04

7 2 0
                                    

..

Justine Rafael's POV

Interesado ang buong klase sa kwento ni Miss Hana. Naririnig ko sa mga nasa labas ng Morgia Academy na ang History ay boring para sakanila. Iba kami. Ang History ang pinaka impotanteng subject sa amin para malaman namin kung ano talaga kami.

May ibang tulad namin na nagtataglay ng mahika pero hindi nag aaral sa MA. Iyon ang inaasikaso ngayon ng mga nakatataas. Nais nilang ipunin lahat ng tulad namin upang makapag handa sa kung ano mang mangyayari ngayon.

"Morgia Academy, it was established on 1768, owned by a very powerful man, Mr. Wendell Stravinsky. He was born on 1721. At the age of 56, he died, almost ten years after Morgia Academy was built. He was killed during the war between Morgia Academy and its rival, Grim University. He was killed by the Grims' Lord,  Mr. Demetre Zacarius. After Mr. Stravinsky's death, Morgianas were colonized by the Grims'. Most of our comrades died. Torture, slavery, harassment, name all the painful ways to die. They had experienced it all." Malungkot ang mukha ni Miss Hana habang kinukwento ang naging karanasan niya noong bata siya dito sa MA.

"Ma'am!"

"Yes Ms. Rafael?"

Tumayo ako. "Paano natigil ang war?" Tanong ko sabay paputok ng bubblegum.

"Before I answer that, please throw your gum first. You're being disrespectful, young lady." Seryosong wika nito.

"Im sowwyy." Niluwa ko ang bubblegum ko sa papel at pinalutang ito sa ere sabay shoot sa basurahan.

"Magic is not allowed in my class, Justine Rafael!" Nanggagalaiting saad ni Ms. Hana. Ts. Para saan pa ang Magic kung hindi gagamitin? "Get out!" Dagdag pa niya habang naka turo sa pintuan.

Dinaklot ko ang bag ko sabay labas ng classroom. Babasahin ko nalang sa libro mamaya yung lesson. Pero bago ako umalis sa tapat ng pinto, pinakinggan ko muna ulit ang sinasabi ni Miss.

"Back to our discussion. And oh, the answer to her question is, war was stopped when Cruzia Academy and Morgia Academy, united as one.  Headed by Mr. Stravinsky's only son, Elias and Cruzia's President, Mr. Wong. It was hell during that time but luckily, we won the battle. They won the war." Napa ngisi ako at naglakad na paplayo sa classroom.

Sa araw nato, History lang ang subject namin at 4 hours straight yun! Susme kahit gusto namin ang History ay magsasawa parin kami.

Dumeretso na lamang ako sa canteen.

Habang papunta roon ang nadaanan ko ang faculty ng teachers.

"Missing Person case outside the campus is high. Halos araw araw may nawawalang bata. Tingin ko sila ang may gawa nito." Rinig ko na sabi ng isang teacher.

Huh? May nawawala ulit? Tsaka sinong sila? Tsk nevermind na nga. Dumeretso nalang ako sa canteen at nag order ng sandwich pati hot choco. Malamig ang panahon ngayon. Hindi ko lang alam sa labas ng Academy.

Nasa kalagitnaan ako nang pagkain nang biglang tumunog ang speaker.

"Attention to all students and teachers that are discussing right now, please proceed at the auditorium at exactly 9:30AM. Attendance is a must. That's all thank you." Umulit ulit ng dalawa pang beses ang announcement bago namatay ang speaker.

Ano kayang meron? Hmm. Alas nuebe palang naman. Matatapos kopa ang pagkain ko.

Eksaktong 9:30 ay naka rating na ako sa auditorium. Marami akong naririnig na estudyanteng nag uusap at nagtataka kung ano man ang meron ngayon. Hinayaan ko nalamang sila at umupo na.

Ilang minuto pa ay nagsilabasan na ang mga nakatataas o tinatawag din namin minsan na elders.

"Good morning students." Nagulat ako sa nakita ko na naka tayo ngayon sa entablado.

Morgia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon