02

8 2 0
                                    

..

Chapter 2

Zaniah Yzabelle Huiden Point of View

Kasalukuyan ako ngayong naka tayo sa labas ng mansyon ni Aunt Fe. Bitbit ang aking dalawang maleta at isang backpack, mukha akong tanga dito dahil hinihintay ko yung bus na kulay ginto na nasabi sa form. Alas tres na ng madaling araw.

Kanina pa ako nag hihintay dito. Naka fitted ako na longsleeve at skinny jeans saka hidden wedge na shoes.

Naka upo lang ako sa gilid ng kalsada nang biglang may lumitaw na sasakyang kulay ginto sa harapan ko. Eto na siguro! Dali dali akong tumayo at sinalubong naman ako ng isang lalaking naka itim na tuxedo, napakalaki ng katawan nito at siguradong kung may kaaway man ito, tiyak na kawawa iyon.

"Name?" Tanong nya.

"Z-Zanaih Yzabelle Huiden po." nakakatakot ang napakalaki at napakalamig na boses niya.

Parang hinahanap nya ang pangalan ko sa isang papel at bigla naman syang ngumiti. Ang cute niya. Ay, uh.

"We're here for you Ms. Zanaih. Morgia Academy is waiting for you."

Nag bow naman ako sakanya. "Thank you". Kinuha naman nya ang dalawang maletang dala ko at pinauna akong pumasok.

Nagulat naman ako hindi dahil sa malawak pala ang loob ng bus kundi marami rin pala akong makakasama! Napatingin ang karamihan sa akin at ang iba'y natutulog pa.

"Hey! Come here!" Narinig kong wika ng isang babae. Naka taas ang kamay nya at naka ngiti sa akin?

Tinuro ko naman ang sarili ko at tumango naman sya habang naka ngiti. Lumapit naman ako sakanya. Nakakailang. Hindi ako sana'y na kinakausap ng mga tao.

"Ikaw ba si Zaniah Yzabelle Huiden?" Tanong nya. Nabigla ako sa kaniya at nagtaka kung paano niya ako nakilala.

"O-oo. Zanaya Izabel Weyden ang bigkas ng name ko." nahihiyang sabi ko at bahagyang tumikhim.

"Ganun din yun. Atleast may Yzabelle hehe. Im Katrina! Nice meeting you." Nakipag kamay naman ako sakanya.

Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha nya. She has small face and blonde hair. Naka bangs din siya. Medyo malaki ang mata. Mukha siyang manika.

"Paano mo nga pala ako nakilala?" Tanong ko sakanya. Syempre, kadarating ko lang. Imposible namang hinulaan nya lang.

"You're my partner as well as my dorm mate! Naka lagay kasi sa mga seats kung sino ang partner mo." Tinuro naman nya yung sinasandalan ko. Tinignan ko ito at naka lagay nga ang pangalan ko. "And lahat sila may partners na kaya sure akong ikaw si Zaniah." Magiliw na wika nya.

Napatingin namam kaming lahat sa harapan dahil tumunog ang speaker.

"Students listen. Mahigit limang oras pa ang byahe papunta sa Academy. Pwede kayong matulog muna o kumain. May mga snacks na ipapadala sainyo. Enjoy your trip with your partners!" Namatay na ang speaker kaya humarap ulit sakin si Katrina.

"Ang tagal naman ng byahe. Excited na ako." Nag pout sya. Ang cute niya lang.

"Malayo ata, eh." Sabi ko.

"Mister, anong oras po iseserve ang breakfast?" Tanong nung isang lalaki.

"Mamayang alas singko pa." Sagot naman nung tumulong sa'kin sa mga maleta ko.

Dumaing naman yung ibang kasama namin.

"Nakakagutom. Ilang oras na tayo dito, ah."

"Dapat pala kumain na muna ako bago umalis."

Morgia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon