda at nag-ayos para sa aming pag-alis. Hawak niya ang map habang ako naman ay hawak ang perang gagamitin para sa pagcocommute.

Ang sabi sa amin ay paglalakad lang daw ang gagawin. Kaya pala pagkagising namin ay ang daming pagkain at tubig ang nakahanda sa sala.

Hindi kaya pagsubok lang ito? Baka hinahanap nila ang karapatdapat na makapasok sa Morgia Academy? Hmm. Hindi ko alam. Nakakalito.

Sumakay kami ng jeep at huminto sa isang lumang playground?

Kahit nag tataka ay sinundan parin namin ni Katrina ang nakasaad sa mapa. Naka pasok kami sa lugar na mapuno. Forest na nga ata to e. Tsaka diko rin alam kung nasaang parte ba kami ng Pilipinas.

"Huminto muna tayo dito sa malaking puno na may nakatatak na '1st'." Turo ni Katrina sa mapa sabay upo sa malalaking ugat ng puno para magpahinga sandali.

Gubat pala itong pinasukan namin. Ano bang nasa isip ng nagpapagawa nito? Kailangan pa kaming pagurin kung pwede naman kaming sunduin na lang. At saka, teka nga, bakit gubat ang pinapasukan namin? Baka may mga hayop pala dito tapos gusto lang kaming ipalapa.

"Argh!" sigaw ko saka napasabunot sa buhok ko.

"Huy! Anong nangyari sa'yo? Okay ka lang?" alalang tanong ni Katrina.

"Okay lang. Nalilito lang talaga ako."sagot ko.

"Ako din naman. Haha. Pero kaya natin 'to! Malay mo challenge lang pala 'to, 'di ba? Yakang-yaka natin 'to!" bilib na talaga ako sa lakas ng loob ni Katrina.

Nangiti na lang ako. Naglakad-lakad ulit kami. Mabuti na lang at jeans ang naisuot ko, hindi tulad ni Katrina na medyo nagrereklamo na dahil ang kati daw ng damo sa legs niya. Naka-skirt kasi.

"Ayaw mo bang magpalit muna ng pang-ilalim?" tanong ko pagkatapos ng pang-isang daang reklamo niya.

"Huh? Saan naman ako magpapalit? Ayo'ko nga! Baka may manyak palang nakasunod sa atin!" natatawa na ako sa mukha niya. Parang nandidiri siya na natatakot na ewan.

"Sige, ikaw ang bahala."sabi ko na lang.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Tanging ang yapak lang namin ang maririnig. Maya-maya pa'y nakarinig kami ng huni ng ibon. Ang sarap sa pakiramdam.

Sabay kaming naupo ni Katrina sa lilim ng malaking puno na may karatula ng "1st". Nasa unang estasyon kami, may apat pang susunod bago makarating ng academy.

"Zaniah?" tawag sa akin ni Katrina.

"Hmm?"

"May nagsasalita din bang papel na ipinadala sa'yo?" aniya. Base sa boses niya'y parang kinakabahan siya sa magiging sagot ko.

"Oo. Ang weird lang. Baka hightech ang M.A?" tanong ko.

"Waah! Akala ko talaga nababaliw lang ako. Siguro nga. Baka asensado na talaga ang Morgia Academy kaya may paganun na sila. Sobrang kinabahan kasi ako." nagpapadyak pa ang mga paa niya. Parang batang nagmamaktol dahil naloko siya. Haha.

"Ahm. Hindi ka ba nawiwirduhan sa school na papasukan natin?" tanong ko.

"Bakit? Ayos naman siya, maliban dito sa pinagawa sa atin? Anong meron dito? Baka tinitrip---!" nagulat kami ni Katrina nang biglang umuga ang lupa.

Sabay kaming napahiyaw nang may mga halamang baging na pumulupot sa binti namin.

"Ahhh! Tulong!" sigaw ni Katrina.

"Shit!" kapwa kami napapaluputan ng baging sa katawan.

"Zaniah! There's a -- ahh!" napasigaw din ako ng iwasiwas siya sa ere.

Morgia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon